Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Saturday, January 18, 2014

Mabuti Pa Ang Lugawan, May CCTV!

1/18/2014 4:00:34 PM

Tama. “MABUTI PA ANG LUGAWAN, MAY CCTV. ANG NAIA… WALA!”


Tama naman si Manong Ted Failon noong sinabi niya ang mga salitang ito: “MABUTI PA ANG LUGAWAN, MAY CCTV. ANG NAIA… WALA!”


Oo nga naman. Nakakaalarma na ang panahon ngayon. Kaliwa’t kanan na ang mga krimen tulad ng pagnanakaw at pagpatay ng tao. Kaya bilang pain nila sa mga kawatan, naging accessible na para sa marami ang paglipana ng mga Closed Circuit Television (CCTV) Camera.

Sa sobrang mainstream nito, napadali na yata ang mga video researcher at news reporter at editor para mas mailahad ng maayos ang mga crime stories nila.

At di lang lugawan ang merong CCTV. Pati na rin ang mga ibang establisyamento tulad ng tindahan, computer shop, karinderya, gusali, at ultimo ang mga kalye, istasyon at terminal ng public transport. Wapakels na kahit low-class o mababa ang quality, basta may CCTV lang.

Baka nga ultimo ang liblib na bahagi ng kwarto e may CCTV din. O yung sa mga tinatago sa salamin. Pati yung ibang programa sa mainstream, mala-surveillance din ang camera na ginagamit. Concealed man yan, or CCTV talaga.

Oo nga e no? Buti pa ang lugawan (at yung mga nabanggit na lugar), may surveillance camera. Eh ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3? Anyare?

Isa raw sa mga modernong airport? Weh, di nga? Bagamat mas matino-tino naman ito kesa sa isa sa mga world’s worst na NAIA terminal 1, yan naman ang papatay sa kumpyansa ng mga pasahero ng Terminal 3 – ang kawalan ng serbisyo ng kanilang CCTV.

Tignan mo na lang ang nangyari sa ambush sa isang alkalde noong nakaraang Disyembre. Yun na lamang sana ang nakakapagpabigay-solusyoin sana sa krimen. Kaso… wala eh. Hindi ba sila natuto?

Tignan mo ang kaso nila Raymart, Claudine at Mon Tulfo noong 2012. Sa isang video na lang na kuha mula sa isang netizen umasa ang dikta ng kaso. Maaring pabor yun sa batikang commentator at crime-buster. Pero ang problema, may CCTV pala sa area nay un. Pero hindi gumagana.

Anak ng tipaklong naman oh.

Sinasabi raw sa mga ulat na ipalalagyan naman ang NAIA 3 ng CCTV. Kaso, kelan naman ito mangyayari? Sa 2015 daw, sakto para sa APEC Summit.

Ano, sa 2015 pa? OO NGA daw!

Teka, bakit sa 2015 pa, hindi pa pwedeng agad? Tutal ilang linggo lang naman dapat mapag-aralan ang sistema ng paglalagay ng CCTV sa airport ah. Saka ang dating nito, parang masaydo tayong pa-impress sa ibang bansa dahil sa ngayon lang tayo nagka-CCTV. Hanep, third world problem nga naman ano?

Ganun? So mako-kompromiso pa rin ba ang kaligtasan ng mga pasahero nito? Ganon? Aasa na lang ba tayo sa checkpoint? Eh nakalusot ang mga killer eh. Patay tayo d’yan!

Kung krimen at teknolohiya na ang usapan, indeed, nakapanlulumo nga – na mabuti pa ang lugawan, may CCTV! Ang NAIA – WALA!

Sana lang mas maghigpit sila ng seguridad hindi dahil sa may nangyaring hindi maganda, kundi dahil para sa ikapapanatag ng mga tao d’yan.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!