Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Monday, December 16, 2013

Simbang Gabi Na! E Ano Ngayon?

12/13/2013 12:52:39 PM
 
Simbang Gabi na pala. 

Eh ano naman ngayon? 
Sa malamang ay uso na naman ang mararaming bagay sa loob ng siyam na madaling araw. Oo, akala niyo ba ay hindi ako nagsisimbang gabi? Excuse me. Hindi porket hindi masyadong relihiyoso ay hindi na talaga nagsisimba.  Hindi ko rin masasabi na erehe ako.

Simbang Gabi na! Eh Ano ngayon? Maliban sa malamig ang simoy ng hangin ay marami rin ang mga bahay na nakabukas ang mga Christmas lights. Yun nga lang, sa mga nakalipas na taon, kaunti na lang ang ganito sa lugar namin.

Simbang Gabi na. Kaya marami na naman ang mga early bird, o sa slang term ng isa sa mga dj na pinapakinggan ko nang madalas na si Laila Chikadora, “mga noel cabangon sa ganitong ka-aga muhlach.”
Pero kung maraming early bird, marami ding mga bampira. Or in mas pormal na termino, puyat, or (I’ll coin the term again mula kay idol Laila) “puyatanders.” Malamang, marami talaga ang magpupuyat sa panahon ng kapaskuhan dahil maraming naghahappy-happy eh. Maraming galing sa gimik at nakikiparty-party (parang yung tern a pinauso ni Vice Ganda sa Showtime dati).

Dahil simbang gabi, blockbuster na naman at SRO (Standing Room Only) ang mga simbahan. Parokya man yan, Cathedral, o Kapilya lang, di mahulugan ng karayom ang lugar. Mas malaki pa kamo kesa sa mga conert ng mga artistang gaya ni Justin Bieber o mga nanunood ng WrestleMania. ANg mahirap lang d’yan, baka mag-agawan pa akyo sa hangin ha? Wag ganun.

Dahil nga blockbuster ang mga simbahan, mapi-feature pa ‘to ng live sa morning TV. Of course, maraming buhay ang dugo kapag December 16-24 ng madaling araw eh.

Simbang Gabi na! Eh ano ngayon? Maliban pa sa mga kanta ng Grin Department at Parokya Ni Edgar na may awit sa ganito ang pamagat, uso rin ang bibingka. Pinipilahan ng tao pagkatapos ng misa. Masarap na pangalmusal kesa sa pandesal at goto. And true enough, panalo naman eh.

Dahil maraming tao sa kada simbang gabi, marami rin ang mga magsisimbang-tabi.  Mga pumupunta lang ng simbahan dahil andun si crush o kasintahan. Kahit nasa labas, ay okay lang, basta ‘pag “Ama Namin,” ka-holding hands ko siya.

Wow ha? Kapal-mukhs naman ng mga ‘yan.

Para may basbas pa ni God ang pagsasama namin, kahit crush lang. Naku, utangna loob (at sinadya ko talaga na pagdikitin ang “utang” at ”na”), hindi lugar ang templo ng Diyos para sa kalandian n’yo.

Naalala ko lang ‘to bigla, nakikita ko ito sa mga post dati sa Facebook at Twitter. Dahil sa simbang gabi raw, maraming mga naka-varsity jacket. In short, marami raw baduy o jejemon. Mga mukhang barangay  tanod kapag sinuot ang jacket na ‘yun. Well, walang masama dun pero I just hope na the next time na magsabi sila ng salitang “God” o “Lord,” lalo na kung naka-address sa kanya ang mga yun ay hindi nila babuyin ang spelling niyan.

Dahil simbang gabi, kadalasan ay “Halina Hesus Halina” ang pambungad na kanta. Minsan, sa communion ay “O Holy Night” o “Silent Night” ang kinakanta pa nila. At kapag nasa bandang huling araw na ng mga misa de gallo ay ang kanta pag concluding rite ay “Ang Pasko Ay Sumapit.”

Napansin n’yo rin, no?

Pero ung tinatamad kang magsimbang gabi, dalawang options: pwede dun sa night mass mismo, o magsimbang-banig ka na lang. Oo, in short, matulog.

Simbang Gabi na! Eh Ano Ngayon? Magsimba ka kung gusto mo, basta, siguraduhin mo lang na simba talaga ang puntirya mo.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. Maganda ang point mo. That's exactly how I feel. Matagal na kong hindi nakakapag Simbang Gabi. Usually Christmas mass lang pag tuwing Dec. 24 ng gabi.

    ReplyDelete
  2. Namiss ko tuloy mag Simbang Gabi. Ever since nag move out ako sa parents ko, hindi na ako active sa church. "Magsimba ka kung gusto mo, basta, siguraduhin mo lang na simba talaga ang puntirya mo." May point ka dyan. Ang daming kabataan ngayon na magsisimba kuno kasi gusto makipag kita sa jowa or kaibigan. Or minsan gagawing excuse lang para makagala.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!