Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Wednesday, October 31, 2012

You Only Live Once.


You only live once, ika nga ng acronym na YOLO, isa sa mga naging trending na salita sa taong ito. Pero hindi ito usapin ng isang pausong nakakabobo. Parang kahit papaano pa nga ang mga ganitong kataga kesa sa mga jeskeng PBB teens, epic fail, o kung ano pa man iyan. Pero minsan nga lang ay annoying ang approach. YOLO?!

As in literal.

Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito sa ganitong katauhan natin. Unless kung sa tingin mo ay na-reincarnate ka at nade-déjà vu sa ilang mga bagay-bagay na nangyayari sa iyong buhay.

Oo nga. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito, kaya sari-saring mga pangyayari ang ating napagdadaaanan. Iba’t ibang karanasan, mula sa first time hanggang sa pinaka-latest, mga tama at mali, mga hindi na talaga mauulit hanggang sa parang sirang plaka dahil sa pauilit-ulit na lang silang nangyayari.

Iba-iba talaga. Minsan tatayo tayo, maya-maya, madadapa, then tatayo ulit, madadapa muli, at aahon sa kahuli-hulihang pagkakataon o same cycle lang to the nth time.

Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya marami rin taong matitino dati ang ngayo’y nagloloko. Kung dati siyang nerdo, ngayon ay numero uno na siyang bulakbol. Kung dati ay iniiyakan niya na pag-iwan sa kanya ng syota niya dahil sa na-late lang siya sa date nila… Aba, baka ngayon e siya pa ang hinahabol ng mga tsikababes kahit na iba-ibang mga babae ang katawagan nya sa cellphone. Minsan nasa taas, minsan nasa ibaba.

Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya nga ang ibang gago ay nagpapakatino na dahil natatakot kay Lord at sa tinatawag na “karma.” Tama nga naman.

You only live once. At kahit magpakapusa ka sa pagkakaroon ng nine lives, e baka masagasaan ka lang ng isang bisikleta na tumatakbo sa trenta-kilometro-kada-oras, ma-dedo ka na. ‘Wag kang pasiguro sa sinasabing “second life” ng nasa taas kung una, ay hindi mo pa nga nararamdaman kung tapos na ba talaga ang oras mo dito; at pangalawa, kung hindi mo pa nga talaga alam kung ano ang misyon mo sa mundong ito.

You only live once. pero hindi ibig sabihin nun ay magpapaka-adik ka na sa bagay na gusto mo. Tandaan, ang lahat ng sobra ay nakakasama. Kaya siguro ang dating marijuana na talagang nakakagamot at ipinagbawala na sa bansa dahil sa mga mapang-abusong nilalang (Buti pa sa mga bansa tulad ng Estados Unidos). Balang araw, ang paggamit ng motorsiklo at social media ay maihahalintulad na rin sa adiksyon na ito dahil sa ginagamit ito sa mga kalokohan at panggagantso ng mga putok-sa-buho sa lipunang ito. ‘Wag naman sana.

Minsan ka lang mabubuhay, kaya hindi ka puwede na habang-buhay kang maglupasay sa mga bagay-bagay na nakapagbigay sa iyo ng kasawian, hindi lang sa palad, kundi sa iyong buong pagkatao. Alam ko na masama, masalimuot, at masakit ang realidad ng panahon ngayon, dala na rin ng masasamang balita, walang pera, human nature, at kung anek-anek pang mga bagay na negatibo tulad ng reklamo. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na ngingiti, mag-iisip ng mga magagandang bagay na makikita lamang sa psoitibong aspeto ng ating buhay. Malay mo, sa pagkakaroon ka ng positive thinking mindset pala ang pinakasusi ng iyong mga kaligayahan sa buhay. Parang yung libro lang na nag-quote nun.

You only live once, kaya ang mga walang kwentang bagay na ginagawa mo na nun… e wag mo nang gawin ng mas madalas pa ulit. Na-experience mo na pala e. Tama na, dahil nakakatanga na, t****’n* naman. Magbigay ng panahon sa mga makakabuluhan. Yung may matututunan ka, yung makakabenta ka, sisikat ka (kung magkataon man), yung tipong makakapagpa-fulfill ng buhay mo.

Oo, minsan ka lang mabubuhay sa mundong ito. Gawin mo na kung ano ang nararapat, yung tama at may kaatorya-torya. Yung may nilalaman ba. Yung tipong makakapagpaalala sa ibang tao kung anong kabutihan ang ginawa mo para sa kapwa mo, at hindi dahil parang nagmistulang stigma na ang reputasyon mo (parang yung hindi na-inform sa pagbaha sa kalyeng dadaanan at pati na rin yung nanindak ng MMDA enforcer). Yung tipong maalala ka hindi lang dahil sa mga billboard na naglalarawan sa iyo kung gaano ka ka-sexy (as in sing-pigura mo ang bote ng isang softdrink), o kung gaano katindi ang binago sa iyo ng isang doctor, o ultimo ang mga tarpaulin na kumokontra sa anti-epal bill ng lola mong si Senator Miriam Santiago.

You only live once, ika nga. Parang mundong ginagalawan mo na naghihingalo na ng dahil sa mga plastik at mapapel, yung mga taong pinaglihi yata sa basura dahil sa walang modong paglalapastangan sa kalikasan. Dapat yata ay matuto sila mapakinggan ang kanta ng banda ni Ely Buendia na Pupil at ang pamagat ay “Sala.” O mas maganda, yung epikong mga awit ng bandang Asin. Oo, nang sa ganun ay matauhan ang mga yan.

Tama, you only live once. Yun na.

10/31/2012, 02:36 p.m.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!