Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Friday, September 18, 2015

Lessons from Heneral Luna

09/14/2015 04:17:30 PM

Photo credit: Rappler
Naalala ko dati, pag nanunood kami ng mga piling palabas sa pelikula at telebisyon nun ay pinapagawan kami ng aming guro ng “reaction paper.” Natural, parte ng assignment namin yun e. (Except of course pag nanunood ka ng NBA Finals noong panahon na 'yun.)

May panahon talaga noon at mapahanggang ngayon na  ang mga nagsisulputan ang mga 'historical film' sa atin. Hindi ito makakaila, ala namang panay teleserye, vareity show, at tabloid—este, newscast—na lang ang siklo ng buhay-telebisyon mo, 'di ba?

Sa nakalipas na mga taon, mayroong pelikulang nilahad ang buahy ni Rizal. Gayun din kay Aguinaldo, at kay Bonifacio. Pero sa taong ito, mukhang iba naman ang nagiung focus ng kwento—yan ay kay Heneral Antonio Luna, ang isa sa mga heneral ng rebolusyonaryong gobyerno at sa kasagsagan ng Filipino-American war noong dakong 1899.

Tama na ang pangso-spoil. Utang na loob, manood naman kayo sa sinehan. Maswerte nga yung mga estudyante dyan dahil may 50 percent discount pa nga e (and still insistent pa rin ang public demand).

Ngunit ano ang mga bagay-bagay na dapat nating matutunan sa pelikulang ito na kinatampukan nila John Arcilla, Mon Confiado, atbp., at sa direksyon ni Jerrold Tarog?

Hindi lahat ng mga nasasabi sa ating mga libro ay totoo. Hindi sapat ang isang libro ng history na akda ng samu't saring mga beteranong historyador para lang mapunan ang kaalaman mo sa asignatura.

At hindi rin lahat ng mga bagay na nababanggit sa mga textbook ay ganap na katotohanan. Kasalanan ba to ng mga publishing house? Hindi. Kasalanan ba to ng DepEd? Siguro. Kasalanan ba to ng mga awtor na nagtuturo? Maari (pero huwag naman masyado manisi; kala mo naman ang talino mo). Pero hindi lang sa iisa o iilang grupo ang magsasabing may pakana sa pagkalito-lito ng mga katotohanan sa history. Natuto lamang tayo sa pinag-aralan ng mga nakalipas na henerasyon. Sila ang mga nagsasabi ng anumang nangyari. Dahil ang kasaysayan ay kuwento ng mga taong namuhay—at nakapamuhay—sa panahon na 'yun.

Ang mga bayani ay tao rin. Oo, gaya mo, gaya niya, gaya ng iyong mga magulang, kapatid, kaibigan, kaaway, gelpren/boypren, ex-gelpren/ex-boypren, asawa (kung meron man, o kerida kung marami), artista, at ultimong mga pinagpapantasyahan mo sa porn websites. Tao rin sila na nagkakamali, na hindi sa lahat ay full tank o unli ang pisi.May emosyon rin sila na bigla-bigla na lamang mabubuhos.

At taliwas sa mga tipikal na historical films na ang palagiang puna ay ukol sa mala-superhero na kakayahan at nagawa ng isang bayani, ay tinalakay rin nito ang kahinaan. Hindi lang ito usapin kung paano naging mahina si Superman t'wing may pinantatapat na Kryptonite sa kanya, o kung paano masasabing takot si Son Goku sa karayom ng injection at sa asawang si Chi-chi. Kundi ang mas realidad na konteksto ng pasensya. Gaya natin, napipikon din si Heneral Artikulo Uno. Gaya natin, nababadtrip siya pag may isang bagay na hindi siya nagustuhan. At gaya natin, nagiging bayolente rin si Antonio Luna—maliban na lamang kung isa ka nang ganap na santo since day 1.

Ang pagiging arogante ay nilulugar. Alam ko, kahanga-hanga ang mga taong may kakayahang lumusot sa argumeto sa paraang hindi ka mapagkakamalang abugado o husgado. Pero ang lahat ng salita, tono, intensyon at may kinalulugaran. Bagay na malamang, hindi ka sasang-ayon. Kasi nga naman, napupuno din tayo. Hindi naman sa lahat ng oras ay diplomasya ang pinapairal lalo na kung noon pa man ay may mga pasimpleng gago na rin sa pulitika. Inilarawan ni Hen. Antonio Luna ang mga bagay na nakikita natin sa mga nagsasagawa ng kilos-protesta ngayon—at 'in your face' pa kamo gaya ng mga idolo mong mag-utol na nasa radyo.

Dahil pag hindi mo nilugar ang pagiging mayabang, masasabihan ka pang abusado. At lahat ng mga kilos—mabuti man o masama—ay may kaakibat na reaksyon. Sa iba, maari itong tawagin na parusa. Kung marami kang magiging kaaway, para ka na ring naglubog ng isang paa mo sa hukay. At hustisya ba ang tawag dito? Sa kabila nito...

Hindi pa rin tayo nakakamove on. Hindi ito usapin ng paniniwala sa forever o relasyon. E noon pa man, mula nung napunta tayo mula sa kamay ng mga Kastila papunta sa mga Amerikano ay may mga nabago pa sa ating pagkakakilanlan? Parang andun pa rin ang mga mentalidad natin e. Ang regionalism; ang pagkakawatak-watak natin ayon sa mga rehiyon at iba pang distinksyon ng grupo. Ang utak-kolonyal na talaga namang sagabal sa ating pagoiging makabayan. Gayundin ang pagiging utak-talangka; dahil karamihan ay naghahangad ng posisyon. At dahil maraming naghahangad, marami ang may ganid; mga ayaw-magpasakop o ayaw magbigay-daan; mga feeling nila nasasapawan sila sa kanilang mga trabaho.

Alin pa ba? Basta, iasang malaking misteryo ang kasaysayan.

At isa pa: nakamamatay ang pagiging mainitin ang ulo. Stress nga nakamamatay rin e. Yan pa kaya?

Ito na talaga ang panghuli: Aba, kaya pala natin mag-appreciate ng mga ganitong klaseng pelikula e. Akala ko panay basura na lamang ang kaya nating tangkilikin mula teleserye hanggang sa mga palabas sa tanghalian hanggang sa mga mabababaw na kanta at rom-com shits ng commercial cinema eh.

Buti na lang!

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

2 comments:

  1. Matagal na akong hindi nanonood ng pelikula sa sinehan dahil parang wala ng kwenta ang mga pinapalabas, puro walang kabuluhan. Nakakatuwa na nagpapalabas na sila ng ganitong tema na mat aral. Hindi ko pa ito napapanood, pero may balak naman ako hehe.

    ReplyDelete
  2. Watched this about 2 weeks ago. Sure it isn't perfect. Not one movie is. Let's just be thankful na sa dagat ng isang libo't isandaang walang kuwentang pelikula na inilalabas ngayon sa sinehan. May umusbong na ganitong klaseng obra maestra :)

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!