Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, May 28, 2013

Just My Opinion: “Racist” Joker

8:23:07 PM | 5/28/2013 | Tuesday

Ano ang problema sa isang “joke?” Wala naman halos. Uulitin ko. Wala naman halos. Kaso ito rin ang kabilang side ng pagbibiro, ang katotohanan na “hindi kasi lahat ng biro ay nakakatawa.” Maihahalintulad ito sa kasabihang “some things are better left unsaid,” lalo na kung panay kasakitan at walang magada itong ibubunga sa sinumang magsasabi at makikinig. At sa panahon ngayon na uso ang pamamaraan ng slapstick comedy, o ang isang pamamaraan ng pagapaptawa sa pamamagitan ng pananakit at pagpapahiya sa sarili o sa kapwa, malamang may aalma talaga ng “foul” sa alinman sa mga jokes na ‘yan.

Ano ang ibig kong sabihin?


Ang biro ni Vice Ganda na hindi na nakatutuwang pansinin pa, at ang latest butt of the Vice Ganda’s jokes? Walang iba kundi ang isang batikang journo na si Jessica Soho. Sa ilang mga artikulo ng balita na lumabas ngayon, pati na rin sa mga newscast na ginagawang national item ang isang mababaw na showbiz scoop, umalingawngaw ang isa sa mga serye ng biro na binira niya sa kanyang “i-Vice Ganda Mo Ko” concert sa Smart Araneta Coliseum.



Aniya, pinaglaruan ng naturang komedyante ang kanyang timbang at pigura, pero mas nakatakaw-pansin sa karamihan ang kanyang “rape” joke.

Rapist: Ipasok ang litson!
Jessica: Eh n
asaan ang apple?

Mula sa isang mala-rapist na joke, ayan tuloy, nabansagang “racist joker” ang isang Jose Marie Viceral.
Nagsalita ang nagging butt ng kanyang biro nun, at nagsabing “cruel joke” ang inakto niya sa pagkakataong yun. Aniya, hindi dapat nagiging parte ng mga comedic material ang isang masalimuot na insidente na tulad ng rape. Dumepensa rin sa parte ni Soho ang ilang mga mamahayag na kasama niya sa GMA 7. Paki-retweet kay Vice Ganda, diumano ang mga kontra-paratang na mga ‘to.



At mula dito ay sari-saring mga kuro-kuro na ang nagsilabasan. Trending, ika nga. As usual, may umalma sa ginawa ng komedyante, may dumepensa at may mga nakikiuso lang talaga kahit hindi naman inalam ang mga kaganapan.

Ang maanghang na bitaw ni Arnold Clavio, “bakit hindi niya tirahin ang nasa network niya?” Ginawa naman niya e, mula kay Kris Aquino hanggang kay Kuya Kim hanggang kay Boy Abunda hanggang kay Gus Abelgas. Kaso kanya-kanya kasi tayo ng tolerance sa pagtake ng isang joke.

Hindi kaya isyu na naman ito ng napakastiff na kumpetisyon at rivalry sa pagitang ng dalawang TV network na ito?  Considering na nakikipagbunong braso sila pagdating sa ratings at paramihan ng talent, hindi naman siguro, huwag na lang natin bigyan ng masaydong kulay ang anggulong yan.

Asus, nasa public forum naman siya noong binitawan niya e. Nasa tamang lugar at okasyon, nasa kanyang konsiyerto sa Araneta Coliseum. Given, wala sanang masama kung nagmukang isang higanteng comedy bar ang Big Dome nun pero kung ang purpose para siraan ang tao sa hindi mala-satiristang pamamaraan ay hindi kailanman naging magandang venue para mag-entertain ng tao. Samahan mo pa ng napakabulgar na lengwahe, at baka nakakalimot siya na may mga inosenteng nilalang na tumatangkilik sa kanya na naunood sa kanyang malaking konsyerto nun.

Joke lang naman yan e. Hindi dapat seryosohin. Oo, biro nga, pero hindi lahat ng biro ay nakakatuwa, at hindi lahat ng biro at dapat pang sabihin kung simula’t sapul naman ay offensive at below the belt na ito. Dapat noon pa lang, e naaalalahan niya ang sarili niya na iba ang persepsyon ng pagpapatawa sa magkaibang lugar ng mga tulad ng comedy bar at malawakang isntrumentong gaya ng mainstream media.

Parang hindi ka naman mabiro? You can’t take a joke? Pikon ka ba? Hindi valid na argumento yan, idiota. Dahil hindi lahat ng tao ay pare-pareho mag-isip, lalo na kung pagdating sa pagrereact sa isang biro. Malamang, may matutuwa, may maaliw, at meroin din naming maaasar o mapipikon at magsasabing “ops, hindi na nakakatuwa yang biro mo.” At mali na nga ang ginawa, ipagpapangalandakan mo pang tama? Nalinlang na  ba mainstream media ang isipan mo? Kaya sobrang babaw mo nang tumingin at hindi tinumbang ang bagay-bagay?

Hindi kaya baka pinersonal na ni Jessica Soho ang birong yun? Madaling magsabi n goo dahil sa pahayag niya. Pero ayon na rin kasi sa kanya, “cruel joke” yun. Kung nakikita mo na ang isang insidenete ng panggagahasa ay ginagahasa ay ginagawang katatawanan, para sa kanya, hindi pwedeng gawing biro yun.

So ang sa lagay ba e hindi matalinong joker si Vice Ganda? Matalino naman siguro, in fact may mga biro pa rin na hinahangaan ko sa kanya. Pero baka naman sumabay lang siya sa puntong iyun, o pwede ring hindi nating tanggap, at sadyaang wala na sa hulog ang mga binitawan niya.

Saka pustahan, marami din naman ang umangal noong nagbitaw ng matinding opinion si Vice Ganda kay Nancy Binay at ginawa pa nga nya itong item sa kanyang mga jokes sa TV at pati na rin sa kanyang konsyerto. Naiisip ko tuloy, buwan niya siguro ‘to kung sa kontrobersiya lang naman ang usapan. At ito pa ang posibleng mga senaryo:

Ang karamihan sa mga natawa kay Vice ukol sa kanyang Nancy Binay jokes ay natawa rin pagdating sa “rape joke”kay Jessica Soho. Pero noong nagsimula nang maging viral ang mga samu’t saring negatibong reaksyon laban kay Vice Ganda, nagkaroon ng isang malaking bandwagon dito sa Pilipinas, kasi nagsilipatan sila ng panig. Either narealize nila na “oo nga, mali si Vice sa ginawang iyun” o sadyang nakiuso lang. As in masabing “in” sila sa point ng majority. Naku, tigil-tigilan niyo nga ang ganyan.

Meron din naman yung mga talagang ayaw kay Vice ever since na pumasok siya sa mainstream dahil para sa kanila, hindi sopistikado ang pamamaraan ng kanyang pag-entertain. Kailangang slapstick? Gayahin mo kaya ang kasabihan ni Dolphy, na “ang tunay na joke ay nakakatawa na walang nasasaktan, hindi yung nakakatawa na may nasasaktan.”

Meron din naming mga gusting gusto si Vice sa kanyang mga biro, at nahahati ito sa dalawa: ang una ay bukas ang isipan pagdating sa pagtolerate ng biro pero magsasabi na mali ang binitawan niya kay Soho; at yung isa naman? Yung mga maihahalintulad ko sa mga malalanding fanboy at fangirl – tipong mali na nga, pinipilit pang baligtarin ang lahat. Mambibira pa.

“Huwag magmalinis?” Sa totoo lang naman ay lahat tayto ay may kanya-kanyang bahid ng dumi. “Huwag maging mapanghusga?” Teka, hindi na uso ang ipagbawal yan, lalo na’t mga taong nagsasabi niyan ay sila ring humuhusga sa kanilang kapwa? Worse? Saksakan pa sila ng katangahan, kahipokrituhan at bulag pagdating sa pagpuna sa sarili nilang kamalian."Masyado tayong NARROW-MINDED? Hindi, pero ang pagiging OPEN-MINDED, nilalagay sa tamang lugar at kaisipan ang lahat.

Ayan. Para sa akin? Nah, hindi ako naaliw sa biro niyang yun noong pinanood ko siya sa YouTube. Racist man yun sa pananaw ng karamihan, pero para sa akin, ang corny eh. Mas foul na yun, dahil hindi ako talaga tulad ng karamihan na natawa kahit sa unang playback pa lang ng videong ito at kahit sa unang pagbasa ng transcript nito sa mga artikulo.

Yung, ang corny lang. Saka hindi na kailangan pang maging masyadong big deal sa usaping ito. Umakto ang isa, at nagreakt naman ang kabila. Quits, kaya move-on move on din 'pag may time.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!