Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Sunday, January 11, 2015

Basketbrawl Finals

1/11/2015 3:49:01 PM

Masyadong mainit. Masaydong piskal. Masyadong matindi lang.

Wow. Grabe ang laban noong nakaraang Biyernes ng gabi. 


Hindi mabilang na mga matitinding foul, mula technical hanggang flagrant ang tawagan. Walong tao ang sangkot, karamihan ay mga manlalaro, at sabit ultimo ang ballboy. Ayos!

Ito ang tinatawag na ‘chaos,’ wala pang sinabi yung nasa ibang sport. At teka, may chaos na ba kaya kailangang ibalik sa kwento ng WWE ngayon ang Authority?

Hindi ko sinasabi ito para i-glorify ang mga kaganapan. Pero pambihira lang, sa mata ng mga manunood ng basketball, ke sa venue man yan, internet o telebisyon, ito ang nagsisilbing “entertainment” na hinahanap din ng mga ‘to. Para sa kanila, ang “heat,” “beef,” o simplehan na lang natin, ang “away” ay parang isang spark sa isang palabas. Nagbibigay-buhay ito sa audience, na para bang isang love scene sa isang romantic drama na pelikula. 

Basta makakita ka ng hindi pangkarinawang pangyayari sa isang basketball game, pustahan tayo, mas maalala pa ng mga ito ang away nila Calvin Abueva at Arwind Santos (pati yung duguang ulo nito) kesa sa alinmang play of the game nun. Highlight reel ba hanap? Pucha, makita mo nga lang yata na nagsisigawan at nagpapatayan sa pamamagitan ng malalimang tinginan nila sa isa’t isa, mapapahiyaw ka na rin ng “ohhh! Sapakin na yan!”



Pero... tangina. Pisikal talaga ang laban e. Sa sobrang pisikal lang, hindi sasapat ang kanta ni Olivia Newton-John bilang musical scoring nito kung sakaling gagawing highlight reel.

Pagkatapos ng larong yun, na tinabla ng San Miguel ang serye ng kampeonato sa pamamagitan ng 88-82 na resulta, ano na? Darami na naman bang haters ni Abueva? Magkikiss at make-up ba sila David Semerad at Dondon Hontioveros? Well, nag-sorry naman ang Cebuano hotshot sa ginawang yun. Besides, hindi naman kailangang gawing big deal yun e. Double foul lang ang nangyari, hindi sapakan sa midcourt gaya nung nangyari kila Ben Wallace at Ron Artest sa Detroit noong 2004. 

At balita raw ay may appointment sila kay Kume kani-kanina lamang.

So, pagkatapos ng eksenang ito, ano ang aasahan natin ngayong hapon? Basketball game ba o isa na naming MMA match?

Well, sa totoo lang naman, dumarating sa punto talaga na ang isang laro ay nagiging pisikal. Mas nagiging mainit. At nagreresulta ito sa matinding komprontasyon mula sa mga coaching staff, mga manlalaro at mga opisyal ng laro. 

Kaya anong bago kung tutuusin?

Kaya good luck na lang siguro mamaya nito. Hahaha! 

(Photos are screengrab from videos at Sports5.PH)

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!