Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Sunday, May 12, 2013

It’s More “Ban” In The Philippines


1:53:49 PM | 5/12/2013| Sunday

Ang pamagat ng post na ito ay hango sa post ni Albay Governor Joey Salceda. (https://www.facebook.com/jose.salceda.92/posts/10151688310671756)

Since uso rin lang naman ang panahon ng eleksyon sa Pilipinas, uso din ang mga tinatawag na “ban." At sa sobrang uso nito, ang dami pa rin ang nagiging pasaway. Pero meron din naman ang umaalma sa sinasabing ban. Kunsabagay, may gun ban nga e marami pa rin ang lumalapastangan sa kanilang kapwa gamit ang baril na ‘yan e. What more pa ang “liquor ban,” and “money ban.”


Ang limang araw na liquor ban, naging dalawa na lang. Naglabas kasi ang Korte Suprema ng isang Temporary Restraining Order o TRO ukol dito.

Tanggap naman ito ng Commision Of Elections chairman Sixto Briollantes. Ayon sa kanyang Twitter account, “We promulgated Resolution No. 9691 reverting to the 2-day liquor ban. As it now stands, liquor ban will be from May 12 to May 13, 2013. We will accept the fact that the liquor ban will only be two days.”

Pero sa kabila ng dalawang araw na liquor ban, marami pa rin ang pasaway na umiinom kahit ipinagbabawal sa panahon na ito. Hindi ba alam ng mga bugok na ‘to na bawal at hindi kaya sila makatiis na hindi muna tumungga ng alak hangga’t hindi pa natatapos ang halalan?

At maalala ko nga, sa 7-11 nga ay 5 araw ang liquor ban nila. O display lang yun? Pero either way kasi parang sumusunod lang sila sa naunang pamantayan ng COMELEC pagdating sa liquor ban. Tama lang din.
Sa kabilang banda, umugong ang tinawatag na “money ban.” In fact, ipinatupad ito ng COMELEC noong nakaraang lingo, pero pinatigil naman ito ng Korte Suprema matapos ang ilang araw. Na naman? Oo, na naman.

Ipinagbabawal sana ang pagwi-withdraw ng mahigit 100 libong piso at pagdadala ng mahigit kalahatig milyong piso. Para daw maiwasan ang tinatawag na “vote buying.” Sabagay, hindi na kasi masugpo-sugpo ‘to e. Wala rin naming nakukulong, dahil sa malamang e wala ring umaamin. Pera e.

Naintindihan ko ang magandang intensyon ng COMELEC ukol dito, pero hindi yan sapat na dahilan para i-ban ang pera. Isipin mo na lang kung paano ang mag taong sasahod noong a-10 ng Mayo, (kung yun nga ang nakatakdang pay day cut-off period)  ‘di ba?

Kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit pinatigil ito ng COMELEC sa pammagitan ng status quo nito.

Talaga nga naman. More ban in the Philippines! Pero palagian nang nakikipagbakan ang SC kay Brillantes ha? Wala lang, napansin ko lang.

Sources:
author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!