Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Monday, November 17, 2014

Wapakels

10/29/2014 9:48:14 PM

Ang hirap ang maging walang pakialam sa mundo ng pulitika dito sa Pilipinas. Pero mas lalo naman yata yung magsabing nakakamangmang o nakabobobo na rin.

Oo, putangina, as in nakapanlalabo lang. Nakakalito na.


Minsan, kasi pinagtatanungan ako ng mga tropa ko sa mundo ng pagsusulat sa mga blog kung ano ang masasabi ko sa isyu na ito. Paulit-ulit na lang din. Pero... wala eh. Patawad muna mga ‘tol, total lampas dalawang buwan pa bago mag-Pasko.

As much kasi na gusto kong isulat at magbigay ng kuro-kuro sa mga kasalukuyang isyu sa Pilipinas, wala eh. Nagiging sirko lang halos ang lahat.

Oo, nabulatlat na nga ang mansion ng kuya VP niyo. Eh kaso, ano naman?

Anong bago? Yung mga lkaliwa’t kanang mga expose ng mga news outlet? Mga anggulong hindi pa nasisilip?

Parang naiisip ko lang, ano ‘to hanapan na lang ba palagi ng baho ang pultika sa bansa? Na para ba yung mga gunggong na hindi lang gusto o sang-ayon sa mga nilahad mo ay pinepersonal ka na?

Alam ko, kahti bumira pa ko ng mga ubod ng tanga ang mga ito, pero ganoon lang siguro talaga ang pulitika sa bansa. Dirty game, ika nga. Aniya, uso ang plastikan din.

Pero, bakit ang bise president at ang pamilya lamang niya ang nadidikdik yata? Eh paano yung mga tiwali rin sa hanay ng administrasyon?

Ano ‘to? Panig-panigan ang peg? May kinakampihan?

O minsan, may pagkasiraulo lang din kayo, na lahat ay pinagsususpetsahan basta marinig ang salitang pulitika.

Sabagay, nagging litanya ko rin naman ang mga katagang “basta pulitika ang pinairal, sira ang sistema.”

Minsan, kahit ilang beses pa akong tanungin at ilang beses ko ring sabihing “aalamin ko pa,” o “pasensya na, wala pa akong ma-say sa ganyan,” ito lang din nakikita ko eh: ang mundo ng pulitika sa Pilipinas ay umiikot sa isang siklo basura: minsan, nirerecycle.

Tignan mo ‘to. May nahalungkat na isyu kay Roxas dati, maya-maya’y di pa natatapos ang paksa, ayan na naman may bumalandra pang kalokohan. Dinaig pa niya ang teleserye na may kaliwa’t kanang twist sa mga malalaking eksena; o minsan ultimo ang paborito ko ring wrestling na kung kelan may matatapos na laban ay may susulpot na sisira ng lahat. At presto, may panibagong rivalry na aabangan!

Pero unlike sa teleserye at politics, mas trip ko pa rin ang wrestling. Anyway, balik sa usapan, tignan mo rin ang mas recent na isyu: bago pumutok ang isyu laban kay Binay, ay ano ba ang tinitira ng ibang kampo? Ang cake ba sa Makati? Ang overpriced na building nito? O ang kwestiyunableng bahay ng tsip ng PNP sa Nueva Ecija at ang pigging tiwali diumano ni Butch Abad?

Tangina. Pustahan tayo, mga tol: pag may pumutok na kontrobersiya, ang mansion ni Binay sa Batangas? Naku, eechapwera na ulit yan ng media. Hindi na rin yan pag-uusapan ng tao.

Dahil ganyan ang pulitika sa Pilipinas.

Kaya sa totoo lang, iba na lang pag-usapan natin. Pasensya na kung nadismaya ka lang ha?

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!