Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, September 10, 2013

Selfish?!

09062013 | 1126AM

Maikling pasada lang, ano?

Ayon sa isang pag-aaral, ang kasalukuyang henerasyon ay gastador daw. Kadalasa'y ang mga salaping natatanggap nila'y napupunta sa nagbabgo nilang lifestyle, partikular sa mga makamundong bagay tulad ng mga gadget, pag-shopping, at pagkain sa labas.



Ang tinatawag na "selfie" generation ay ang henerasyon ng mga young adults na walang inaalala na iba pang prayoridad sa buhay. As in walang sinusustentuhan. Walang dumedepende sa kanila.

Pero ano nga ba ang mga factor kung bakit mas gunagastos ba ang mga tao sa "me, me, and me" generation?

Siguro, dahil nagbabago ang panahon. Siyempre, dahil maraming pagbabago ang nangyayari kada oras, mas nagiging moderno ang mga bagay na tulad ng cellphone. Kasabay din ng henerasyon na ito ipinanganak ang mga gadget na tulad ng mga tablet, at lalong umusbong ang mga social networking sites. Mas nagiging sopistikado ang lifestyle ng isang tao, nagiging sosyalin ang dating.

Kasama na rin siguro dito ang paglipana ng mga opisina ng mga kumpanya sa ilalim ng industriya ng Business Processing and Outsourcing o BPO. Oo, matinding factor din ang pagdami ng mga call centers. Malaki nga ang sahod mo, pero mapapaadjust ka rin sa lifestyle mo. Maliban pa sa malaki ang kaltas sa iyo sa buwis at kung anu-ano pang mga serbisyo ng pamahalaan tulad ng SSS/GSIS, PAG-IBIG, PhilHealth, mga bagay naman na mapapakinabangan mo sa panahon ng pangangailangan.

Pero hindi nga ba nakakaipon ang karamihan sa kanila? Tingin ko, hindi naman siguro. Madaling husgahan ang mga tao na labis-labis gumastos na akala mo'y wala nang bukas. Pero imposible na wala silang naitatabi kahit katiting na halaga para sa mga susunod na mga araw.

Pero sabagay. Selfie nila yan e. Walang basagan ng trip. At least, pinagpaguran nila ang pera nila d'yan. Yun nga lang. Mas okay siguro kung secured na secured sila sa mga trabaho nila para mas masaya, di ba?

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!