Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Saturday, December 10, 2016

Jose Mari Chan Season

12/09/2016 03:46:55 PM
Pare 1: Tao ba to?
Pare 2: Oo.
P1: Matanda?
P2: Oo!
P1: Lumalabas pag Pasko?
P2: Oo!!
P1: JOSE MARI CHAN!
'Tis the season to be jolly.

Mali! Hindi dapat mga kantang banyaga ang kinakanta mo. At lalong hindi mga emo o #hugot na magpapa-alala sayo ng iyong pagiging kasapi ng SMP – o Samahan ng mga Malalamig na Pasko – ang nasa jukebox mo. 

Alam mo kung ano? Ang mga komposisyon lang naman ng batikang mang-aawit at manlilikha ng awit na ito lang naman ang nasa CD player mo.

Photo credit: Metro Manila Today
Sinong mga Pilipino ba naman – maliban sa mga naririnig mo sa mga paslit pagsabit ng kada gabi sa buwan ng Disyembre – ang hindi makakaalala sa Christmas in Our Hearts? Oktubre pa nga lang ay pinapatugtog na rin ito sa radyo eh. Walang binatbat yung cheesy na All I Want For Christmas Is You ni Mariah Carey o yung paglalaslas mo sa kada naririnig mo ang Pasko Na Sinta Ko ni Gary Valenciano sa impact ng isang Ilonggo na mas kilala natin sa pangalang Jose Mari Chan.

Kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit kada taon ay nagiging parte na rin ng popular na kultura ang pangalan niya.

Diyos ko, September 1 pa lang ng taon na ito – bungad ng “ber” months o Christmas season – ay ito na kagad ang isa sa mga pangalan na bumungad sa trending list noon sa Twitter. Take note: hatinggabi pa lang yun, ha? Walang binatbat ang mga naga-a la Billie Joe Armstrong nun na Wake Me Up When September Ends sa kung gaano katindi ang emosyon nito (at least, ng kasiyahan). 

Sa sobrang hit nga ni Jose Mari Chan, maliban pa sa Pinoy Henyo joke na yan na nilimbag noong 2012 sa isang libro nila Chico, Delamar, at Gino ay mas nakuha pa nga niya ang atensyon ng mainstream media. Mantaking mong nainterview ng Kontrabando (News5) ang taong ito noong buwan na rin na iyun. Mantakin mong nainterview rin ito ni Cris Ramos ng PULP Magazine. 

Maliban pa yan sa may nilabas pa siyang bagong album na panay Christmas hits din – at orihinal na komposisyon pa. Hindi siya yung gaya ng mga puchu-puchu na cover ng paborito mong artista.

Ayos sana rin itong hype ng Jose Mari Chan kung tatangkilikin rin ng madla ang gawa niya at hindi siya gagawing laughing stock gaya ng Pinyo Heynyo joke na yun. Kunsabagay, ang panahon na rin ito ay para sa kasiyahan ng bawat tao, ano; at hindi naman para sa labis-labis na pakulo ng mga may kinalaman sa komersyo.

Pero ang pag-alala ng tao kay Jose Mari Chan sa panahon na ito ay literal na patunay ng Paskong Pinoy – nasa puso natin ito.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!