Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, September 29, 2015

Bakit Siya Nakaupo? Bakit? Bakit!!!?

9/28/2015 3:29:49 PM


Photo credits: PDI Entertainment

Isang nakababahala—at nakakalokang tanong at mga sagot.

Bakit raw hindi tumayo sa buong pelikulang Heneral Luna si Apolinario Mabini?

Kaya pala ganun nalamang ang dismaya ng actor na gumanap nito, gayun din ang ilang mga nag-oobserba.

Anak ng pating. Ano ‘to, nakalimutan mo na ba ang pinag-aralan mo sa HEKASI o sa Araling Lipunan o Makabayan o Sibika at Kultura? Ano ‘to? Dala ba ‘to na hindi mo pagseryoso sa pag-aaral at sa palabas ng landian ka nakatutok? 

O nanggagago ka lang gaya ng mga troll sa Internet?

Pagod ba siya? Tinamad na tumayo? Ginagaya si Professor X?

Pwes kung ganun, ito ang maaring isagot: kasi yan ang trabaho ng aktor na si Epi Quizon sa pelikulang yan; at sa lahat ng eksena ay dapat nakaupo siya. In other words, yan ang role niya sa pelikula. 

Pero huwag tayo masyadong mapagmataas. Akala mo naman porket napanood mo yung pelikula ay instant historian ka na. Akala mo naman kung sino kang elitistang matalino e minsan rin naman sa buhay mo ay may pagkaubod ka rin ng tanga. At akala mo porket panatiko ka ng pelikula ay isa ka na ring lunatiko. (Hoy, nakikiuso ka rin lang, gago!) Alalahanin mo ang sinabi ni Loonies a kanyang BOBO Song: Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong.

Pero....

Bakit nga ba nakaupo talaga si Mabini?

Dahil lumpo siya. May polio; at sa sakit na ’yun nawala ang kanyang abilidad na tumayo sa kanyang dalawang paa; at nangyari yun bago ang panaho ng rebolusyon noong 1896.

Simple, ‘di ba?

Pero bakit nga ba hindi na alam ng tao ang bagay na ito? Epekto ba ng pagkatanggal ng sampung pisong papel sa sirkulasyon ng Bangko Sentral?

Nakakaloka. 

Ngayon ito ang problema: mahirap kasi alamin kung ang isang tao ay hindi talaga alam ang mga bagay na ‘yan, o baka naman nagpapanggap lang na ignorante—o ika nga ni Anding Tengco, ‘authentic na tanga.’

Bakit mahirap? Sa panahon ngayon, may mga tao na kahit gusto mag-aral ay pinagkaitan namans ila ng pagkakataon na mangyari ito. Alam ko, hihirit ka ng “e bakit hindi siya gumawa na paraan?” to which ang sagot ko ay “dahil hindi lahat ay pare-pareho ang takbo ng utak, kaya hindi sa lahat ng pagkakataon ay pare-pareho rin ang diskarte ng tao sa mga ganung klaseng sitwasyon.”

Buti ka pa nga e, nakakatungtong ng eskwelahan at minsan ay napanaisn ang lektyur ng guro mo sa asignatura na ‘yun, pero inatupag mo pa yata ang kababawan gaya ng mga nag-uumpugang serye sa tanghali.

Sa mga ganung nakagawian tuloy nasisira ang pangangailangan ng komunikasyon para sa mga taong uhaw sa kaalaman. Hindi tuloy maganda at nagkakaroon ng hidwaan ang mga tao depende sa antas ng kakayahan o kaalaman. Kaya tuloy nagkakaroon ng elitismong kaisipan sa social media. Kaya nga naimbento tuloy ang mga katagang GMG o IGMG. (At ano ang yan? I-Google Mo, Gago!)

Oo, na para bang isang mortal na kasalanan ang pagiging ‘walang alam.’ At sa ibang hirit, bakit nga naman hindi? May internet tayo. At ika nga sa isang speech ni Lourd de Veyra, nagtatampisaw na tayo sa batis ng impormasyon. Kaya kung pinili mo na hindi ito kagatin at patulan ang mga kababawan sa mainstream television ay hindi mo kailanman magiging excuse yan para maging mangmang ka. Oo—at yan ay kung isa kang ganap na estudyante.

Balik sa kaso ng pagkakairita ng marami ukol sa pagkalumpo. Hindi masasabing excuse yan dahil kahit bias ang kasaysayan (sa totoo lang), ay tinuturo pa rin ito ng mga guro. Nasan ka ba nun? Nasa ere ba ang isipan? Nagsusulat ng FLAMES at pinagtatambal mo ang pangalan ng crush mo? (Oo, yang asungot na umaastang pabebe sa ‘yo? Ha?)

O namiss mo yung klase dahil sa paborito mong palabas twing tanghalian?

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!