Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, May 13, 2014

Ang Mahiwagang Listahan

5/13/2014 7:04:09 AM

(Speaking of which, as of time na pinublish ko ito ay lumabas ang kontrobersyal na listahan.)

Ang mahiwagang listahan. Bow.

(Photo credits: Christian Esguerra/Twitter)
Pero hindi ito tula, ni hindi isang episode ng paborito kong palabas na anime na si Doraemon, kundi isa itong tirada (malamang! Dahil ano pa bang aasahan n’yo sa akin, ‘di ba?). Mula sa mga spekulasyon ng posibleng pagiging state witness daw, ngayon ay may listahan na siya. Aba, daig pa nya ang mga tindero at tindera, ano?

Ano ang nilalaman ng listahan niya? Mga pangalan daw ng mga opisyales na sangkot sa pork barrel scam na kung saan ang pinakapuno’t dulo ng lahat ay walang iba kundi ang lola niyo na si (drumroll, please) Janet Lim-Napoles.

Parang may-ari lang ng tindahan eh no? At yung mga nakapaskil na pangalan dun, mula sa mga staff member hanggang sa mga kongresista’t senador, ay parang mga may utang lang sa kanya, e ano po?

Pero bakit nga ba parang inaabot ng siyam-siyam ang pagsisiwalat sa usapin na ito? Nagkadevelopment na ang kaso nila Vhong, Deniece at Cedric lahat-lahat, sinamahan pa ng kontrobersyal na post ni Kris Aquino sa Instagram, at nanganak na lahat-lahat si Maya, nahalungkat na nga muli ang sigalot sa mga utol na Barretto (tangina naman, pwede bang gawing media blackout na rin ang isyung yan at hayaan na lamang sa mga programa na may kinalaman sa showbiz ang mga ganyang balita?), hindi pa rin nabubunyag ang dapat mabuyag?!

Sa totoo lang, hindi mo na rin masisisi ang tao kung bakit hindi sila nainiwala sa due process ng judicial department eh. Napakatagal ng prosesong yan, na parang Maguindanao massacre lang. Maiinip sila sa tagal. Baka mamuti na ang buhok ng apo nila lahat-lahat ay wala pa ring nangyayari.

Pero yan ang mundo ng pulitika, masanay ka na. Pustahan, sa panahon na magkakabukingan at magkakalaglagan na, hindi makukulong ang dapat makulong. Hindi rin masususpend ang dapat masuspend. 


At baka matapos na ang sesyon at termino ng mga taong nakaupo at magbago na nang tuluyan ang administrasyon ay baka hindi pa maresolba ang misuse scandal ng tinatawag na Priority Development Assistance Fund (sa madaling sabi, PDAF),na nagkakahalaga pa ng sampung bilyong piso; samahan mo pa ng pag-abuso sa fund ng Malampaya powerplant.

Ano pa bang bago?

Pag ka nabunyag na ni JLN, DOJ secretary Leila De Lima at Senator Panfilo Lacson ang sagradong listahan ba ay mababago na ba ang takbo ng ekonomiya sa atin? Mababago din ba nito ang takbo ng pulitika? Mapupuksa na ba ang katiwalian? Mag-aalburoto ba ang tao na parang People Power Revolution sa Epifanio Delos Santos Avenue (o EDSA, para maintindihan mo sa halip na mag-alubroto ka at magtanong na “yan ba yung kalsada sa Kalahang Maynila na laging matrapik?”)?

Walang katiyakan. Yan ang sigurado.

Pero dahil karapatan nating malaman ang katotohanan (kahit lintik nay an, inaabot din ng siyam-siyam yang jeskeng Freedom of Information bill na yan), sige na, hayaan nyo na magsiwalat ang bruha. Hindi naman siguro magsisinungaling at magpapanggap na “wala siyang nalalaman” this time kung in fact, may listahan na siya, ‘di po ba?

Sige, ibunyag na ang dapat ibunyag. Amin na yang listahan na yan!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!