Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Saturday, November 10, 2012

For “High-Quality Entertainment” Sakes?


Isang gabi habang bumibili ako ng tinapay sa kalapit na bakery, narinig ko ang isang DJ na nagsasalita sa kanyang palatuntunan sa radyo. At ang mga katagang iyun ay agad naka-agaw ng pansin as akin habang inaatay kong matusta ang pan de sal na inorder ko.

“…aba, malamang. Dapat lang na makinig ka sa akin no? Kami lang kasi dito ang nagbibigay ng “high-quality entertainment.” That’s why we’re here.” May matching pa na sound effect yan ng mga taong tumatawa, kaya lang hindi ko alam kung tawa ba talaga yun o napilitan lang.

Oops! Teka lang.  Tama ba narinig ko? Para magbigay ng “high-quality entertainment?”


High quality entertainment, isang bagay na napakahirap nang hanapin sa panahon na dumadaudos na ang kalidad ng mga programa at isatsyon ng radyo, at kahit na rin sa iba pang mga medium na ating ginagamit sa pang-araw-araw, mapa telebisyon man o pahayagan. Sa panahon kasi na lahat sa kanila ay gumagalaw just for the sake of business, aminin natin – nasa-sacrifice ang tinatawag na “quality” just for the sake of money. The cheaper may be the better. Kaya lang, hindi garantiya na ang mga bagay na iyun ay maganda rin o beneficial. ‘Yan ang halaga ng mga tinatawag nating mga masa stations. At ‘yan din ang realidad na sila ngayon ang nagpapaikot sa ating lipunan. Kung ikaw ay naalibadbaran rin tulad ng inyong lingkod sa mga pangyayari sa industriya ng radyo (de nadedegrade na ba tulad ng ilang mga kumento sa mga blogs ko ukol sa mga usaping pang-radyo)… eh ganun talaga eh. Let’s face it. It’s business after all.

Alam ko na mahirap ang magbigay-aliw sa mga tagapakinig mo, lalo na pangalan ng istasyon ang dinadala mo kada araw na umeere ka. Kaya lang, high-quality entertainment?

Minsan, mas hanga pa ako sa mga DJ sa radyo na hindi masyado nagba-brag kung gaano kapatok (nga ba?) ang kanilang programa ay channel. Hindi dahil sa nagpapakababa sila, pero dahil kung wala ka namang ipagmamayabang pa, ayos na yung katagang “fast-rising” o ang mga katulad pa nun. At least, walang pretensions.

High-quality entertainment, teka… alam ba ng mga ‘to ang mga pinagsasabi nila?

High-quality entertainment ba ang bumitaw ng mga double-meaning na salita on-air kung alam mo na kahit papaano ay may mga nakababatang nakikinig sa iyo? Ang bastos ay nasa kaisipan nga, pero alalahanin mo na hindi lahat ay bukas ang isipan sa ganyan o tulad mong kalahting barbaro.

High-quality entertainment ba ang magpatugtog ng mga pipitsuging pop music na maihahalintulad nga sa latang walang laman? As in puro ingay nga pero wala naming substansya.

High-quality entertainment ba ang bumitaw ng mga jokes at pick-up lines? Siguro, pero ‘tol, kung alam na alam na alam na namin ‘yan… parang nagkiskis ka ng bato sa balat mo… in short, maga-gasgas lang iyan.

High-quality entertainment ba ang bumira na parang palengkero o palengkera, at kahit sa mga taong nagtetext o tumatawag sa iyo on-air? Hindi nga nagmumura pero ang salita naman na ginamit ay halata na wika ng mga hindi matitino ang asal? Isama mo na ang tipong pamamahiya ng live. Alam ko na naging mahina siya sa mga problemang kinaharap niya, pero hindi mo kailangang ipamukha na isa siyang “bobo,” “tanga” o kung ano pa man iyan. Ang pagiging straight-forward ay nilalagay sa lugar.

Marami na akong napapansin na ganito ang pamamaraan ng pagsasalita sa ere. Kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit ganito na rin ang mga tagapakinig nito. Siyempre, bumabagay lang din naman ang mga nagtatrabaho bilang mga tagapagsalita sa radyo e. kung asal-gago ang audience mo, expect mo na rin though hindi siya gago literal dahil bawal pa rin naman ang bumitaw ng mga ganung salita sa ere.

Kaya minsan, naiisip ko. High-Quality entertainment o tama lang din ang mga comment na FM radio has gone to a piece of crap?

Madali ang magsabi ng OO. Pero may istorya kasi kung bakit ganyan. Oo, may dahilan. Kung ano ang dahilan na iyun, subukan mong isipin muna bago humusga.

Pero either way, argh. I’ll pick the latter.

11/10/2012, 09:23 pm.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!