Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Tuesday, July 09, 2013

Pilipinas O Filipinas?

7/9/2013 9:15:13 PM 

Ang daming problema ng Pilipinas. Pero bakit pangalan pa nito ang pinagtutuunan ng pansin?


Ayon kasi sa Komisyon ng Wikang Filipino, dapat raw palitan ang pangalan natin. Well, yung unang letra lang naman ng salitang Pilipinas. Dapat raw kasi, gawin itong “Filipinas.”

O sige, given. Magiging Filipinas nga ang pangalan natin sa hinaharap. Kaso... ano naman? Maliban sa ating pagkakakilanlan bilang mga Filipino o “Finoy (ha?!)” magagawa ba nitong i-angat an gating bansa mula sa hikaos ng ating ekonomiya, korapsyon, kahirapan, krimen, kamangmangan at kaignorantehan ng mayorya, at iba pa?

Pero malay mo, ito ang isa sa mga unang hakbang tungo sa pagbabagong tinutukoy nila. Siyempre, panlabas na anyo. Pero... Filipinas?!

Hmmm... sopistikadong pakinggan. Yan ay kung kaharap mo ay ang mga elitista at mga diplomatikang marunong gumamit ng ating sariling wika. E paano kung mga dukhang maralita ang katapat mo? Parang ang konyo naman ng dating mo ‘di ba? Baka laitin ka pa nila ng “’dong, maralitang manggagawa ka. ‘wag kang gago. Hindi ka taga-call center para sabihin mo nang ganyan ang pangalan ng bayan natin.

At sino na naman ang may pakana ng proposal na ito? Si Ginoong Virgilio Almario, isa ring national artist, isa rin sa mga kasapi ng KWF (Pero kunsabagay, parang hindi rin maganda ang tunog kung KWP yan ano?). Dapat raw i-revive ang paggamit ng salitang “Filipinas.” Kung tutuusin, matagal na nga niya yan isanusulong. At ang patunay ay ang artikulo niya noong 1992 at ang entry ng salitang “Filipinas” sa diskyunaryo ng UP. OO, With an F nga. Pero teka, “what the F” ba kagad reaksyon mo?

E ano naman kasi ang signipikasyon ng salitang... Filipinas? Ang bansang ito ay ipinangalan sa hari ng Espanya nun na si King Philip II o Haring Felipe. At sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, Filipinas ang opisyal na pangalan ng ating bansa.

O tapos? Naging Pilipinas lang naman ito dahil sa mga Amerikano. You know I’m saying, right? Ayon sa naturang artikulo pala, dapat kasi natin i-eradicate o burahin sa ating kamalayan ang Pilipinas. Dahil tatak ito sa pag-iral sa ating utak noong panahon ng pananakop ng mga Kano.

Wala pa mang kumento sa isyung ito ang pangulo. Siguro kailangan talaga ng masinsinang diskusyon ukol rito. Lalo na’t ignorante ang karamihan pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan ng ating bansa. Kailangang maitama ang dapat maitama.

Pero sa kabilang banda, tingin ko ay ang tatamaan lang ng salitang Filipinas kung nagkataon ay ang mga insititusyon na ngayon lang naitayo. Kasi parang ang awkward naman kung mababasa mo maririnig mo ang mga salitang ito:

Unibersidad ng Pilipinas = Unibersidad ng Filipinas.

Pinoy = Finoy (o kung babae ka, Pinay = Finay)

At (I’ll quote this from one of recent episodes ng Word Of The Lourd) paano nga naman kakantahin ni Bamboo ang Noypi? “Hoy, FINOY ako!” Corny na nga, ang awkward pang pakinggan.

Pero kung may tunong awkward man, meron din naming bumagay kahit papaano. Parang yung kanta ni Ka Freddie. “Filipinas kong minumutya...” o dili naman kaya yung local na bersyon ng AFP. Hukbong Sandatahan ng Filipinas. Okay pa rin naman yun kahit papaano ah.

Subalit malaking dagok ito sa disenyo ng ating pasaporte. Pilipinas e.

Nagbabago na kasi ang lengwahe natin e. May nagddag na letra, at kung ano-ano pa. Bagamat ganun, hindi man kailangang madaliin ang pagbabago ng P papuntang F. Sabagay, baka mapraktis din tayo magpronounce ng F ng husto nito.

Mas okay ang Philippines kung Ingles ang usapan. Pero kung magiging makabayan ka, okay na rin ang Filipinas. Bagamat may mga salita talaga na pang Finoy, este Pinoy ang dating at hindi na kailangan pang palitan ng F.

Tingin ko, dapat rin kasi na matuto tayo sa kasaysayan e. Hindi yung kung anu-anong kamunduhan na lang ang inaatupag natin sa araw-araw ng pagiging mamamyan ng bansang Filipinas.

WEH. Pilipinas kaya?

Whatever. Kahit alin d’yan!

Sources:

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: Twitter, Instagram, Facebook, Flickr, and Tumblr.

2 comments:

  1. hindi batayan ang panagaln ng bansa sa pagiging makapilipino nating mga mamamayan... at hindi natin dapat itanong kung ang pagpapalit ng pangalan ng bansa ay makatutulong sa pag unlad.. bagkos ang dapat nating tanungin ay ang ating sarili kung anong magagawa natin para umunlad ang ating bansa...

    ReplyDelete
  2. 'yeah I agree of that !! ang galling mo talaga .binatikos mo talaga ang dapat batikosin. pinalabas mo talaga ang tinantago mong hinanain !!
    I read this because jnaghahap ako ng mga info. for this issue baka kacee lalabas sa press con naming :p tnx sa info mooo !!!

    G O D B L E S S :))

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!