Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Wednesday, July 03, 2013

Iskwater!

7/2/2013 10:42:51 PM 

Photo credits: The Philippine STAR
Isa sa mga pinakaugat ng kahirapan sa ating bansa ay ang mga tinatawag na “informal settler.” Iskwater, kung kolokyal na lengwahe ang usapan.

Oo, isa sa mga pinakaugat nga ng problema sa ating bansa. Maraming dahilan kung bakit. Nagagamit sila ng ilang mga puliitko para dominahen ng mga ito ang lugar at kapangyarihan. Meron pa sa mga ito ay  ginagawang isang propesyon ang pagiiskwat. Nagiging pugad rin ito ng mga halang na bituka, mababaw na kamalayan, baluktot na pag-unawa, at bara-barang astahan.

Ganun? Well, hindi naman lahat ng nakatira dun ay mga gago talaga. Dahil ang iba sa kanila ay lumuwas mula sa kani-kanilang mga probinsya para makipagsaparalan sa Maynila, at sa hindi magandang pagkakataon ay hindi pinalad na makaupa ng disenteng tahanan.

Kamakailanlang, maliban sa mga kaliwa’t kanang demolisyon, ay may mga ugong-ugong na balita na sila’y nakatatanggap ng 18 libong piso sa loob ng isang taon bilang subsidiya ng gobyerno.

Ganun? Teka, nagbabayad tayo ng buwis para may matanggap tayo na makakapagbenefit sa ating bayan, ‘di ba? Kung ganun, ang tanong, bakit sila lang ang mas nakatatanggap ng prebilehiyo? Bakit tong mga nasa middle class, hindi makaangat sa buhay?

Well, hindi naman siguro sa pagiging matapobre o dinidiskrimina ang mga maralita, ano? Kaso kasi ang ilan sa kanila ay masahol pa sa pagiging likasang kanilang mga pagiging asal-tarantado. Sila na nga ang nakitira sa lupaing hindi naman nila pagmamay-ari, sila pa ang may ganang magalit na akala mo’y nag-aruga ng isang ampon na bata na napamahal sa kanila? Tapos sila pa ang mas binibigyang prayoridad kesa sa mga taong nagpoprovide ng pondo para sa bayang ito? Ano ‘to, gaguhan?

Parang lugi yata tayo d’yan. Kami na nakikipagbunong-braso sa mga pagtaas ng mga bilihin, trapik, diskriminasyon at kung anu-ano pa, kami na nagaambag kahit sapilitan (kasi obligasyon nga ito bilang mamamyan ng bansang ito) ng salapi para sa bayang ito, kami pa ang hindi naabutan ng gobyerno pagdating sa benepisyo at tulong? Pambihira.

Isipin mo na lang kasi,kailangan ng tao ng disenteng tirahan; at kung kapos man ang isa, tinutulungan ito ng pamahalaan. Parang tumulong ka na rin. Kaso yun nga lang, ang pera mo na parte na ng kaban ng bayan ang nagagasta para dito.

Well, sana lang kung sakali man na matuloy ang naturang subsidiya, magamit ito ng mga benepisyaro nang maayos. Kasi kung wawaldasin lang naman ng mga informal settler ang mga ito sa mga bagay na tulad ng sugal, e ayun lang. Bastusan na.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!