Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Monday, May 09, 2016

Selfie Pa More (Kahit Bawal)!

05/09/2016 12:05:14 PM

Isa sa mga pangunahing alintuntunin ng Commission on Elections (COMELEC) ay ang diumano'y pagbawal sa pagkuha ng litrato ng sarili na may hawak na balota.

In short, bawal ang selfie. Ayos di ba? 

Pero, bakit may nangyaring ganito?

zeibiz.com
Minsan naisip ko: totoo ba to? Baka may magphotoshop. Alam mo naman ang mga tao sa interrnet ngayon, gagawa ng paraan para sumikat, kahit sa expense ng ibang tao.

Pero shit lang. Bawal na bawal tong ginawa ng dalawang 'to ah.

Sounds like hindi okay to COMELEC spokesperson James Jimenez ah. 


Una, bawal ang pagse-selfie. Bawal ang pagkuha ng litrato na nagpapakita ng iyong balota, ke nakatago man yan sa secrecy folder o hindi. 

Pangalawa, bawal rin ang pagsusuot ng mga leection paraphernalia mula baller band hanggang damit mismo. Pahuhubarin ka lang nyan pagpasok ng polling precint niyo.

Pero tangina, bakit ito, nakalusot? Porket artista ba? Porket matunog ang pangalan? Teka, baka sila pa ang kumuha ng litrato nito ah?!

Ganun ba?

At ang paglabag sa naunang binanggit -- na may kinalaman sa ballot secrecy -- ay maaring maparusahan ng pagkakakulong ng aabot sa anim na taon.

Hindi ko tuloy alam kung na-inform ba sila ng kanilang sinusuportahang kanidato (o kanilang kampo), kung nanunood ba talaga sila ng balita, o saydang ewan na lang natin. 

Siguro isa rin itong masaklap na repleksyon ng either pinili ang maging mababaw o sadyang wala lang talagang access ang marami sa pagiging maalam sa mga simpleng batas o alintuntunin. Pero isa ring marahas na realidad: ignorance of the law (and not DI-LAW) excuses no one. 

Oo, speaking of yellow, ito pa ang isang twist: ang isa sa mga presidential candidate, nakunan sa akto na nagpapiktyur. And allegedly, isang pulitiko naman ay may baller.

Pero teka lang. Kung tama man ang argumentong ito, mukhang malabo ang COMELEC na ito at masasabi pang trial by publicity ang nangyari. (Salamat sa heads up, Neala Medina!)



Ayayay... looks like hindi pwede mag-SHUT UP ang COMELEC dito. Kailangan nilang i-explain ang ganitong rule.


Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-either productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!