Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Thursday, August 06, 2015

"True" SONA Kuno

08/06/2015 02:32:00 PM

Noong isang gabi, tinanong ko ang ermat ko sa opinyon niya ukol sa State of the Nation Address ni Vice President Jejomar Binay habang nagbabasa siya ng isang pahayagan.
Ako: “'Nay, naniniwala ka ba kay Binay?”
Si Ermat “Hindi, anak. Pare-pareho lang sila e.”
Tapos ang usapan; at nagsimula ang panahon para magnilay-nilay.

Masyado na rin talagang masalimuot ang mundo ng pulitika dito, lalo na sa panahon na ito, na may kanya-kanyang pakulo o bersyon ng State of the Nation Address ang mga Pinoy mula pulitiko hanggang komentarista hanggang sa mga tao sa social media.


At sa panahong ito, ultimo ang nag-resign na miyembro ng gabinete-slash-karibal sa pulitika-slash-bise presidente, ay mayroong SONA.

Oo, naglabas kamakailanlang ng isang “True” State of the Nation Address ang Bise Presidente sa Cavite State University. At dalawang linggo matapos ang opisyal na SONA ng pangulo, ay siya naman ang nagbigay ng “tunay” na estado ng bansang ito.

Sa totoo lang, may punto nga naman. As in maraming mga bagay—as in mahahalagang mga isyu ang inexpose ng TSONA ni Binay. Subalit hanggang sumbat lang ba tayo, Mr. Vice President?

Alam ko, na sa loob ng limang taon sa administrasyong Aquino—halos kabuuan na ng termino ni Pnoy —ay may mga hindi magagandang pangyayari at resulta mula sa mga isyu gaya ng Quirino Grandstand, SAF 44, rescue and rehabilitation operations sa Bagyong Yolanda, at ultimo ang kabulukan sa Metro Rail Transit.

Siyang tunay rin naman: hindi naman kasi porket gumaganda ang ekonomiya—base man sa mga ulat at istatistika nito—ay mararamdaman na ito ng lahat, partikular ng mga nasa sektor ng mahihirap.

Pero para sabihin na 'inept' at 'incompetent' ang administraysong ito. Aba, teka, hindi ba kabilang ka din sa administrasyong tinutukoy mo? Alalahanin mo, kahit bago ka magbitiw sa pwesto noong Hunyo 22 ay may katungkulan ka sa administrasyong Aquino. Oo, mula noong sumumpa ka noong Hunyo 30, 2010.

Kunsabagay, ang relasyong ito ay parang tipikal na relasyon ng magsyota na nagiging ex. Habang tumatagal ay pumapangit, kaya ayun, pinutol na lamang nang tuluyan. Parang 'battered wife' nga sabi ni UNA spokesperson Toby Tiangco e. Kung kelan nakawala, saka na magsasalita. Saka na manunumbat. Saka na magsasabi ng hinaig.

At ang limang taon ay mukhang, hmm, late na. Parang propaganda ang datingan nito. Porket malapit na ang eleksyon. Tsk. Napaghahalataan ba? Ilang buwan na lang ang campaign period.

Sa totoo lang, as much as gusto kong maniwala sa tunay na sinasabing estado ni Binay, wala e. Ayaw ko na rin e. Parang kahipokrituhan na lang din. Alam ko may nagawa naman siya sa loob ng limang taon. Pero para mambulyaw sa nakakataas as if nagdedemand ka ng mataas na sahod?

Mabuti nga ang kuya mo e. Kahit incompetent, kahit may mga nakakligtaan, at least hindi hinahaluan ng pulitika sa pagtulong. Pareho naman kayong hindi perpekto e. In fact, hindi ko rin bet ang manok niya na makakalaban mo, dahil may halong kaputaktehan rin ng pulitika ang mga kilos (gaya ng pinunto mo sa Yolanda).

Pero para lagyan letrang B ang rosaryo, gaya ng ibang paraphernailiang ipinamimigay ng kampo?

Isa pa: ang hindi pagsipot sa mga hearing sa Senado? Alam ko gusto mong malinawan ang pangalan mo, pero binigyan ka naman ng pagkakataon ah.

And nasabihang biktima ng cyber bullying? Sabagay, marami nga namang siraulo sa social media pero hindi sasapat ang dahilang yun.

Naku, naku, naku.

Tama na yung sinaad mo. Totoo rin naman e. Pero hindi rin naman makatutulong kung panay sumbat pa ang gagawin dahil mahahalungkat lamang ang mga tanong ukol sa mga nagawa mo sa loob ng limang taon.

Pero ingat nga lang sa panunumbat, lalo na't di mawawaksi na parte ka ng pamahalaang yan.

Isa pa pala: mag-hire ka na rin ng okay na strategist sa social media. Grabe naman kasi ito oh. Hindi man lang inayos yung typography.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!