Reader Advisory
Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
11 December 2012
My pick #10 – Mash-up: Gangnam Style/2 Legit 2 Quit
Well, last
month over at the American Music Awards, this was the hell of the moment. One Black
American Hip-hop artist in the late 80s-slash-early90s and one rapper from the
known Asian country named South Korea collaborated for an epic ending.
10 December 2012
OLATS!
12/10/2012 10:54 AM
Si Manny
Pacquiao ay ang tinaguriang “Fighter of the Decade,” pero sa pagkakataong ito,
baka siya rin ang magmay-ari ng tinatawag na “shocking upset of 2012” sa
larangan ng boxing.
Sa
kauna-unahang pagkakaton sa nakalipas na isang dekada, nakatikim ng isang
matinding knock out loss ang Pambansang Kamao sa kamay ng kanyang matinding
karibal na si Juan Manuel Marquez.
At sa
malamang shocking talaga ang upset na ito dahil sa... una, ang isa sa mga
tinaguraing pound-for-pound fighter sa
kasaysayan ng boxing, ang minsan na may hawak ng 8 titulo ng kampeonato (bagay
na siya lang ang nakapagtala), ang tinaguriang “Mexicutioner” nang dahil sa
ilang boksingero mula sa bansang Mexico ang kanyang naipatumba na sa lona,
isang lehitimong hall-of-famer na sa nasabing larangan... mana-knocked out na
lang?
08 December 2012
Controversial the fourth time around?
Sa
pang-apat na pagkakaton sa kasaysayan ng boxing, dalawang mama na naman ang
makikipagtunggalian sa isa’t isa. Isang parte na naman ng epiko ito dahil sa,
as usual na rivalry sa pagitan ng bansang Pilipinas at Mexico – ang labananang
Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez 4.
At sa halos
lahat ng mga karibal ni Pacman sa boxing rin, ito ang isa sa mga
pinakamatimbang sa lahat – dahil ito ay laging nagiging parte ng maiinit na
balita. Oo, kontorbersyal nga.
Pero bakit
nga ba naging ganun?
02 December 2012
IGMG.
Hindi sa pagiging suplado at perfectionista ha?
Sa panahon ngayon na nag-uumapaw na ang mga bagay na
nagbibigay kaalaman sa halos bawat tao, wala na yata tayong excuse na maging
mangmang o ignorante pa. Halos accessible na kasi para sa sinuman ang internet,
napadali na ang mga gawain natin sa buhay nang dahil dito lalo na sa panahon na
kailangan mong pag-aralan ang iilang mga bagay-bagay, mula sa makalumang
desktop hanggang sa mga magagarbong laptop, at ultimo sa isa sa mga paboritong
hawakan ng tao – ang cellphone, pwede ka nang mag-internet.
Maliban sa mga nabanggit, andyan pa rin ang mga diksyunaryo,
iba’t ibang klase ng libro, plaka (o CDs), Encarta kung uso pa ba iyan sa PC
mo, at iba pa.
Kaya ano pa ang excuse mo para magtanong at magtanong ng
mga… well, tanong? Lalo na kung…
Una, andun na yung sagot? (maliban na lang kung mahina ang
kukote mo pagdating sa pag-intindi)
Pangalawa, kung ayaw mong maniwala sa mga sagot ng kausap
mo?
At pangatlo, kung tamad ka na mag-search sa internet? Oo nga
naman, ano. May Yahoo! na nga, Google, ASK.com, Wikipedia, at kung anu-ano pa
ang mga website na pwedeng makasagot sa mga tanong na nakapaloob sa mga
takdang-aralin mo. (Wag kasi atupagin ang social networking at pornography web
sites kung dapat may mahalaga ka pang gagawin.)
28 November 2012
Filipinos - The Very Emotional Ones?!
Kamakailanlang ay naglabas ang isang research study na Gallup, at lumabas na ang Pilipinas ay ang pinaka-emosyonal na lipunan sa buong mundo.
Una ko itong napansin noong pinaskil ng isang istasyon ng radio ang isang wall photo sa kanilang Facebook page na naglalarawan ng ganitong balita. Habang inulat na rin ito sa ilang mga palabas sa telebisyon.
Ayon sa panayam ng ANC’s Dateline Philippines sa isang psychologist na si Dr. Randy Dellosa, mayroon daw tinatwag na “teleserye mentality” ang mga Pinoy.
"Meron tayong teleserye mentality e na dapat palaging may drama, palaging may nangyayari, kasi nagiging boring yung show ng buhay natin." - Dr. Randy Dellosa
Base naman sa For Your Information segment ng November 27, 2012 episode ng Reaksyon kasama si Luchi Cruz-Valdes, may kasama rin itong posibong epekto, tulad ng naiulat sa website na upi.com.
Ayon sa naturang website, sinuri ang limang positibo at negatibong emosyon na kadalasan na nararamdaman ng tao noong nakaraang araw. Kung nakapagpahinga ba sila ng maayos, nakakangiti ba sila, naisestress sa trabaho, nag-aalala, nakakagawa ng mga bagay na nakakapgbigay ng interes sa kanila, at iba pa.
Sa kabilang banda, ang bansang Singapore ay tinaguiang most emotionless country dahil sa mababa nitong rating na 36% sa lahat ng 151 na bansa na sinuri ng natuerang US-based na kumpanya.
Bakit tayo ang pinakamataas? Nakakuha kasi tayo ng 60% rating e.
27 November 2012
Inside The Pages: Ramon Bautista’s "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?"
11/27/2012 10:08 AM
balat14.blogspot.com |
Well, matanong talaga ang librong ito. As in maraming tanong
at sagot ang tinalakay dito mula sa kung bakit hindi ka crush ng crush mo (oo,
yung eksaktong pamagat mismo); kung paano mo sasabihin sa magulang mo na bagsak
ka sa studies mo; bakit ayaw na ayaw ni Monra ang LDR o kung tawagin ay Long
Distance Relationship; kung bakit ka dapat maging proud kahit NBSB (o No
Boyfriend Since Birth) ka; paano magmumove on sa mga sitwasyon na may nahuli ka
na may ka-kerngkeng siya na iba o kahit ultimo ang na-friendzone ka; at kung
anu-ano pa.
Ang halos lahat ng nilalaman ng librong “Bakit Hindi Ka
Crush Ng Crush Mo?” ay ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa formspring account
ni Ramon Bautista mismo. Tanong ng kung sinu-sino, sinasagot niya sa paraan na
alam niya, ke may natutunan ang sinumang magbabasa niyan o katuwaan lamang.
Dito mo rin makikita ang komprehensibong
kahulugan ng mga terminong ginagamit ni RB sa kanyang palabas sa internet na “Tales
From The Friend Zone.” Kung ano ang mga pananaw niya na nais ilahad sa sinumang
magbabasa ng librong ito.
Maliban pa diyan ay may notebook pa ito na libre.
24 November 2012
Friendzone
Just My Opinion: Teen Pregnant Dolls on the loose?
Isang
pasada lang sa isa sa mga naglabasang balita nitong mga nakaraang araw lang. Bagay
na naka-agaw ng atensyon ko noong nakikinig ako sa isang programa sa isang
istasyon ng radio nitong Biyernes ng umaga lamang.
22 November 2012
Thanksgiving day sa Pinas?!
Isang maikling patutsada lang po, ano?
Thanksgiving day. Isa sa mga pinakainaalalang mga holiday sa Estados Unidos. Ipinagdiriwang ito sa ika-apat na huwebes ng buwan ng Nobyembre. Sa kasalukuyang taon, ito ay tinakda sa a-22 ng Nobyembre.
Nagsimula ito sa panahon ni Henry VIII. Ito AT sa US naman, naging kaugalian na nila ang araw na ito mula pa noong 1621.
Kung paniniwalaan ang Wikipedia, ito ay ang araw ng pasasalamat sa kanilang mga relihiyosong aktibidades.
Una ko lang ito napapansin sa kada coverage ng NBA game sa cable namin. Sabagay, tradisyon nay an para sa kanila.
Pero... thanksgiving sa ‘Pinas? What?!
21 November 2012
10 Signs of an EPAL-ITIKO (As Seen on T3’s ANLABO!)
11/21/2012 8:50 PM
Ang blog na ito ay may halaw na mga konspeto at konteksto mula sa isang Anlabo segment na umere sa Nobyembre 5, 2012 na episode ng palabas na T3 sa TV5.
Ang blog na ito ay may halaw na mga konspeto at konteksto mula sa isang Anlabo segment na umere sa Nobyembre 5, 2012 na episode ng palabas na T3 sa TV5.
Nalalapit na ang eleksyon, dumarami na naman ang mga
manliligaw sa bawat puso at isipan ng bawat botante. Pero, ang iilan naman sa
mga ito ay tila walang delikadesa. Parang hindi yata nabasa ng mga ito ang
tinatawag na Omnibus Election Code o hindi sila aware kung kelan ang
campaigning period o ang panahon para pormal na magpakilala sa kanilang mga
liligawan.
Kung si Mr. BITAG Ben Tulfo ang susundin, narito ang sampung
bagong gimik ng mga epalitiko na nakunan ng palabas na T3.
Well, ano ang 10 tips na ito para maisapatan ang pulitko. As in ispatan lamang ang 10 bagay na... well, bagong gimik nila.
KKK (Kapabayaan, Kamangmangan, at Katangahan)
11/21/2012 01:20 AM
Tama si dating Land Transportation Office (LTO) chief Alberto Suansing na 3 bagay ang kailangan ng tao para makaiwas sa mga sakuna sa kalye, lalo na yung mga sumasakay at nagmamaneho ng motorsiklo. Anu-ano ang mga ito? Disiplina, respeto at kurtesiya (o courtesy).
Kung sa news item na binalita ni Shalala yan sa kanyang programa na Todo Bigay noong madaling araw ng Miyerkules, a-21 ng Nobyembre, taong 2012, ito ay pag-iwas sa Kapabayaan, Kamangmangan at Katangahan.
Tunog Katipunan a la “KKK” ba?
19 November 2012
My PICK #8 - AMALAYER STYLE.
Here’s something that I spotted over the week, and… yes, at
the height of that scandalous moment where a young lady was caught in the act
by an allegedly a citizen journalist humiliating a lady guard.
More than a video that gave her 60 seconds of fame (or
shame). Here’s a mash-up parody track made by a certain DJBrianCua of the music
streaming website SoundCloud.
Labels:
amalayer,
internet,
Just My Opinion,
music,
novelty,
On the Spotlight,
oppa gangnam style,
parody,
pop,
psy,
slick master,
slickmaster,
social media,
soundcloud,
the slickmaster's files,
track,
trending,
troll,
viral
Silang mga KENKOY.
11/19/2012 09:57 AM
“Hoy, hoy, hoy! Mister Kenkoy, bakit ka nangangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy kenkoy!”
Ang nasabing linya ay halaw mula sa (circa) 1976 na kanta ni Mike Hanopol - ang “Mr. Kenkoy.” Lumabas ito sa
kanyang iba’t ibang mga compilation of hits album.
Isang kanta na sumasalamin sa kabulukan ng isang tao sa
kanyang lipunang ginagalawan. Halaw sa impluwensya ng isang komikal na tauhan
sa pahayagan ang salitang “Kenkoy.”
15 November 2012
Lessons From The AMALAYER Shit.
11/15/2012 09:26 AM
Hindi na bago ang mga ganitong klaseng insidente sa internet ngayon. Nagsilabasan ang mga tao na malalakas manghusga sa kani-kanilang kapwa na akala mo ay walang pinagkaiba sa kanilang pinaggagagawa.
And not to mention, isa na naman ito sa mga pauso ngayong taon na walang kaatorya-torya. Mga tipong nakakabobo ba.
Ito ang mga aral na dapat matutunan ng sinuman, hindi lang ng nakastigo ng mga netizens sa pangalan ni Paula Jamie Salvosa, ang lady security guard ng Light Rail Transit Line 2 Santolan Station na si Sharon Mae Casinas, ng video uploader na si Grgory Paulo Llamoso at ng lahat ng netizens na pumatol at pumanig sa kung saan-saan. Na…
11 November 2012
Ang Mga Kaso Kung Bakit Hindi Ko Nakuha Agad Ang Aking NBI Clearance
11/11/2012, 10:35 a.m.
Babala: ang lahat ng mga mababanggit sa blog na ito, ke korni man o hindi, ay pawang katatawananat kalokohan lamang. ‘Wag niyo po masyadong seryosohin ito dahil baka tumanda ka masyado niyan. Ika nga ni Jerry Olea ng Abante, Jokes lang po.
Babala: ang lahat ng mga mababanggit sa blog na ito, ke korni man o hindi, ay pawang katatawananat kalokohan lamang. ‘Wag niyo po masyadong seryosohin ito dahil baka tumanda ka masyado niyan. Ika nga ni Jerry Olea ng Abante, Jokes lang po.
Halos patapos na ako sa aking mga transaksyon noong isang
araw habang pumipila ako para makakuha ng sariling National Bureau of
Investigation clearance. Hanggang sa nalaman ko ang isang kasuklam-suklam na bagay…
may HIT na ako.
Nanlamig ang kalamnan ko dahil sa nangyari. Hala! Ano na
naman ba ang kasalanan ko sa hukuman ng bansang ito? Ang tino-tino ko na ngang
mamamayan e.
Paranoid ba? Mukha lang, kaya napaisip tuloy ako kung ano
man ang nagawa kong pagkakasala, maliban pa sa mainitang komprontasyon sa kung
sinu-sino lang sa internet, o minsan binabangga ko ang mga umaastang siga sa
amin, lalo na sa kalye ng bahay na kinalulugaran ko, o ultimo ang paninindak sa
mga mahihilig sumingit sa pila.
Pero dalawang linggo mula noong nalaman kong may HIT ako sa
NBI, nalaman ko na no record on file na ako. Hay, salamat!
Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko ilalahad ang aking
mga nagawang kalokohan. Siguro kung magiging batas at kaso ang mga ito, good
bye to being blogger na ako, at malamang baliw na ang mundo kapag nangyari nga
ito (Yikes! Kaya ipanalangin mo na lang na "huwag naman sana"):
Subscribe to:
Posts (Atom)