Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Sunday, April 10, 2016

Disinterested

4/10/2016 1:50:05 PM

Isa sa mga nakapagtatakang pangyayari ngayong araw: aba, may laban pala si Pacquiao?

theguardian.com
Oo, meron. At nanalo nga siya via unanimous decsion. Gulat ka no? Ako rin eh.

Pero isantabi nga natin ang congratulatory marks natin sa pambasang kamao. Magpakatotoo nga tayo: nagkaroon ba talaga tayo ng pakialam sa katotohanang may laban siya ngayong umaga kontra Timothy Bradley? Yung totoo?

Wala raw media coverage. Wala raw hype.

Dyan tayo nagkamali. In fact, merong mga balita ukol sa preparasyon ng magkabilang kampo. Pinipili niyong kasing patulan ang mga balita sa AlDub, ang awayang Cristine Reyes at Vivian Velez, at iba pang mababaw na usapan sa showbiz.

Nasapawan rin kasi ito ng usaping pulitika, lalo na’t umiinit ang kaganapan rito. 

Okay sana. Kaso pati ultimong ang asarang-parang-away-bata-lang ng mga pulitikong tumatakbo ngayong eleksyon, ginawang national item ng media.

Tangina naman oh.

At tingin ko, nasapawan rin ito ng mga malalakihang kaganapan sa mundo ng palakasan (Filipino term for sports, pre; hindi yung ugaling Pinoy backer). 

Siyempre, mas pag-uusapan ba naman ng mga sports fans ang bigating labanan at ang biglaang resulta noon sa UFC sa pagitan nila Jose Aldo at Conor McGregor. Gayun din naman ang pamamayagpag ng Golden State Warriors sa NBA ngayong season. Ultimo ang disgusto ng Internet Wrestling Community kay Roman Reigns, ang pagkatalo ni Ronda Rousey sa UFC, at kung anu-ano pa.

Maliban dun, ano pa bang interes ng tao kay Pacquiao? Ah, yung kumalat na video ukol sa kanyang paniniwala sa same sex marriage. 

Ahh. Masahol pala sa hayop ha? Ayan tuloy napala mo. Nabawasan ka ng mga supporter, realidad man o sa Twitter.

Ngunit sa kabilang banda, tarantado rin kasi ang mainstream media eh. Biktima rin si Pacman ng video splicing. Pinerahan ang isang kasabihan na sa totoo lang ay mali na nga ng pagsagot sa konteksto. Hindi na dapat ito naging isang malaking isyu kung dinokumento lang talaga ng tama ang mga panayam. Marami pa naman silang nauuto.

Kaya ano ang resulta ng pagiging “I’m not interested” ng karamihan sa labanang ito? Ayun, matraffic lang naman sa kalsada. May krimeng nagaganap. Marami pa ring tao ang nasa kalsada. Marami pa ring mga usapang kababawan -- maliban na lamang kung mas interesado ka sa gaganaping Vice Presidential Debate -- ang umeere sa social media.

In short, walang bago.

Kaya noong nanalo si Pacquiao, wala ring bago at all. Of course, may magko-congrats sa kanya at wala namang masama dun unless sasabihin mong “proud to be Pinoy” ka. Tado. Hindi for Pinoy pride ang laban ng isang professional boxer. Para ito sa titulo at pera, at hindi sa medalya na magsasabing ni-represent mo ang Republika ng Pilipinas.

Ang gago kasi ng mainstream media sa pagtataktika nito eh. May isang malaking misconception tuloy ang sport ng professional boxing.

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!