Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Saturday, February 22, 2014

Prom Season? Eh Ano Ngayon?

2/22/2014 11:26:46 AM

Dahil buwan ng pag-ibig ang Pebrero (dala ng ating matinding pagkahumaling sa Valentine’s Day), malamang, mayroon ding mga ‘prom.’

Eh kaso, ano naman ngayon?


Prom? Seryoso ka, slickmaster, ineechos mo lang ang prom? Balewala lang sa ‘yo yan?

OO, MALAMANG! (Kaya nga obviously ay sinulat ko ang piyesang ito, no!)

Pero bakit nga ba tila pati tayo ay nahuhumaling sa jeskeng ‘prom’ na yan?

Parte kasi ng high school life ang event na ito. Parang itong bente singkong sentimos na kulang sa piso. Siyempre, kulang ang high school life pag walang prom. Parang buhay, ang boring kapag walang problema.
Weh? Ows? Talaga lang, ha?

Sa totoo lang duda din ako sa ideyang yun. Tanginang lohika yan. Kulang ang high school life kapag walang ‘prom?’ Tanginang yan, nagpapatawa ka ba?

Eh sa totoo lang, pustahan tayo, kung may 1000 tao sa graduate ng high school sa panahon ngayon, baka hindi kabilang sa 950 dito ang hindi umattend ng ganun.

At kabilang ako sa 50 katao na yun.

Once in a lifetime lang yun, tol. Bakit ‘di mo pa pinatulan? Sayang yun!

‘Once in a lifetime’ your face! Ang daming problema ng bawat high schooler sa buhay isasama mo pa ba ang gastos dyan?

Oo. GASTOS LANG YAN. Mula pamporma hanggang pag-alok sa date hanggang a pagiging galante. Alam ko, munsan lang din tayong maging galante. Pero sa panahon ba ngayon, napapansin mo ba na kahit ultimo anak ng magbobote ay nagpapakapiling sosyalero’t soyalero. Oh, please, let’s get fucking real here, huh?

Na kahit sinong porbeng isturang bata ay nagpapakadesperado o desperada para magka-date. Hindi kaya dahil sa mga jeskeng bagay tulad ng prom, Valentine’s day, at ultimo ang araw-araw na pagkahumaling natin sa mga teleserye (bagay na hindi ko na kailangan mag-name drop, mahirap na, epektibo na ang e-libel ng cybercrime law eh), ay kaya tayo nagkakandaleche-leche sa ating emosyon at lovelife? Parang pag wala akong prom date, 'huhuhu' na kagad ang isa sa mga salita sa status o tweet?

Anak ng pating naman oh.

Prom season? Eh ano ngayon? Maliban sa bebenta ang tulad ng Dangwa, tailor shop, at ultimong rentahan ng mga coat at gown, ano naman? Business ba? Peak seaon?

O baka naman magdudulot lang ito ng katrapikan (ay naku naman, wag na kayong makisama sa agos  ng mga mainitin ang ulo sa kalsada dala ng mga kaliwa’t kanang mga road project)?

Prom season? Ano ngayon? Kailangan ba ng date? Actually, hindi. Pero dahil sobra tayong emosyonal, nagpapakasasa tayo sa ating depserasyon para lang makapagtanong kay ate ng “Miss, pwede ba kitang isama sa prom naming? Ikaw sana ang ide-date ko dun eh.” (p.s. wag ka nang magdadgdag ng pick-up line. Paliguy-ligoy ka pang nalalaman dyan eh, kala mo naman may gusto ka sa kanya yun pala ay may kailangan ka lang naman sa kanya).

Prom season? Malamang, baka may after party yan. Depende na lang kung either sa bar, sa convenience store (minsa’y tinatambayan pagkagaling sa bar), o baka sa…. Hoy, magsi-aral nga muna kayo? Natutunan nyo ba ang tiatawag na ‘sex education,’ at demonstration na kagad sa condo na walang kusina ang inaatupag nyo? (kailangan pa ba ng ‘foods’ dyan?)

Prom season? E ano ngayon? Pagalante ang labanan dyan as usual. The more na mas romantic ang get-up mo, mas marami kang pogi-points. Yun nga lang, “wow, astig ng damit mo ah. ‘kano na lang pera mo?” o pwede ring “Wow, prom king siya ngayon. Pustahan, bukas nganga yang mokong na yan.”

Anong punto, don’t flaunt it, if you don’t really have it. Ang daming pinagkakagastusan ng ermat mo, kasama ang load, tuition at baon mo, tapos gusto mo yang damit mo, galing pa sa mga eleganteng brand? Anak ng tokwa naman, huwag kang umabuso, ‘oy!

Prom season na. Tapos pustahan, next February, (which is obviously ay next year na dadaan) ay mauuso na naman ang ‘prom’ tapos repeat til you fade (oo, ikaw, hindi ang kanta)… unless isa kang repeater dahil either: wannabe gangster ka at paulit-ulit kang nakukulong sa presinto at detention cell ng school nyo; o sadyang mahina lang talaga ang kukote mo.

Sa madaling sabi… lilipas din yan!


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!