Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Wednesday, December 02, 2015

Tirada Ni SlickMaster: Disqualified!

12/1/2015 8:41:19 PM

So diskwalipikado na si Sen. Grace Poe na tumakbo sa halalang pampanguluhan nngayong Mayo 2016. Aba, unang pasabog yan sa huling buwan ng taon na ito ah. Masyadong maaga para sa Pasko, pero sa larangan ng pulitika ay nasa gitna pa lamang din ng digmaan para sa kagustuhan na maging pinuno ng bansa.

Ayon sa 35-pahinang resolusyon na nilabas ng Commission on Elections (COMELEC) second division kanina, hindi na-meet ng senador ang pamantayan na 10-year residency requirement bago tumakbo sa nasabing posisyon. Subalit tila walang kinalaman sa pag-disqualify ang isyu sa kanyang citizenship. Bagkus, dininig ng three-man panel ang petisyon ng abugado na si Estrella Elamparo.

Mukhang naka-isa ang panalo sa samu’t saring disqualification cases laban kay Poe ah. 

Yan ay sa kabila ng pagbasura ng senado ukol sa nasabi ring kaso. Kung maalala kasi, nagresulta sa 5-4 ang botohan ng Senate Electoral Tribunal para mabigyan ng hatol ang petisyon ni Rizaliton David, isa sa mga naghain rin nng disqualification case laban kay Poe. Bagay na kinaurat ng isa sa mga paborito ng masa ngayon, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sinasabi raw na hindi ganap na Pilipino ang senadora. Hindi siya isang “natural-born citizen” ba. Bagay na tinanggi ng kanyang kampo. 

Well, maliban sa isang obvious resort, kayo na lang bahala humusga. Kasi kahit may maglabas at magdiin sa mga argument, hindi naman lahat ng katotohanan ay nasisiwalat talaga sa mga balita e. Siguro, isa sa mga butas na napansin para kwestiyunin ng marami ang kanyang pagka-Pilipino ay yung lanyang pagtira sa Estados Unidos simula noong siya ay nasa kolehiyo hanggang noong taong 2004 matapos ang biglaan pagpanaw ni Da King Fernando Poe Jr., ang ama na nag-ampon sa kanya. Maliban pa siguro dyan ay yung isyu na pinukol rin sa kanyang ama nung minsa ay sumabak ito sa pulitaka.

Pero… “Poe is still a candidate” raw. Oo, ayon sa spokesperson ng kampo nila na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian. Hmmm, candidate? Saan banda? Diskwalipikado nga ‘di ba?

Pero ayun nga, kung iaapela talaga ito sa abot ng kanilang makakaya, gawin nila. Madalas ay ganun naman. 

Yun nga lang, kung hindi talaga siya kwalipikado e sorry na lang talaga kayo. 

Anyare sa premature campaign ad niyo, na ginamit pa ang theme song ng kanyang erpat noong tumatakbo pa siya bilang pangulo noong 2004 presidential elections?

Saklap no?

Ngunit ang mundo ng pulitika sa Pilipinas ay may samu’t saring lusutan; butas na nahahanapan at butas na natatakpan. Malamang, hindi pa matutuldukan ang isyu na ito. Baka nga hanggang umabot sa halalan mismo ay bigla na lang ulit bubulusok ang balitang ito na magpapaikot na naman ng mata ng tao.

Nyeta. Tama na nga ang sarwela. Kung apela, bigyan kagad ng sagot! Nakakapika rin eh. Papalituhin lang ang mga tao sa mga pagpipilian nila para sa 2016 presidential elections.


Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!