Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, May 14, 2013

PlayBack: Ilusyon

5/14/2013 10:58:20 PM

Balik sa eksena ng rap sa Pilipinas. Sa isang artista na patuloy na namamayapgpag maliban pa kay idol Gloc-9. Oo, at hindi itong isang pseudo-love song o sabihin na natin na isang malaromantikong tema (ganyan ang pagkaintindi ng karamihan sa mainstream e) na tulad ng “Gayuma.”

Nagbabalik sa ere si Raymond Abracosa, at ang kanyang “Ilusyon” ay nagkatotoo na. Sabay sa araw ng midterm elections (at sa pagkadismaya at kasiyahan ng karamihan sa resulta nito) ay ni-release ni Abra ang kanyang single at music video na “Ilusyon.” Follow-up single ito sa kanyang Gayuma (kasama naman dun si Thyro Agular) na may mahigit 21 milyong hits sa kanyang sariling YouTube account.

Kasama niya sa kantang ito ang bokalista ng bandang Philia at artistang si Arci Muñoz. Tampok rin ang ibang rapper sa kanilang mala-cameo role sila BLKD (mula sa grupong Them Sent) at Bassilyo (ng Crazy As Pinoy). Isama mo na rin pala si Bugoy Cariño, Richard “DJ Buddah” Raymundo, at iba pa sa mga ialng tao na nagkaroon ng eksena sa music video na ito, na si Abra mismo ang nag-direct. Pinoduce ito ng Artifice Records.

Mukhang sa pagkakataong ito ay nagsisilbing “game changer” ba si Abra? Maraming nagsasabi na siya at si Gloc-9 ang tanging mainstream rap artists na gumagawa ng mga mala-pultika ang tema sa panahon ngayon. Sa kanyang Ilusyon, baka maraming masapul dahil sa dinami-dami ba naman ng kanyang tinalakay at tinira. Sa kanyang interview sa MYX, “magagalit lang ang mga guilty.”


Matapos panoorin ang music video, narito ang ilan sa aking mga napansin, maliban pa sa tsiks talaga si Arci Muñoz. Nakakapanibago lang, iba kasi ang hairdo ni Abra sa kada segment ng video maliban dun sa mga eksena sa chorus part. Pero other than that, ayos din ang pagsu-spoof niya ha, mula kay Kuya Kim hanggang kay Ben Tulfo, Chef Boy Logro at ultimo kay Ma’am Charo. Sakto lang ba.

Pero kung usapan ay ang kanyang musika, aba, medyo kakaiba lang ang dating. Socio-political commentary ang content pero pop ang tune. Kakaiba talaga dahil napakabihira ka lang makapakinig ng mga ganung tipo ng kwento sa musika. Maraming pinutakteng bagay na marumi sa mata ng mga matitino. Pamulat ng mata, kaisipan at kamalayan. Isang saludo sa rap music dahil dito. Buti pa nga ang mga tao sa kulturang ito, nakakagawa ng mga makabayang musika e.

Dapat pakinggan ‘to ng karamihan sa ngayon, lalo na kung tulad ko na… ay, ewan, bad trip sa resulta ng halalan.

REFERENCES:

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!