Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Wednesday, November 13, 2013

Flipping the Copycats

11/4/2013 1:51:18 PM

Ito ang problema sa mainstream television sa Pilipinas, lalo na sa mga variety shows. Sa panahon ngayon, maraming nagpapaktanga sa harap ng camera at live sa buong bansa (at kashit sa buong mundo na rin sa pamamagitan ng internet at cable channels) para lang sumikat at magkapera. Bumebenta eh. Kaya tuloy ang lipunan ay nagiging mababaw at pumapatol sa mga basurang palabas.

At pumapatol pa sila sa isyu ng “gayahan” o “kopyahan.” Ano ‘to? Parang yung senador lang na nag-plagiarized ng blog para lang sa kanyang speech sa RH bill; o yung isang skolar ng bayan na nag-plagiarize ng mga litrato para lang manalo sa mga photo contest?

Tama. Gayahan sila nang gayahan. Mula content ng segments hanggang sa ppamagat ng mga segment. Hanggang sa mga panibagong segment. Siyempre, kelangan ng mga “bagong pakulo” e. Kelangan pumatok sila sa madlang pipol o dabarkads. Kelan ding kumita sila sa pamamagitan ng mga advertisers sa kanilang mga segments at commercial gap.

Pero alam n’yo, may bago pa ba sa mga ito? Sa advent ng telebisyon na uso na ang pagiging straight-forward, di na kasi makakaila na talamak na ang mga kopyahan at gayahan ng mga segment.

For example: Ang That’s My Boy na naging That’s My Tomboy, na naging That’s My  Tambay naman. Alam ko, magkakatunog sila halos. Alam ko, naging viral ang usapin na yan na sinulat nga isa sa mga tropa ko sa Definitely Filipino (pero kahit bias man yun sa mata ng karamihan, wala kayong magagwa, opinion niya yan eh.)

Sa totoo lang, hindi na bago ang mga ito eh. Baka nga marami pang gayahan na naganap sa kalakaran ng mga variety shows eh. Bagay na di na inalam ng inyong lingkod dahil hindi naman ako nagpapakasasa sa kapapanood ng mga ganitong palatuntunan. Google niyo na lang kung anu-ano ang mga yun.

Pero huwag masyadong magtatatalak ang mga halos magpapatayan sa isyung yan. Eh ano kaya ito?



Tama, FLIP EAT. Obviously, ang FLIP ay halaw sa sikat na rap battle league sa Pilipinas na FlipTop. At ito ang problema sa atin – ginagawang generic term ang isang pangalan. Parang toothpaste na mas kilala pa bilang “Colgate” kahit hindi naman yun ang gusting bilhin (“Pabili po ng Colgate, yung Close-Up.”).
Sikat, ika nga. Pero actually, ang pag-brand sa rap battle segment ng Eat Bulaga bilang Flip Eat ang sa malamang ay ikinainit ng ulo ng mga kinauukulan ng FlipTop (see: https://www.facebook.com/fliptop.battleleague/posts/516006918489193).

“Eh, wala rin naming hip-hop kung wala si Francis M at ang Eat Bulaga eh!”  Dahil ba’ to sa “Rap Public of the Philippines?” noong early 2000s? Hmm, pero even bago pa sumali si Kiko sa EB noong 1995 (at nasa Channel 2 pa ito), ay naitawid na ang rap sa mainstream eh. Late 80s pa nga eh. Hamak naman na mas angat talaga si Francis M (o kahit ultimo si Gloc-9) kesa sa FlipTop hindi yun ang punto ng argumento eh.

“Dapat nga magpasalamat pa tayo sa Eat Bulaga dahil in their own way ay nakatulong sila na palaganapin ang hip-hop.” Ika nga naman, ano? "Imitation is the highest form of flattery." Siguro, sa kabilang banda naman ito naman ang masasabi d’yan. “Oo, inangat nga, pero kaswatingan naman ang pamamaraan. Ginagago naman ang kultura namin! Tagal ng panahon ang pinaghirapan naming, tapos sa isang iglap, ganyan niyo ipre-presenta ang minamahal na kultura naming? Paano naman naming maappreciate ‘yan?” Pero sabagay, kanya-kanyang pananaw kasi yan eh. I’s a free country, ika nga. Yun nga lang...

Ang tanong: Pinapatay nga ba ng mainstream ang tunay na kultura ng hip-hop sa Pinas? Ito kasi ang problema eh. Media feeds their audience “garbage.” Ibig sabihin, pinapalamon ng media ang mga manounood ng mga bagay-bagay na hindi naman akma at basura kung maituturing. Saksakan ng kababawan, maling detalye, at kung anu-ano pa.

Parang yung segment ng isang news magazine show sa Channel 11, na palagiang ginagamit nun ang terminong “FlipTop” kesa sa rap battle (“nagpi-Fliptop ka, tsong?” “Tara, FlipTop tayo.” “Lupit mo pala mag-FlipTop eh.”). Maliban pa yan sa mali-maling research, ayon na rin sa isa sa mga battle emcee dun (ops, take note, battle emcee/MC siya, hindi “FlipTop rapper.”).

Media feeds their audience “garbage.” Dahil nga, kababawan lang din ang alam ng tao, kababawan lang din ang ibibgay nito. Hindi uso ang needs dahil ang wants ng tao ang nagma-matter sa kanila. Kaya tignan mo, mas nahahalintulad ang mga rap battle sa “modernong Balagtasan.” Siguro, dahil sa isitlo nito na naiiba sa tipikal na pakikiupagtalastasan? O sadyang nahuhumaling ang marami sa ginawa ng mga rap battle league tulad ng Sunugan at FlipTop?

And nauso ba ang hip-hop mula noong nagsimula ang FlipTop? Kung OO ang sagot mo, MALING-MALI ka na. Research-research din pag may time.

For entertainment’s sake? Malamang, pero sa trend nga mga entertaining na palabas sa panahon ngayon, parang halos lahat na kasi ay panay panggagago na lamang ang alam ng mga screenwriters para lang pumatok sila sa masa eh. Kaya tignan mo ang lipunan, ika nga ni Batas, “nagkataon lamang na ang dami n’yong nabenta dahil sobrang daming Pilipinong ubod ng tanga!”


Gayahan pa ba ang usapan?

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!