Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, April 16, 2013

Nese ye ne eng... WHAT?!

2:43:10 AM | 4/16/2013 | Tuesday

Nese ye ne eng lehet… WHAT?! (sabay switch ng dial sa aking radyo)

Masyado na yatang delusyonal ang mundo ng mainstream. Hindi ko ma-gets kung bakit ang ilang artista ay sumisikat sa isang talent na hindi naman sila hasa, na parang itong isang artista na ‘to na “unique voice” diumano. Ano ‘to? Dala ng matinding bolas ng PR, o dahil ang tatanga na ng ila sa mga audience sa mainstream ngayon?

Hindi sa pagiging utak-talangka ha? Pero nasaan ba ang kalidad ng musika ngayon kung iaasa mo ang lahat sa iisang artista na tulad ni Daniel Padilla sa pop music? Anak ng pating.


“Nasa’yo na ang lahat…” Oops, sorry… “nese-ye-ne-eng-lehet…” kahit sino, mapa-ordinaryong mapang-asar na nilalang man o isang celebrity celebrity kahit sa kapwa Kapamilya, hindi pinalampas ang paggaya sa kantang ito.

At take note, may gana pa siyang mag-angas porket’s naka-double platinum siya.

“Sabi ko nga hindi man sa ako ay nagyayabang, kasi may kapwa ako artista hindi taga dito sa ABS-CBN na inaasar yung boses ko. Gusto ko sabihin, ‘Bakit may double platinum ba kayo?'’ Kasi ako, oo. "

Wala sanang masama sa pagyayabang, kung ang unique voice na ‘yan ay karapat-dapat pakinggan ng masa, at kung pasado ito sa mga kritiko. Hindi ba obvious na hindi siya tinanghal na best song (at panay listener's  at buyer's choice lang) sa Himig Handog Pinoy Pop Love Songs, pero pinagpipilitan ng mga uhuging nilalang na siya dapat ang nagwagi dun?

Ibig sabihin, popularity-wise, doon siya lamang. Pero over-all at content speaking, well, wala pa. Which means, sadyang mababaw lang ang tasye ng karamihan.

Minsan kasi tama din ang ilang mga tao e, na mas marami pa ang mga may talent sa musika kung ikukumpara sa kanya. Tignan mo ang iilang mga aktor na naging singer din. May nagtagal ay mayroon din naman na natanggal. At oo nga, bakitang mga tao na worthy naman ang talent sa musika e hindi nabibigyan ng exposure samantala ang mga hindi pa hasa e ginagawang entablado ang mga TV sets para sa eksperimento nila. Ano ‘to, binabagsak nila ang ekspektasyon ng manonood para bumaba din ang kalidad at taste ng audience? Pusang gala.

Pero huwag din masyadong magpapaka-hater o basher. Tao pa rin yan. Tutal sabi naman niya ay…
“Hindi po ako singer. Pero ginagawa ko po ng maayos ang pagkanta ko.”

Walang masama dun, bata. Pero the point is hindi mo naman kailangang madaliin ang lahat. Kung alam mo na kailangan mo pang ayusin yan, go ahead. Huwag lang masyado masilaw sa kasikatan ha? Kasi yan sa malamang ang magiging resulta nyan.

Pero please… gawin ng maayos ang pagkanta next time.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. MAY CONCERT PA SIYA! ANG LAKAS NAMAN NG LOOB NIYA! GRABE! ISA PA LANG NAGAWA NIYANG KANTA, PURO REVIVAL NA. YUNG MAGAGANDANG KANTA NA NI-REVIVE NIYA PUMANGET! AKO PERSONALLY MASTERPIECE ANG TAWAG KO SA MGA OPM DATI, ANUNG NANGYAYARE NA NGAYON? PORKET KINABABALIWAN SIYA NG MGA KABABAIHAN AT MGA BAKLA AKALA NIYA ANG GALING GALING NA NIYA. YUNG NAGIISA NIYA PANG KANTA EH, "neseye ne eng lehet". PAULIT ULIT PA! AY WALANG JO! HINDI AKO HATER, OK NA SANA NA MAGING ARTISTA NA LANG SIYA, PERO YUNG PAG KANTA? PRACTICE MUNA IHO!

    ReplyDelete
  2. totally agree. parang huwag muna basta sumalang kaagad kung hindi pa hasa ang talent mo. dahil tiyak na titirahin ka ng bagay na kung tawagin ay "kritisismo."

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!