Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Saturday, December 14, 2013

Obama And Company's Selfie Moves

12/13/2013 4:51:52 PM

http://www.digitaltrends.com/

Oh, may selfie pala sila. Sinu-sino ang mga tinutukoy ko? Sila lang naman – si U.S. President Barrack Obama, British Prime Minister David Cameron, at Danish Prime Minister na si Helle Thorning-Schimidt.

Nakunan ng photographer ng Agency France Presse na si Roberto Schimidt ang naturang pagse-selfie nila Obama. Yun nga lang, ang asawa ay hindi nakatingin sa camera. Busy raw sa pagtutok sa pagbibigay-pugay ng mga ibang world leader sa namayapang South African President na si Nelson Mandela.

Ngayon, ano na? Ewan ko, basta ang alam ko ay mula noong kinuha ito ng mga major news outlet sa mundo ay naging viral na rin ito sa mga social networking site.


Ika nga ng Buzzfeed, ito na ba ang pinakaimportanteng selfie sa kasalukuyan? Tignan mo, sige, picture lang kayo habang siya ay nagbibigay pugay. Alam ko, sa parte ng photographer nito ay mahirap itong ilimbagsa bansa mismo ni Mandela. Aba, namatay ang kanilang pinuno tapos magseselfie pa sila?

Sabagay, kung ang mga user mula sa ibang bansa ay naurat sa kanilang pagkadismaya, what more pasiguro ang mga kababayan ni Mandela?

Pero, ano naman ngayon? Eh selfie lang yan. Anong big deal dyan? Sa advent ng social media ngayon, na halos marami sa mga tao ay may pagkalikas na siraulo, lahat, pinapatulan. At nagiging acceptable ang mga ugali na tulad na lamang ng pagpatol.

Alam ko, ito ang kabilang banda diyan: maaring nagkatuwaan lang sila Obama, Cameron at Thorning-Schimidt sa kanilang pagkakasama, kaya ayan. Ika nga ng photographer na naka-caught in his lens ay iba kasi ang dating ng mga world leader samga sandaling ‘yan. Sanay kasi tayo na makita sila sa isang controlled environment. Sa diplomatikong pamamaraan. Siguro, ito rin ang dahilan kung bakit ay either tinitingala natin sila pag sila’y nakakagawa ng tama, at sa kaparehong pagkakataon ay pinupuna ng kritisismo pag sila ay nagkakamali. Sa sobrang pagiging idolo natin sa kanila, nakakalimutan natin na tao pa rin sila.

Parang ang saya lang ng mundo sa mata nila. Yun naman pala eh, walang masama roon.
Hindi na rin ako magtataka kung sa mga susunod na panahon ay may mga selfie pa na tulad nito ang mangyari. Ano naman ang masama roon?

Basta, huwag naman sa isang memorial service. Maging considerate naman tayo. Rumespeto ba. Lalo na’t ang selfie ay isa samga milyun-milyong salita na nakalista sa Oxford dictionary. Yan kasi ang kinababaliwan ng marami, kahit mabababaw, nagkakamarka pa rin.

Kaya hindi na rin kataka-taka kung ang mga kolokyal na salita sa lingwahe ng American English ay mailagay sa Oxford dictionary.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!