Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Wednesday, September 07, 2016

The Traffic State of Mind

09/07/2016 09:31:02 PM 



Wow. Mukhang yun lang masasabi ko sa balitang ito ah. At nata-traffic pa yata ako sa utak ko, maliban pa sa literal na traffic pa sa mga gaya ng EDSA at C-5, mga pila sa terminal sa entrance, ng mall at sa cashier; at ultimo ang internet connection ko, nata-traffic din habang sinusulat ko 'to. 

Wow. Mukhang yun lang masasabi ko sa balitang ito ah. 

Actually, hindi lang pala 'wow.' Masyado na ngang maraming salita na nailahad ko rito eh. Pero “traffic is a state of mind?” 

Wow, ha? Talaga lang ha? Guni-guni lang pala ng marami ang mga hassle sa traffic sa metro, ano? Na kahit hindi rush hour ay mas matindi pa sa mga nagdaag ordinaryong araw ang traffic, ganun po ba?

O dili naman kaya ay ganito?: “Even when there was no traffic, (people say) there was.”  Aniya, masyado tayong nega na pag ang mga gaya ng EDSA, C-5 at iba pang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ang babanggitin, awtomatikong sasabihin na ng marami sa atin ay “Punyeta naman, ang traffic!”

Dagdag ni Tugade, “A state of mind adds to the problem of traffic.”

Ayos rin naman kung tutuusin ang pinupunto ng naturang secretary ng Department of Transportation. Nagiging excuse naman rin kasi ng marami sa atin ito kaya sila nale-late. Kaya ayon sa kanya at pati na rin sa spokesperson ng ahensya na si Cheri Mercado, dapat ay mag-adjust rin tayo. Wag lang basta puro sisi. 

“Let's stop blaming traffic. If you're late, that's that.” 

Point taken. Pero hindi sa lahat ng sitwasyon kasi ay magiging ganap na applicable yan. Lalo na kung may mga pagkakataon na nagresulta sa ganun, gaya na lamang ng mga aksidente sa kalye, may biglang proyekto ang local government/Manila Water o Maynilad/atbp. Mas masaklap kung literal na biglaan o ni walang pang-abiso ang mga 'to.

At ang siste, baka sa malamang ay mapaaga din ang rush hour nito. Kung alas-6 ng umaga ay nagsisimula nang mag-buildup ang daloy ng trapiko, baka sing-aga ng alas-4:30 ay magsimula na yan. Minsan pa naman ay talagang nangyayari yan. Marami nga lang makokompriso sa ganitong lagay, lalo na kung pamilyado ka na. 

Pero since isa na rin ang traffic sa mga bagay na napakahirap iwasan (kung hindi man hindi maiwasan at all), may mga kailangan tayong gawin na pagbabago. After all, bumoto nga tayo (bilang mayorya) para sa mga pagbabago sa lipunan natin. Huwag lang siguro tayo puros sisi sa pamahalaan. Gawin na lamang natin ang mga abot ng ating makakaya hindi lang para sa ikabubuti ng mga mamayan, kundi para sa ikabubuti na rin ng bayan na ito. 

Oo. Tulungan ba. Hindi naman pamahalaan lang ang may dapat kumilos rito eh. Yun nga lang, may mga bagay talaga na mahirap bigyan ng ganap na kaginhawaan kahit ano pang ayuda ang ialok. Kahit na itawag pa sa 8888 o 911 dahil sa dyeskeng road construction project na inabot na ng siyam-siyam. Lalo na kung may mga ilang siraulong tsuper ng alinmang public utility vehicle na hindi ginagampanan ang trabaho nang maayos. Yung mga tipong nagbababa at nagsasakay sa mga lugar na hindi naman angkop – at minsan, sa gitna pa nga ng kalsada eh. 

Isa pa, siguro kailangan rin ng matinding sistema pagdating sa mass transportation. Aanhin mo maman ang paggising ng maaga kung sa kaagahan rin ay wala namang masakyan na UV express o jeep? Eh panay puno palagi. At kaya nga sila umaalis ng maaga para umiwas sa mahabang pila, tapos yun alng din aabutan nila? Kaloka naman. 

Kaya kahit sa totoo lang, kahit naniniwala ako sa sinabi ni Tugade at Mercado, “easier said than done,” rin yan, ika nga sa Ingles.

REFERENCES:

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!