Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, June 04, 2013

Just My Opinion: “Tomboy”

11:35:37 PM | 6/3/2013 | Monday

Okay, so “tibo” raw si Charice. Oo nga, ang isang dating YouTube sensation na naging isang international superstar, isa nang ganap na “lesbian.” Tomboy, sa mas kilalalang lengwahe.  Bi, or whatever, basta hindi siya straight, o baka nalihis sa tamang landas, ayon yan sa mata ng mga tao na may paniniwalang “dalawa lang ang kasarian ng tao: lalaki at babae.”  Yan ay matapos niyang aminin ang lahat sa isang eksklusibong panayam ng showbiz program na “The Buzz” sa kanya.

Humingi na rin siya sa mga taong nasaktan sa usaping ito, mula sa kanyang magulang at sa mga taong malalapit sa kanya.


Oh, ayun naman pala e. Dapat tapos na ang kuwento ukol dito ah. Obvious naman na nagsimula ito sa pag-evolve ng kanyang itsura, particular na ang kanyang hairstyle, bagay na pinuntirya ng pamumutakte, kritisismo at katatawanan ng mga netizens sa kanya. Hanggang sa unti-unting kumalat ang mga tanong ukol sa kanyang sekswalidad, dahil sa minsan siya’y natsismis na may kasama siyang babae (asus, ang daming hinala kaagad? Di kaya baka naman ay “girl talk” lang yun muna?).

So, ano na naman ang ibig sabihin nito? Isa na naman itong panibagong showbiz isyu na magiging trending na usapin sa Twitter at Facebook? At isang entertainment item na magiging “big deal” na balita sa mga newscast sa telebisyon? Kung ganun ang kaso, sisihin ang mga bugok na nilalang sa panahon ngayon. Mga mahihilig pumatol sa kung saan-saang isyu. Ang problema kasi sa ating mapanghusgang mga nilalang sa lipunang ito, kahit mababaw na bagay, sinasakyan. Parang mga tanga at gago lang.

Sa totoo lang kasi, wala naming problema sa kanyang itsura e. Alam ko, baduy nga siyang maituturing sa panahon ngayon. Pero ang siste kasi, may saysay pa rin ba bang pangababsh natin sa kanya? We can say whatever we want to say about her but Charice Pempengco will still be Charice Pempengco, and will remain as Charice Pempengco. Oo, kahit anong pangbabash o pangungutya gawin mo, wala ka na rin magagawa. Kitam mo nga ultimo ang kadugo niya na sumasalungat sa kanyang gawi ay wala ring napala e.

Humihingi siya ng respeto, pero ang say ko lang ay dapat niyang panindigan ang katayuan niya sa buhay ngayon. Dahil d’yan malalaman kung sino ang tunay na tagahanga niya sa mga nakikiuso lang. Yung taong susuportahan ang kanyang susunod na hakbang at igagalang ang desisyon niya sa buhay, sa mga taong magiging panibago o karagdagang kaaway at husgado sa mata niya. At tiyak na ang pag-amin sa kanyang kalagayan at ang pagtayo sa kanyang paninidigan ay tiyak na makapagbibigay respeto sa kanya sa kabila ng samu't saring kritisismo at pang-aalipsuta ng iilan.

Kaya sa kanyang mga fans at bashers, say goodbye to this damn issue and grow the fuck up na lang. Wala na kayong dapat pag-usapan pa. Wala na kayong dapat pagtalunan pa. At wala na kayong dapat na i-over-react d’yan. Kawawa naman ang Pinoy in general, lagi na lang nasasabihan na “mababaw na patola, na may pagkabalat-sibuyas.” Oo, dahil sa mga tulad n’yo nga.


The Buzz Uncut: Charice finally tells all Interview (Video from ABS-CBNOnline's YouTube account)

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!