Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Wednesday, November 12, 2014

Back Out!

11/11/2014 02:53:55 PM

O, may umatras. Ayaw na niya sa debate. Ayaw niya ng isang verbal na altercation sa eere sa national television sa Oktubre a-27.

Ironically, ang anunsyong ito ay naganap sa kanyang birthday. So, ano 'to? Birthday o napapanahong gimik? Hindi. 

Eh teka muna? Di ba siya ang naghamon ng debateng ito? Paano na yan?

Oo nga no. Hmmm....

So ano naman kung umatras na si VP sa debateng ito? Patunay ba na duwag siya pagdating sa usapan? Madaling magbato ng salita, lalo na kung sa mata natin ay ganun ang magiging dating. Pero hindi rin kasi makakaila ang argumento na minsan, ang katahimikan ay nagsasabi ng mas matinding pahayag.

Patunay ba na guilty siya? Kung sa tipikal na pamamaraan ng paghatol? Maaring masabi, lalo na't uso ang trial by publicity (at lagi naman pagdating sa mga kung anu-anong balita sa current events ng Pilipinas eh. Pero uulitin ko, madali magsalita.

Teka, bakit nga ba siya umatras?

Ayon sa kanyang kampo, hahanapin pa kung sinong “anghel” ang nagbigay ng payo sa kanya?

Sabagay, hindi rin naman pabor sa ganito ang kanyang anak. Dahil sino ba namang anak ang gusto makitang mapahamak ang kanyang anak, di ba?

At saka bakit nga naman ang isang bise presdiente na tulad niya ay bababa sa lebel ng isang senador? Patola ba ang datingan?

Pero ano naman sasabihin nito? Maliban sa ":walang siyang isang salita?"

May tinatago tong pamilyang ito? Yung erpat na VP, nabuking na may hasyenda, yung ermat naman nakasuhan ng graft, yung isang anak arogante sa isang village guard, tapos yung isa naman na naging senador ay... maboka sa senado (kahit binabash ng mga netizen). Yan ang problema pag nahusgahan ka: ang lawak ng sakop, pati ang mga taong malalapit, nadadamay. 

Oo, ganyan mangyayari sa'yo. Hanapan ng butas, kulang na lang maging ubusan ng lahi ang ganapan.

Pero matapos ang lahat, ano naman kung hindi na matutuloy ang debateng ito? Mabuti nga yun eh. Oo, sa totoo lang, gusto mo bang makakita ka na naman ng teleserye sa Senado? Pwede bang ibalato na lang natin yan sa Primetime TV? Parang hindi naman tayo nagsasawa nito eh.

Sige nga ano namang mapapala natin kung sakaling matuloy ito? Wala, oo malalaman nga natin ang mararaming testimonya ng isyung ito. Malalaman kung sino nagsasabi ng totoo.

Pero ano naman? May mahahatulan ba matapos nito? May madudulot nga ba ito para sa ating mga mamamyan na nag-aambag sa kaban ng bayan? Tangina, parang wala naman eh. 

Dahil ang kaganapan dun ay parang isang malaking moro-moro o saraswela o sa modernong terminolohiya, teleserye. Nakakaloka ang kwento, maraming literal na mapapael, at wala nang iba pang idinudulot kundi magkakandaleche-leche ang sinumang mag-oobserba.

Oo. Kung talagang mapapanindigan ng taong to ang kanyang sinabing magbaback-out, aba'y mabuti naman. Ang daming problema ng Pilipinas na mas dapat pang pagutuunan ng pansin. Kung may away-kayo sa pulitika, kayo-kayo na lang mag-usap. 

Oo, pucha, Bahala kayo dyan!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. dapat tandaaan mo din na kabilang ang buwis mo kung meron man sa isyung ito. Kung sakaling hindi mababalatan si Binay pano na ang mga nakurakot nya. Wala ngang mangyayare sa senado pero mamumulat ang mga tao na boboto sa kaya kung sakali man na tumakbo syang presidente

    ReplyDelete
    Replies
    1. -- Oo. Kabilang nga ang buwis ko dito. Ang tanong: mabalatan man o hindi, masasawatan ba talaga ang korapsyon? Ilang tao na nga ang nahatulan dito, pero anong nangyari aber?

      Mamumulat nga, pero wag ka, baka manalo pa yan dahil mahihilig ang karamihan sa atin na makisimpatiya sa mga taong lagi nating binubully, ke pormal na publikong opinyon man yan o sa social media. (e.g. ang anak niya)

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!