Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Monday, April 22, 2013

4.13.2011


8:50:13 AM | 4/22/2013| Monday

April 13, 2011. Isang mainit na Miyerkules ng umaga ang sumalubong sa isang tulad ko na magtatapos na ng pag-aaral sa loob ng apat na taon sa kolehiyo, at labing-anim na taon mula noong unang tumuntong ako sa paaralan.

Isang masaya ngunit isa rin itong malungkot na araw para sa akin. Napagising ng maaga, maaganag inayusan nila ate at nanay, naks... pormado na naman si slickmaster. Ano ba meron? Commencement exercises lang naman.


Tumulak ang buong pamilya papuntang Manila Hotel, inarkila ang taxi ng kapithbahay dahil sa wrong timing na ang sasakayan naming ay color coding noong mga araw na ‘yun. Sa isang mahabang byahe ramdam ko kung gaano kasaya ang aking mga magulang dahil sa nakikita nila ang kanilang unico hijo na gagraduate na.

Alas-diyes ng umaga, eksaktong tatlumpong minuto bago magsimula ang nalalapit na pagtatapos, dumating na kami at unang nasilayan ang mukha ng mga kasamahan sa klase at halata ang saya at lungkot sa kanila noong sila ay nagkasamsa-sama, walang tigil na chit-chatan, pag-aayos sa sarili, yakapan, at kodakan.

Sa wakas. Ito na. Ang una sa mga huling martsa para sa diploma at karangalan. Una at huling beses na aakyat sa entablado para kamayan ang mga nakatataas sa faculty’t ilang matataas na personalidad sa buong pamantasan. Kulang na lang ay ang tinatawag na luha ng kaligayahan. Ang pinakahuling beses na gagraduate ako.

At umagos nga ang luha matapos ang huling pagkanta ng himno at ang paglalakad palabas. Dalawa’t kalahating oras ng pagsaksi sa huling pahina ng libro, sa huling pagtugtog ng musika, huling arangkada ng sasakyan. Wala nang litra-litrato pa, ang mga mala-gangster na hi-five na lang ang aking mga pabaon na alaala sa mga dating kasamahan at katropa. At yakap sa magulang at kapatid ang sumalubong sa muling pagkikita bago umuwi.

Mula sa paghubad ng toga, pagtabi ng diploma, paglipas ng mga oras, at tuluyang paglisan sa lugar...
Doon nagtapos ang aking buhay-estudyante.

P.S. Parang kalian lang. Dalawang taon na pala noong huli akong namaalam.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!