Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Wednesday, June 29, 2016

Change Is Coming?!

05/14/2016 10:42:16 AM

Gaya ng kanilang slogan ng pangangampanya, change is coming. Darating na raw ang pagbabago. Dahil andito na raw ang magpapasimuno nito na si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

At totoo naman, dahil pagkatapos ng eleksyon na ginanap noong Lunes a-9 ng Mayo, taong 2016, ay hindi na siya alkalde ng pinakamalaking lungsod sa Pilipinas, kundi pangulo na siya ng bansang Pilipinas mismo.

So change is coming na nga ba? Siguro, panigurado. Dahil malamang naman sa malamang ay magbabago naman talaga ang pamahalaan kada pagpapalit ng administaryon kahit minsan pa ay pakaprehong partido pa ang manalo.

Pero change is coming? Bakit? Kay Duterte na lang ba tayo aasa ng pagbabago? Ayon sa ilang mga nagpahayag, si Duterte ay isang desperadong choice na ng mga na-iisip na Pilipino. Last hope ba ayon sa pagbrand nila.

Walang panama ang pagdagdag ng isa pang P sa $ps, ang pagtutuloy ng daang matuwid, at ultimo ang pagdating ng bagong umaga rito. (Diyos-miyo naman, kampanya yan ng namayapa mong erpat eh!)

Talaga lang ha? As if siya lang naman ang may kakayahan na makapagpabago sa atin? Eh paano hindi amsasabing change is coming, dahil pag siya na ang umupo mismo sa Malakanyang (o sa kung saan man siya magtatanghal ng opisina) ay dapat nga naman kasi tyaong sumunod sa ga alintuntunin. Sabi nga nya diba ay “Ginusto niyo ko maging pangulo, aba'y tangina sumunod kayo sa batas!”

Kasi aanhin mo ang pagbabago kung ultimo ang pagtapon ng basura ay hindi mo magawa mismo? Simpleng halimbawa man yan, maliit masyado, o mababaw, pero ito rin ang isa sa mga batayan kung tunay ka ngang mamamayan ng Pilipinas at kung sumusunod ka nga ba talaga sa batas.

Sabi nga naman kasi, it takes two to tango. Kung ang gobyerno kasi ay hindi naman mag-iinitiate ng pagbabago, susunod lamang rin dito ang mga mamamayanan. Para bang anak sa magulang o estudyante sa titser, o alagad sa master. Role model ba ang lohikang ito? Tingin ko rin.

Maaring tama at maari ring may sablay. Dahil ika nga ng kantang Antukin ni Rico Blanco, at ng isang antigong kasabihan na naririnig mo since time immemorial sa mga nakatatanda sa iyo, “kung gusto may paraan.”

Kaya siguro ito rin ang ugat kung bakit binoto nila si Digong. Dahil sa kanya lang tila nakikita ang mas may kakayahang makapagpabago sa takbo ng Pilipinas, mula sa isang demokratiko, malaya, pero inaabuso, nagtatanga-tangahan sa batas, at sinasamantala ng mga oligarkiya. Kung isang malaking blow sa kampanya nya ang rape joke, tila mas malala naman yata ang araw-araw ginagahasa ang bansag ito. Basahin mo na lamang ang Minsan May Isang Puta ni Mike Portes para maliwanagan ka.

Okay, may punto naman pala eh.

Change is Coming. At maaring mag-initiate nito ay ang darating na gobyerno ni Duterte, pero still, dapat gawin mo ang hanay mo. 

Actually, nasimulan mo na nga eh. 

Kelan? 

Noong panahon ng pangangampanya. At lalo na noong panahon ng eleksyon mismo.

Kaya kung talaga namang may pagmamahal ka sa bayan, ang pagabago ay magsisimula pa rin sa iyo mismo.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!