Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Sunday, May 12, 2013

Nasa Botante Na ‘Yan


5:44:52 PM | 5/12/2013 | Sunday

Sa totoo lang, tayo ang mas may hawak ng kapangyarihan sa ating bayan. Tayong mga mamayan na bumoboto sa kanila. Tayo ang gumuguhit ng ating sariling landas bilang isang lipunan. Kahalintulad nito ang kasabihang “You create your own destiny,” o ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong daan sa iyong buhay.


Kaya sa totoo lang, ang anumang naganap sa ating pamahalaan na hindi kanais-nais, tayo din ang may kasalanan. Kung bakit natin hinayaan na maupo ang mga asal-gago sa upuan na iyan, tayo ang may kaslaanan. Kung bakit mala-showbiz at telenovela na ang takbo ng ating gobyerno, tayo pa rin ang accountable diyan. Kung bakit hindi mawala-wala ang corruption sa ating bayan, oo, at hindi ako magsasawang sabihin ito ulit: tayo at tayo lang ang may kasalanan niyan.

Oo, tayo nga na naghalal o nagluklok sa kanila. Tayo na pumili sa mga bugok na ‘to, kaya kung tutuusin huwag na rin tayong magtaka kung bakit tila kinamkam na ang ating kaban, piniringan ang mata at naging bulag sa hubad na katotohanan, pinatikom ang bibig at naging piping saksi. Pinili mong magsawalang bahala pero nagrereklamo ka sa mga kaganapan sa ating bayan? Ulol, ano ka, mayordomo?

Hindi lahat ng mga taong botante ay ignorante, mangmang o bobo, (hindi nga “lahat” pero posible ang salitang “karamihan”). Tignan mo nga at naeexercise mo pa yan sa mga reality show sa TV.

Uulitin ko. Nasa sa atin ang magiging kahitnan ng ating bansa. Kung marunong lang tayong pumili ng ating iluluklok sa pwesto. Kung may utak at puso ba siya na kahalintulad sa atin. Kung alam natin na kaya niyang gampanan ang papel na ipapataw natin sa kanya. Kung hindi tayo magpapasilaw sa porma at pera. Kung prinsipyo at palataporma ang ating ipapairal sa lahat ng oras.

Kung alam lang nating gamitin ang ating utak at kung kaya nating paganahin ang kamay na pumili ng wastong kandidato, alam dapat natin kung saan tayo aangat o saan tayo pupulutin.

Nasa ating mga botante na ‘yan.

Paalala lang, mga tol. VOTE WISELY.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!