Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Thursday, April 24, 2014

Alaala Ni Warrior

4/24/2014 9:23:06 AM

Sino mag-aakala na ang mamang ito ay mamamatay nang biglaan? As in hindi mo inaasahan bilang isang wrestling fan.

Oo, si James Brian Hellwig nga. Kung batang 80s o 90s ka at nanunood ng WWF (yan pa pangalan nila nun, bago sila nagkaroon ng naming dispute sa World Wildlife Fund) sa TV, ke sa channel 9 o 13 man yan, alam mo kung gaano kakilala ang mamang ito.

Yung taong laging nakaface-paint at may suot na maskarang akala mo ay aatend ng isang masquerade party? Yung tipong pag nasa squared circle ay ipapadyak ang paa ng bonggang-bongga habang tila inaalog ang taling nagsisilbing bakod nito. Yung sa sobrang wild ng personality dala ng kanayng hype at energy  pagdating sa arena, samahan mo pa ng musical entrance niya. At yung boses niya na kjala mo ay nakawala sa koral.


Yan nga – si Ultimate Warrior.
Mas maalala siya sa mga matitinding laban sa WWF nun, kabilang na ang champion-vs-champion fight nila ni Hulk Hogan sa Wrestlemania 6 noong Abril 1, 1990.

Ironically, bumili ako ng isang throwback na WWE magazine nun (Abril a-8 din yun, oras sa Pilipinas) sa isang branch ng Book Sale sa Cubao. Kung di ako nagkakamali, yun ang isyu nila last year (as in April 2013) at ang cover nun ay ang mga nagtipon-tipon sa kanilang mga sagupaan sa Wrestlemania 29 na ginanap naman sa Metlife Staidum sa East Rutherford, New Jersey.

At doon ko nakita ang pahinang naglalarawan ng isa sa mga di mabilang na litrato ng labanan nilang dalawa.
Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang sinapit niya, namatay siya matapos atakehin sa puso sa labas ng isang hotel sa Scottsdale, Arizona alas-5:50 ng hapon noong Abril 8, 2014. Kasama niya na naglalakad nun ang kanyang asawa papunta sa kanilang sasakyan nung nangyari ito.

Kala mo scripted to tulad ng ilang mga death prank dati?  Actually, not this time around. Dahil ultimo mga mainstream news outlets mula sa traditional na tri-media hanggang sa mga sports at entertainment news blogs ay naging mainit ang item na ito.

Dahil nga dyan, marami na naming nabuhay na dating professional wrestling fan na biglang nakarelate sa balita. Sabagay, entertainment na nga rin kasi sa totoo lang ang mundo ng WWE. Pero ika nga ni Cesca Liton nung binalita niya ito sa programang Solar Sports Desk, “it may be entertainment, but it’s still a sport.”

Sino ba naman kasing mag-aakala na si Warrior ay mamamatay ng biglaan? Eh nung Sabado, Abril 5, ay isa siya sa 7 kataong na-induct sa latest na edisyon ng taunang WWE Hall of Fame sa New Orleans Arena? 

Kasama pa nga niya nun sila Lita, Jake “The Snake” Roberts, Scott Hall – o mas kilala sa WWE bilang si “Razor Ramon,” Carlos Colon, Mr. T, at ang tanging “namatay” na inductee lang nung kapanahunang yun ay ang dating manager nila Undertaker, Kane at Mankind na si William Moody – o mas kilala bilang si (oh, yeeeeesssss!) “Paul Bearer.”

Sino ba naman kasing mag-aakala na papanaw siya sa edad na 54, dalawang araw matapos silang humarap sa 75,1676 katao sa loob ng Mercedes Benz-Superdome para sa ika-30 edisyon ng taunang “Super Bowl ng sports entertainment” – ang Wrestlemania XXX?

At ang talumpati niya sa loob ng New Orleans Arena noong Abril 7, Lunes, sa episode ng WWE Monday Night RAW, nagsilbi nga bang “premonition?”



Oy, ang lalalim din ng mga biniibitawan niyang kataga ha?

Kaya nga naman nagbigay din ng tribute ang WWE sa kanya eh.



‘Di lang yan. Marami ring mga kanya-kanyang ‘tribute video’ na gawa ng mga samu’t saring user (na mga pro wrestling fan rin)sa YouTube.

At ayon sa TMZ din nun, ang sitcom na “The Goldbergs” ay nagbigay din ng kanilang bersyon ng pagbibigay-pugay sa kanila.

Pero ang gawa ng WWE mismo – samahan pa ng musika mula sa isa sa mga bago kong paboritong banda na 7Lions – ang talaga namang nakapagbigay ng ‘goosebumps’ sa akin. Shoot, walang katulad.

At sa totoo lang, kahit di ako fan ni Ultimate Warrior, malaki rin ang paghanga ko sa wrestler na ito. Just... WOW.

Rest in Peace, (and Power, too) and much respect.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Ring entrance pa lang, tindi na ng rush para sa nanonood. Isa sa mga paborito naming magkapatid iyan noon. Dinodrowing pa namin lagi at gumagawa kami ng komiks.
    Isa sa da best na matches para sa akin 'yung Hogan-Warrior, face vs face, IC vs WWE title match na 'yun sa Mania 6. Ilang bwan o taon rin kaming naniwalang namatay si Ultimate Warrior dahil pumutok raw ang muscles nya nung binuhat niya sa Andre the Giant. Wala pa kasing internet nun at walang pagkukunan ng balita. Fast forward sa Self Destruction DVD. Mabuti nama't naitama ng WWE ang ginawa nila sa kanya run sa paglalagay sa kanya sa HOF at pagbabalik nya in general sa mata ng mga WWF fans.
    Lupet rin ng speech na iyan, akala mong iniscript para sa kamatayan nya. Tsk.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!