Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Monday, December 29, 2014

"Walang Forever" Mo Mukha Mo

12/22/2014 5:50:41 PM


Ano? Walang FOREVER?


E bakit pa naimbento ang salitang yan kung ganun?

Forever, ayon sa mga sari-saring depinisyon sa internet, ay isang salita na nangangahulugang panghabang-buhay. 

Ano, ulit, walang forever? Sabagay, hindi naman tayo imortal e. Darating talaga ang panahon na mamamatay din tayo. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente, kahit gaano pa karaming semento ang ginamit, kahit gaano karami pang ginamit na Might Bond at Bulldog Super Glue pa ang gamitin, at kahit gaano pa kalalim yan nakabaon sa lupa.

Ano, walang forever? Ito ang litanya ng mga taong laging sawi sa pag-ibig. Sabagay, lagi nga naman kasing nagiging trial and error ang datingan sa halip na one time big time na lang sana. Pero ganun talaga ang takbo ng buhay. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng dinaranas.

Pero... walang forever? Alam ba ng mga ‘to ang pinagsasabi nila? Walang FOREVER?

Ulit, kung walang forever, e bakit pa naimbento ang salitang yan? Para lang ba yan sa ‘pananampalataya’ lamang ng tao sa kanyang Dakilang Maylikha sa itaas? Hindi naman siguro, ‘di ba?

Kung tutuusin, sa konteksto ng isang relasyon, walang garantiya talaga na magiging kayo talaga hanggang sa dulo, lalo na kung naniniwala ka sa mga bagay na gaya ng destiny o tadhana, at sa mga gaya ng soulmate, signs, at iba pa. Minsan kasi, iniisip natin sa salitang pag-ibig ay isang malaking pantasya na para bang nagbabasa ng fairy tale noong bata ka pa, kaya malamang mga ganyang kataga din ang naisasaisip natin.

Pero... ano ulit? Walang forever?

Talaga lang ha?

Walang forever mo mukha mo.

Mayroon 'forever' kung gusto mo. Mayroong 'forever' kung gugustuhin mo. Saka kung para saioyo ang isang bagay, mangyayari yan. Forever na yan.

Mayroon! Oo, mayroon talaga, timang!

Ay, kontra ka pa rin ba? Ahhh. yung argumento mo ay "ntohing lasts forever," tama ba? E stil;l may forveer dun e. Nasabi mo nga e. Counted na yan, loko! Pamagat pa nga ng kanta ng Maroon 5 yan e.

Wala palang 'forever' ha?

P.S. Di kaya nasasabi mo yan, dahil pagkatapos ng palabas na "Forevermore" ay.... "Two Wives"?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!