08292013 | 01:25PM
The big pork is no more at large!
Weh! Talaga lang ha?
Sa wakas, natuldukan na rin ang malawakang manhunt ng tinguriang reyna ng anomalya na may kinalaman sa pork barrel. Alas-9:37 kagabi nang sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III si Janet Lim-Napoles, ang negosyante na sinasabing utak ng 10 billion peso pork barrel scam.
Reader Advisory
Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
Friday, August 30, 2013
Tuesday, August 27, 2013
Bayanihan Noon.... Ano Na Ngayon?
8/27/2013
11:35:38 AM
Salamat sa
Studio 23 para sa isang napapanhong TVC sa kabila ng martsa ng karamihan ukol
sa pork barrel. Napanood ko ‘to habang nakatuned in sa aking lumang paboritong
sitcom nun.
Kahapon ay
araw ng mga bayani. Kaso, maliban sa “ano naman ngayon?” ay paano kaya kung buhay
pa ngayon ang mga bayani na nakikita lang natin sa dating palabas ng ABS-CBN na Bayani, at mga aklat ng Kasaysayan, o HEKASI, o Sibika at Kultura?
Sunday, August 25, 2013
Suntok Sa Buwan
8/25/2013 10:46:44 AM
Abolish pork barrel?
Nah, sa totoo lang, isa rin ako sa mga sumusuporta sa adhikaing ito ng mga netizens sa internet. Aba, ikaw ba naman ang maging kabilang sa kommunidad ng mga taxpayers ng lipunan (at mantakin mo na kahit bata pa na may binibiling pagkain sa tindahan ay maaring kabilang din dun), tapos malalaman mo na lang na ang binayad mo ay napunta lang sa bulsa ng mga gahaman?
Kaya sa lang, sa totoo lang, (reality bites ba), ang pagbuwag sa tinatawag nating pork barrel na may mabangong pangalan bilang “Priority Development Assistance Fund” (o kung magbabalik-tanaw tayo sa pagbabago ng lipunan, “Countrywide Development Fund.”) ay isang malaking suntok sa buwan.
Oo, napakalabong mangyari ke agaran man o long-term ang
solusyon. Bakit ko nasasabi ang mga ‘to? Maraming dahilan, mga tol.
Thursday, August 22, 2013
This Is Where Your Taxes Go
8/21/2013 4:34:52 PM
May kasabihan: Kung ano ang binayad mo, yun din ang dapat
ang matanggap mo. “You get what you paid for,” ika nga sa Ingles. Ganyan sana ang kalakaran sa
ating bansa pagdating sa buwis.
Pero bilang isang parte ng middle class, isang malalaking
grupo ng mga tao na nag-aambag ng halaga ng salapi sa ating bayan, saan nga ba
napupunta ang ating buwis? Dapat sana
sa mga imprastraktura at proyekto ng gobyerno ‘di ba?
Tirada Ni Slick Master: Ang Arte N’yo!
8/21/2013 5:05:40 PM
Ang arte rin ng mga ‘to no?
Porket maulan ang panahon, tinatamad nang pumasok. At teka
nga, may gana ba talaga ang mga ‘to na magsipasok sa kani-kanilang mga
eskwelahan?
Kamakailan lang kasi, noong kasagsagan ng mga pag-ulan sa
lugar na ating kinatitirikan, ay naglipana sa mga news feed sa social
networking sites na Facebook at Twitter ang pagiging tamad ng mga estudyante na
pumasok sa eskwelahan. Aba ,
sa school, tamad kayo pero sa Facebook, ang sisipag n’yo?
30 Years After Aquino’s Assassination… Anyare?
8/21/2013 4:50:45 PM
Tatlong dekada na ang lumipas noong naganap ito:
August 21, 1983. Araw ng Linggo. Daytime sa Manila International
Airport , matapos siyang
magbitaw ng pahayag sa media pagdating sa kanyang arrival sa Pilipinas. Nasa
daan siya pagbaba sa kanyang sinakyang eroplano ay pinaslang ang isang senador
na matinding karibal ng dating pangulo pagdating sa pulitika.
Sunday, August 18, 2013
Tag-Ulan Na Naman. E Ano Ngayon?
7/27/2013 2:13:50 PM
Panahon na naman ng pagtulo ng luha ng
kalangitan. Yung tila gaganti na naman sa atin si Inang Kalikasan. Ang
kalamidad na mas nararamdaman natin.
Nasaan si Janet?
8/16/2013 2:35:14 PM
Katunog niya tuloy ang pamagat ng isang
teleserye, subalit hindi siya nagrarhyme sa tunog ‘no? Pero ‘yan nga ang
katanungan sa mga balita ngayon: nasaan si Janet Lim-Napoles? Saan siya
nagtatago? Saan siya lumipad? Saan siya nagpunta? Asaan siya?
Kamakailan kasi ay hinain ng National
Bureau of Investigation ang warrant of arrest laban kay JLN at sa kanyang
kapatid na si Jojo Lim. Hinggil ito sa kasong serious illegal detention na
isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy, isang sa mga kamag-anak at dating
assistant ni JLN sa mala-anomalyang P10-B “pork barrel scam.”
Hinahap siya sa mga lugar na pagmamaya-ari
ng mga sangkot na magkapatid. Pero bigo ang mga otoridad na mahanap at maaresto
sila.
Sa tingin ko, ha? Matapos siyang magbato ng
salita sa kanyang press conference ay dali-dali an rin siyang umalis. Ibig
sabihin, parang late na ang mga alagd ng batas ukol sa kasong ito.
Wednesday, August 14, 2013
Surprise!
8/13/2013 4:58:26 PM
Second place? Not bad na rin para sa mga ating bataan na
Gilas Pilipinas. ‘Uy, hindi rin biro yun maging runner-up sa FIBA Asia ha?
Saturday, August 10, 2013
Alaala Ng The Brewrats
8/10/2013 12:15:44 PM
Bagamat hindi ako isang Brewster, isa sa mga programang
talagang pinapakinggan ko nun ay ang The Brewrats. Unang sumalang sa himpapawid
noong August 2007 sa 99.5 Hit FM (na naging Hit FM, Campus Radio at RT ulit),
napadpad rin sa U92 (na naging Radyo 5 92.3 News FM na ngayon). Naging tanyag pa rin naman sila sa mga brewsters sa
pamamagitan ng pag-broadcast sa internet.
Just My Opinion: Anti-Meme Bill
8/9/2013 9:41:13 AM
Sa kabila ng mga pang-aasar na ibinabato sa kanya, marami
namang naiisip na bagong panukala ang bagitong senador na si Nancy Binay.
Nariyan ang pagkakaroon ng 15-minute break para sa mga taong maghapon na
nakatayo ang trabaho, ang e-VAW o Electronic Violence Against Women bill. Pero
ito ang mas lumikha ng ingay sa lahat ng kanyang ipinanukala sa ngayon – ang
tinaguriang anti-Meme bill.
Naglalayon ang kontrobersyal na panukala na ipagbawal sa
social media ang pagpopost ng nakakatawang litrato. Bagay naman na inalmahan ng
karamihan.
Just My Opinion: Jeane’s Lifestyle and The Society’s Rants
8/7/2013 12:19:20 PM
Last week, usapan sa social media ang video na ito.
Kinalat yan ng isang blogger. Wow, big scoop, ika nga.
Walang masama dun. At least, maliban sa sikat ka, ay may impormasyon ka na
naiambag sa ating kabihasnan.
Aniya, sobrang magarbo ang lifestyle ng anak ni Janet Lim-Napoles
na si Jeane. Mantakin mo na pinag-aral ni Janet ang kanyang anak sa ibang bansa,
at talaga namang sopistikado na elitista ang datingan niya.
Sixth Man
8/10/2013 11:48:26 AM
Gaano kahalaga ang home crowd sa laban ng mga manlalaro ng
Gilas Pilipinas sa kasalukuyang FIBA Asian Championship? Napaka-importante lang
naman sila. Sa isang basketball-crazed nation na tulad natin, isang malaking
karangalan ang maging isa sa mga pinakatanyag at pinakatalentadong koponan sa
larangan ng naturang palakasan.
Nariyan ang mga matitinding suporta ng crowd, mga talaga
namang passionated na fans. Walang tigil na sumusuporta sa kanilang bet na
player o team para lang ipanalo ang laro. Meron nga dyan ay may dala-dalang
paraphernalia tulad ng banner o streamer, mga placard na gawa sa samu’t saring
klase ng papel o karton, tambol (bagay na usong-uso sa mga cheerleading suqad
ng mga collegiate leagues), clapper, at ang kanilang presensya o boses. Maliban
pa yan sa iilan na nang-aasar sa kalaban. Matinding satisfaction ‘to para sa
kanila.
Must Die or Must Exist: First Half of 2013’s Major Trending Hits.
8/3/2013 12:44:50 PM
Maraming nauusong bagay sa ating mundo kada taon, ke artista
man yan, programa, kanta, libro o kung anuman. At narito ang ilan sa aking
patutsada sa mga ito. Well, iko-correct ko lang, sa mga pumatok sa unang
kalahati ng taon ngayong 2013.
The Perks of Losing Your Job.
7/29/2013 6:06:02 PM
Alam ko, hindi maganda ang dating nito sa inyo. Pero anong
pake n’yo anyway? Kayo ba nagsulat? HA?! ‘De. Hindi naman sa ganun.
Kung tutuusin, isa ito sa mga pinakamasakit na pangyayari sa
buhay ng sinuman, unless kung talagang trip mong umalis sa trabaho dahil: una,
hindi ka na masaya; pangalawa, inaabuso ka ng mga nasa paligid mo; at pangatlo,
karampot lang ang sinasahod mo; at pang-apat, iba pang personal na dahilan na
ikaw na lamang ang nakaaalam.
Sa totoo lang, ang inyong lingkod ay nakaranas ng matinding
depresyon magmula noong nagsara ang kumpanya na pinagtatrabahuan niya. Masakit
nga naman. Wala kang kikitaing pera, wala kang pagga-galaan, dadagdag ka pa sa
populasyon ng mga tambay sa ating bansa, makikipagsaparalan ka pa sa kalbaryo
ng paghahanap ng trabaho, kukutyain ka na naman ng mga matapobre sa paligid, at
kung anu-ano pang hindi magagandang bagay na posibleng maranasan mo.
Pero sa totoo lang, walang maidudulot na maganda kung
maglulupasay ka sa sitwasyon mo. Walang maidudulot na maganda ang pighati,
sakit ng ulo, luha at kung anuman. Magugutom ka lalo, mapaparanoid, baka
nanaisin mo na lang na suntukin ang bakal na pader dyan. Kung hindi man, baka
kumapit ka sa patalim, bagay na ayaw na ayaw ng konsensya mo.
Monday, August 05, 2013
Ang Scandal At Ang Pagiging Tunay Na Lalake ni Chito Miranda
8/5/2013 1:47:06 PM
Isa sa mga matitinding problema na posibleng makasira sa
pagsasama ng ating mga karelasyon ay ang pagkakalabas ng isang “sex scandal.”
Ito ang realidad ng buhay: marami ang nahihilig na panoorin ang bidyo ng
pagtatalik ng dalawang magkasintahan; pero pag ikaw ang pinagpepyestahan, sa
malamang ay baka mahiya ka nang sobra-sobra sa buhay mo.
Buti pa si Alfonso “Chito” Miranda Jr. e. Isang tunay na
lalake kahit na malaking pagkakamali ang nagawa niya sa panahon ngayon. Ang
pagkalat ng sex video nila ng kanyang girlfriend na si Neri Naig.
Bakit ko nasabi na isa siyang TNL? Simple lang. kahit hindi
niya kasalanan ang lahat, umamin siya ng paumanhin. Humble kung maituturin.
Mapagpakumbaba. At makikita ang menshae ng kanyang paghihingi ng paumanhin sa
kanyang instagram account.
Aftermath Of A Loss
8/5/2013 1:28:59 PM
Pag-usapan nga natin ang nangyari noong Sabado, Agosto 3,
2013. Natalo ang Pilipinas sa Chinese Taipei, ang isang laro sa FIBA Asia
Championship na tula
may halong pamumutika ang tingin ng magkabilang bansa. Come from behind ang
resulta pabor sa CT ,
84-79. Yan ay sa kabila ng palitan ng malaking kalamangan sa pagitan nila sa
unang tatlong quarter.
Double-Sided Tape: PNP
8/5/2013 12:51:17 PM
May dalawang mukhang hinaharap ang PNP. Ang isa’y papuri,
habang isa naman’y malaking dagok sa kanilang reputasyon.
Just My Opinion: BOC Corruption
8/5/2013 1:07:11 PM
“Saan kayo nakakakuha ng kapal ng mukha?” Yan ang isang
matunog na bira ni P-Noy sa isa sa mga tiwaling grupo sa kanyang pamhalaan –
ang Bureau of Customs. Walang pakundangan na tinira niya ang BOC sa kanyang
State Of The Nation Address
nitong Hulyo 22, 2013.
Pacquiao For President? WHAT?!
8/1/2013 12:49:08 PM
Tama. Ang isang batikang boksingero na naging kongresista,
may planong tumakbo bilang pinuno ng bansang Pilipinas sa 2016. Tama, ang
tinaguriang pambansang kamao at ang dati rin na binansagang “pound for pound
king” na si Manny Pacquiao, ay nagsalita na possible raw siyang tumakbo bilang
Pangulo ngating republika sa susunod na national elections.
ANO?! What the hell? Seryoso?!
Nagbibiro ka ba? Hindi, at kahit biro man 'to o hindi, alam ko... ang corny.
Nagbibiro ka ba? Hindi, at kahit biro man 'to o hindi, alam ko... ang corny.
Sunday, August 04, 2013
Patok o Bulok?: Genelyn Sandanga’s Covers
8/4/2013 1:48:17 PM
Isang internet sensation na naman ang naging matunog sa mga
netizens. Halos lahat sa mga ito ay may say sa isang Genelyn Sandanga at ang
kanyang mga covers sa YouTube. All for fame’s sake, ika nga. Naging viral hit
ang kanyang mga videos sa naturang kilalang video streaming site, at pati na
rin sa Facebook.
Pero, bakit nga ba naging viral hit ang babaeng ito? Dahil
ba sa kanyang pagkanta? Well, yun naman ang kadalasang talento ng mga
nagko-cover ng mga kanta e. Subalit, anong meron sa mga ito? Sinilip ng inyong
lingkod ang ilan sa mga cover niya at ito lang ang aking mga napagtanto.
Just My Opinion: Manila Bus Ban
7/29/2013 3:26:08 PM
Noong nakaraang linggo, inimplementa ng pamahalaan ng
lungsod ng Maynila ang isang “bus ban.” Naglayon ito na ipagbawal ang
pamamasada ng mga pamapasaherong bus sa naturang lungsod kung wala itong mga
terminal. Ibig sabihin, ang mga bus na ang ruta ay naapektuhan ng naturang
ordinansa ay hindi makapapasok ng lungsod. Hanggang city boundary lang sila,
tapos ba-byahe na sila pabalik sa kani-kanilang mga destinasyon, ke Cavite man yan, Fairview
o Cainta.
Friday, August 02, 2013
The Problem with SK?!
8/2/2013 11:29:05 AM
Sinabi na ni Rizal noon na “Ang kabataan ay ang pag-asa ng
bayan.” Pero alam mo, kung buhay pa siguro ang mamang ito, baka magbago ito ng
pananaw tulad ng sinuman sa atin na naging kabataan at nagmamasid sa kabataan.
Teka, ano nga bang problema sa Sangguniang Kabataan?
Sinasabi na dito na rin nag-uugat ang corruption sa ating bansa. Simula sa
kabtaan sa baranggay, na umuusbong pa diumano hanggang sa lokal at national
level ng pulitika.
Napag-iiwanan Na Nga Ba Ang Basketball Sa Ating Bansa?
8/2/2013 11:56:58 AM
Napag-iiwanan na nga ba ang basketball sa ating bansa?
Siguro, kung reality bites ang gusto mong kasagutan.
Oo, reality bite nga. Harsh reality bite ‘to para sa atin.
At sa darating na FIBA Asia, malaki man ang tiyansa para masungkit ang ikatlong
ticket para sa World Cup ng FIBA sa Spain . Pero dadaan naman tayo sa
napakaliit na butas ng karayom. Siguro, napaka-sure spot na yung makarating
tayo sa either quarterfinals o semifinals.
Paano ko nasabi ang mga ‘to? Ganito kasimple: Simula noong
nakalaya tayo, maraming bagay na ang unti-unting nawala sa atin – kasama rito
ang ating dominasyon sa international basketball. Noong 1986 ay dapat lalahok
din tayo sa World Cup ng basketball sa Espanya. Sa kasamaang palad, hindi tayo
natuloy dahil sa estado ng pulitika sa ating bayan. Ayon yan sa FYI segment ng
programang Reaksyon ng TV5.
Basketball Mania in Manila
7/30/2013 5:12:05 PM
Seems this basketball-savvy nation went nuts once again, eh?
Well, there are lot of reasons why every single Pinoy basketball fan will be
happy more than they used to.
Two years ago, MVP treated Filipinos in a spectacular
basketball event, by which everyone who were at the Smart Araneta Coliseum
witnessed our national team and the selection team from the Philippine
Basketball Association (PBA), collided with some of the best from the National
Basketball Association (NBA), the squad which featured the triumvirate of
superstars in Kevin Durant, Derrick Rose and Kobe Bryant.
Subscribe to:
Posts (Atom)