Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Thursday, May 09, 2013

Senador Agad?

10:42:42 PM | 5/9/2013 | Thursday


Photo credits: ABS-CBN News/Definitely Filipino
Mainit-init na balita, at involved ang dalawang napapanahong personalidad. Isang komedyante ang ayaw sa isang tumatakbong senador dahil sa kanyang “track record.”

Isa si Vice Ganda sa mga gumagawa ng mag satirical joke sa panahon ng eleksyon, bagamat ang remark na nailahad niya sa puntong ito ay: una, hindi parte ng kanyang mga antiko sa patawa; at pangalawa, personal na pananaw niya sa pulitka.

At sa kabila naman ay isa sa mga matutunog na pangalan ngayong nalalapit na halalan. Hindi dahil sa gusto siya ng masa, pero dahil sa pinuputakte siya ng karamihan sa social media. Maliban kasi sa “ayaw niya makipagtalo hangga’t hindi pa siya nakakaupo sa Senado,” ay wala itong malinaw na track record… as in panay pagiging assistant lang sa kanyang magulang ang naging tanging sandigan niya sa laban na ito.

Ambisyosa bang maituturing? Sabagay, senador kasi kaagad e. Hindi ba puwedeng sa lokal na pwesto muna para kahit papaano e maalam ka sa mundo ng pamumulitka? E aanhin mo nga naman kasi yun kung assistant ka naman sa ermat mong alkalde at erpat mong bise-presidente? At take note, mahabang panahon din ang paninilbihan mo sa kanila.

Pero porket walang track record, hindi na dapat tatakbo sa national level na tulad ng Senado? Kung pagiging utakan ang usapan, oo. Malamang sa malamang.

Pero bwelta naman ni Binay, nirerespeto niya ang opinyon ng naturang komedyante. Aniya, baka naman hindi naapreaciate ni Vice ang kanyang trabaho bilang pagvolunteer sa kanyang magulang. Pero isa ba tong “pagpatol” sa isyu? Sa mata ng mga mababaw, oo. Pero kung susurin, hindi rin eh, dahil nilinaw na rin lang ni Vice – hindi dapat itong i-take ng sinuman bilang isang swipe o matinding pasaring laban kay Nancy Binay.

Yun naman pala e. yaan na natin, repseto na lang sa kani-kanilang pananaw. Kung hindi mo bet, e ‘di huwag mong iboto. Ganun kasimple, ‘di ba?



Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!