Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Friday, February 08, 2013

“LIKE” CONTEST.

04:42 PM | 02/08/2013

Hindi na kataka-taka na mula pa noong unang nauso ang social networking site na Facebook sa ating banse, e ang salitang ito ay lumalabas sa news feed at ultimo mga message mo.
“Palike.”

Mula sa status na patama-sa-kanyang-exboyfriend hanggang sa mga “photo contest” (yung maraming like by deadline e panalo na) hanggang sa mga link ng artikulong binasa, sa mga page na panay kababawan lang ang pinopost, sa mga “cause”....

...hanggang sa mga kundisyon ng kanilang mga magulang!


Aba’y mantakin mo naman. Minsan ko napanood ‘to sa CNN Konek ng AKSYON TV. May isang pamilya noon na pag umabot sa 1 milyon ang like ng kanilang page, bibili ang padre de pamilya ng isang aso bilang kapalit nun.

https://www.facebook.com/Twogirlsandapuppy
Sa istorya ng pamilyang Cordell, nagkasundo ang amang si Ryan sa kundisyon ng kanilang dalawang anak na sila Candence, 12 anyos at Emerson, 9 taong gulang, na bilhan sila ng panibagong aso. Ang dahilan para bilhan sila ng bago? Dahil yung nauang alaga nila – na nabuhay ng sampung taon sa poder nila – ay namatay sa sakit na cancer.

Sa loob ng halos 1 araw, nalagpasan ng nasabing pamilya ang kanilang target. Akala mo, imposibleng mangyari no?

Pero hindi na bago ang mga ganyang kao sa Estados Unidos, dahil noong Nobyembre 2012 ay mahigit sa 110,000 likes ang inabot para bilhan ng pusa ang isang anak ng Urbano Family sa Newton, Massachusetts. Lagpas na lagpas sa dapat sana ay at least 1,000.

Iba talaga ang nagagawa ng social media. Ang mga inaakala mong imposibleng bagay, posible na maging totoo. Dala na rin yan siguro ng positibong pananaw ng mga taong nagpursige sa kabila ng mga mararahas ang ugali at barbarong pakikitungo sa numero unong social networking site sa ngayon. Samahan mo pa ng tinatawag na ”law of attraction.”

Sa ibang bansa at sa sa mga community pages na rin dito sa Facebook, usong-uso na rin ang magpa-like. Mula sa mga patimpalak para maging admin ng isang page, hanggang sa isang lehitimong contest, hanggang sa mga... tama ang hula mo kung ang sagot mo ay, “favor” pa rin!

Well, set aside tayo sa mga nagsasabing “1 like = 1 respect,” or “like if you can relate into this.” Halatang pambenta lang ang mga yun e.

https://www.facebook.com/HSG.OFFICIAL
Ito ang aking napansin sa isang page na HSG (Hayop Sa Ganda). Isang 3 taong bata na ang pangalan ay CAINI, ay may hawak ng papel na nagsasabing kapag nagkaroon siya ng 100,000 likes sa litratong ito ay tutuparin daw ng kanyang Ama ang kanyang pangarap na dalihin siya at ipasyal sa HongKong Disneyland.
Hindi ko lang alam kung ito ba mismo ang litrato, pero kung pagbabasehan yun, aba... nakalampas na sa target na isangdaaang libo na yun ah. At kung tunay at lehitimo ito, well.. congrats, Caini. Makakapunta ka na dun sa HK Disneyland, hehe!

Pero sa kabilang banda kasi, gimik din ito ng ilang mga pages para sumikat e. Yun nga lang.
Hindi na rin ako magtataka kung sa mga susunod na araw, buwan at taon e dadami at dadami pa ang mga tao na gagawa ng trip na ganito sa mundo. Well, walang masama as long as hindi ito nakasasama sa ating kamalayan.

At oo nga pala, bago ko tapusin ang mga ‘to, ano lang ang pagkakaiba ng mga taong successful sa kanilang kampanya sa facebook? Ayun, panalo lang sila... LIKE A BOSS.

Author: slickmaster

Sources:

(c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!