Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Friday, May 15, 2015

Tirada Ni SlickMaster: Winning, Pinoy Pride and Spoilers

05/15/2015 11:05:06 AM

Photo credits: randomrepublika.com
Nanalo ang El Gamma Penumbra sa Asia's Got Talent.

YES!


Ang kwento nila na naglalaman ng matitindi't madadamdaming mensahe ay naipalaganap sa pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Mula sa kanilang pagtanghal sa Marina Bay Sands noong Huwebes, at sa pamamagitan ng pagsasahimpapawid nito sa telebisyon kinagabihan. Karapat-dapat lang naman.

Sa totoo lang, ang grupo nila—maliban pa kila Gephil Flores, Talento at Dance Thrilogy ang hinangaan ko at naging manok para sa unang season ng naturang prestiyosong talent search sa TV.

Runner-up lamang sila sa PGT, na pagkatapos ng tatlong seasons ay panay mga singer ang nananalo. So, anayre sa EGP that time? Di naman sila umuwing luhaan, at bagkus hinangaan.

Ito lang ang mga punto: ang pagkapanalo ng EGP sa AGT ay patunay lamang kung gaano tayo kasupportive—pero kapag sila ay nasa ibang bayan. Siyempre, #PinoyPride eh. Walang masama dun. Pero sana naman dati pa ay pinanalo naman natin sila sa PGT, ano.

Saka kung di sila nanalo sa Pililipinas Got Talent dati, malamang dahil mahihilig tayo sa mga singer e. Pero ang “singer” na tinutukoy natin ay yung kumakanta ng mga gaya ng ballad at love song; maliban pa sa dapat ay bumibirit din siya gaya nung mga diva sa Estados Unidos. Kaya tignan mo ang impluwensya nito sa ating criteria pagdating sa paghahanap ng mang-aawit, dapat raw ay tumitili to the extent na sa sobrang tinis ay lalabas na ang mga tutuli mula sa tenga mo.

Bagay naman na hindi ginawa ni Gerphil Flores; at sa halip ay nagstick siya sa kung ano ang talento niya talaga. Narinig mo ang rendition niya ng The Impossible Dream nun? Tangina, hanep sa tindi kahit iba sioya sa mga napapakinggan mo sa radyo. At hindi porket luma ang kanta—at lalo na ang istilo ng kanyang pagkanta—ay laos na. Palibhasa kasi hindi mo sineryoso ang panunood nun ng Phantom of the Opera e (kung nanood ka man).

Kaya ansabe nun sa panlalait na “Huwag daw siya mag-classical?” 'Oy, 'wag ka. Nang dahil nga dyan ay nakuha niya ang respeto ni David Foster e. At 'wag ka (ulit), sisikat pa siya dahil dun. So, I guess that statement already proved her wrong. That's what gonna happens kapag ang pinupush na product ng PH mainstream (karamihan lang naman) ay ang mag resiklo.

Sa kabilang banda, ano na nga ba nangyari sa mga naunang nanalo ng Pilipinas Got Talent? 'De. May mga kanya-kanyang karera naman silang tinatahak e.

Yun nga lang, kung ang Pilipinas Got Talent ay may Pilipinas Got Singers, ang hinatol ng buong Asia naman ay ang isang shadow-playing group na manalo. Sa susunod na season kaya ng AGT ay ibang act naman ang mananalo.

Malamang sa malamang.

At kung magkakaroon man ng PGT sa susunod na mga taon, singer pa kaya ang kunin nila? At yung mananalo ay magrerepresent sa Asia's Got Talent? (Maliban pa sa mga gusto ring mag-audition?)

Ewan ko lang sa malamang.

Pahabol: maraming nagrereklamo sa pagii-spoil ng resulta kahapon. Kagabi pa lang (mga bandang alas-6) ay naglalabasan na ang mga post sa social media na nanalo ang El Gamma Penumbra.

Okay, first and foremost: taping ang palabas, hindi siya live. Kaya sa mga humihirit ng “Paano nangyari yun, e mamaya pa lang magla-live ang AGT?” Ayan ang kasagutan. Obvious naman na may subtitle kapag ibang lengwahe maliban sa Ingles ang sinasabi ng mga tao, 'di ba?

Siguro naman ay nagpaalala ang mga organizers ng AGT sa 'no spoiler' policy (or wait, meron nga ba sila nun?). Para siya yung tinatawag na “secrecy” kung ihahambing sa mga terminolohiya ng CAT — “What you see, what you hear, what you feel, when you leave, leave it here.”

Ngayon, kung ganun naman ang ginawa nila, kung tutuusin ay labas na sila sa responsibilidad. Kasalanan na ng audience yan e. Nag-violate sila ng rule na yun kung ganun.

At moreover: kasalanan ng mag reklamador. Yan kasi napapala natin sa pagpatol sa kung anu-anong mga bagay e. Halos wala itong pinagkaiba sa paniniwala sa isang 'balita' na hoax pala. Ang diperensiya, ngayon ay andyan ang resulta, naniwala naman tayo kagad. Malay mo, ginagago ka lang pala ng naglabas nun. Dinisicourage ka na manood. Kung tunay na fan ka, kahit may spoiler pa na maglabasan ay tatangkilik ka pa rin sa tunay at totoong programa nito, kahit gaano pa kalate yan o kung may timang panoorin sila.

Masyadong taliwas, ano?

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!