Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Monday, February 09, 2015

Hide and Seek?

1/24/2015 4:25:02 PM

Sinasabing ang pinuntahan ni Pope Francis dito sa bansa ay yung mga mahihirap.

Pero,ano nga ba ibig sabiin nito? Parang may mali.

Ayon sa mga naglipanang expose sa mga balitaan, tinago raw ng gobyerno ang mga batang lansangan sa Maynila. Kaliwa’t kanan din ang mga ulat na nasa karatig na lalawigan ang mga ito gaya ng Batangas at Bataan.

May isa ngang artikulo na mula sa isang UK-based na news site ukol rito. At kung tama ang pagkakaalala ko, lumabas ito ilang araw bago tumulak ang Santo Papa papunta sa dalawang bansa.

So, ano ibig sabihin nito? Pagpapakitang-tao na naman ba ito para sa Pilipinas? 

Kung tutuusin, taliwas ito sa gusto ni Pope Fancis na “hindi magarbo ang gustong maging reception sa kanya.” Mas okay siya sa pagiging “simple” lang. Oo, kahit sabihin pa na bisita lamang siya (kung sa trip niya yun eh).

Ito ang problema: ang hihilig kasi nating maging umastang galante kahit na ang mga humble type ang bumibisita sa atin. As in para tayong nanliligaw sa mga babae (kung ikaw ay lalake), at ikaw naman ay nag-aayos kung ikaw naman ay makikipagdate sa isang lalake (kung ikaw naman ay isang babae). As in nilalagay natin ang ating “best foot forward.”

Siyempre, on the good side, mag-iiwan ito ng magandang impresyon sa atin. Na malilinis ang ating paligid. Tandaan na ang itsura ng ating kapaligiran ay repleksyon ng kung anong klaseng lahi at personalidad natin bilang mga Pilipino.

Pero, kung tama man ang ninais ni Pope Francis na bisitahin ang mga mahihirap, ano ang ibig sabihin nito?

Tahasang kinondena ng ilang mamamayan sa pamamagitan ng pampublikong opinyon at social media ang kilos na ito, partikular ng DSWD. May mga nanggalaiti pa nga sa paghalik ni secreatry Dinky Soliman sa kamay ni Pope Francis.

Ano ‘to, hipokresiya?

Subalit, may bago nga rin ba sa ganitong insidente? Parang wala naman, ‘di ba? Basta engrande ang magiging kaganapan sa bansa, pinagtutuunan ng pansin.

Eh kung araw-arawin kaya ang ganito? Baka sakaling luminis pa ang lungsod ng Maynila, ‘di ba? Bakit pag may mga gaya ng Papal Visit lang tayo nag-aayos ng paligid?

Hindi lang siguro ito isang klase ng pagiging hipokrito; bagkus, isa rin siguro itong repleksyon kung gaano kadisiplinado ang lugar natin.

Ito ang tanong: maitaboy nga ang mga nakatira sa lansangan (which is dapat lang din), pero magaganrantiya ba na magiging maganda ang buhay nila sa nilipatan nila?

Baka pansamantala lamang ito. Pustahan, ngayon na wala na tayong big time na bisita sa ating bayan ay balik na rin sila sa dating gawi, gaya ng ilang mga naging instant deboto nung Papal Visit. Ibig sabihin, babalik sila sa lansangan, at gagawing tirahan ang hindi naman dapat tirhan.

Eh hihirit naman sila: kapag nilagay rin naman namin kasi sila sa kustodiya namin, eh aalis rin sila. Babalik din dun.

Patay. Band-aid solution yun e. At sa kabilang hanay naman, “nakasanayan kasi namin rito. Kaya okay lang kamui mabuhay rito.” Masakit na katotohanan. Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ay hindi makamtan.

At gaya ng pagpapakitang-tao, hindi na rin bago sa ating kamalayan ang ganitong siklo. Gustong mawaksi ang kahirapan? Since time immemrial na ito, wala pa ring pagbabago.

Tama man ang tagline ng noong-kandidato-at-ngayong pangulong Benigno Aquino na “kung walang corrupt, walang mahirap.” Pero, sa daming nagipanang mahihirap sa mga lansangan ng Kalakhang Maynila? Repleksyon lang ito na kung gaano karami rin ang mga tiwali sa ating bansa.

Haist.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!