Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Sunday, December 29, 2013

Tirada Ni SlickMaster: MMFF is a Business

12/28/2013 9:39:25 PM

“It’s all for business.”

Yan ang pinakadahilang kung bakit nasisira ang kalidad ng mga pelikula sa Pilipinas, lalo na kung ang usapan ay ang mga kalahok sa Metro Manila Film festival.

Kung ayaw mong maniwala, pannorin mo ang ulat na ito ni Jove Francisco na umere sa palabas na Reaksyon ng TV5.



Sa totoo lang, kahit wala pa ang segment na ito ay solido na ang pahayag ni Direk Joey Reyes ukol sa Metro Manila Film Festival. Naalala ko pa rin ang solidong “direk statement” sa kanyang segment sa palabas na Showbiz Police.

Let’s face it. Iba na ang panahon noon sa panahon ngayon, kabilang na riyan ang pangkalahatang panlasa ng tao sa mga bagay-bagay, tulad na lamang ng choice ng pelikula. Kalimutan mo na ang kawalan ng partisipasyon ng Shake, Rattle and Roll horror series sa puntong ito.

Bagamat mas napapansin ngayon na may mga action movie sa nakalipas na tatlong taon. May historical na rin. May variety ba ang dating. Pero ang problema, dala ng katamaarang mag-eksperimento ng iba, hindi ganun ka-epektibo ang mga resulta. Masusugal talaga ang halaga.

Pero mas okay naman ‘to kesa sa jeskeng romantic drama no? Samahan mo pa ng temang “infidelity.” MAS WALANG SUBSTANSYA YUN. Walang kwenta.

Maaring nasa timing din ang dahilan. Siyempre, Pasko. Kaya mas gusto ng nakararami ay mga bagay na nakapagpapasaya sa atin. Kahit naman siguro noong bata tayo. Tama, ika nga ng isang tropa ko na isa ring miyembro ng hip-hop group, ang bata ngayon ang nagdidikta ng panlasa ng lipunan. Mapapansin mo na lang yan sa mga boses nila sa mga novelty radio stations hanggang sa kung paano ginagawa ang musika hanggang sa pagkahumaling sa mga mala-fairy tale na love story.

At oo nga naman. Nandito kami at tumatangkilik ng mga pelikula sa sinehan para malibang, hindi para mag-isip. At yan ang problema – kaya nagiging idiot box na talaga sa mata ng mga taga-academia ang telebisyon. La kwents eh. Sa panahon ngayon, mas okay pa yatang magpakabobo ang marami kesa sa hasain ang utak kahit papaano.

Saka isa pa. ‘Di bale nang walang substansya ang kwento, dahil karamihan naman na pinapanood ng tao dun ay ang mga artista. Kahit sa totoo lang, mas magaling pang umarte bilang siga ang tropa mong goons o yung nagkukupal na tambay sa kanto, kesa naman sa mga sinasabi nilang “artista.”  Tama, artista lang ang gusto nila. Ano ba meon sa kanya? Talino, alindog, kagandahan, sex appeal? Oo, yun nga, sa mababaw na antas ng pag-unawa, yan ang gusto nila.

Business ang dahilan kung bakit nasasakripisyo ang artistry. Sobra-sobrang komersyalismo. Maswerte ka na lang kung may calibre ka na tulad ni gloc-9, ang rap artist na successful sa pagpenetrate sa mainstream sa pamamagitan ng pagbibigay-balanse sa bagay-bagay. As in ma-art na nga, click pa sa mayorya.

Business ang dahilan. Ika nga, mas nananaig ang kagustuhan ng tao kesa sa mga pangangailangan. Anong konek? Ang kagustuhan ay maituturing na “demand.” Aral-aral din kasi ng ‘law of economics’ ‘pag may time.

Ano? Nakapanlulumo ba? Masanay ka na. Kung di mo naman trip ang majority sa mga trend ng pelikula sa mainstream, may indie naman e. Matuto ka nga lang mag-appreciate sa underground. At huwag mong isumpa ang mga artistang iniidolo mo kung bakit walang kakwenta-kwenta ang pelikula nila kahit tumabo pa sa takilya, dahil pustahan, ang ilan sa kanila ay mas gusoing gawin ang mga bagay na nagbibigay ng artistic na halaga sa kanila kesa sa kumita, lalo na kung apaw-apaw na sila sa kayamanan. Walang masama dun.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!