Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Thursday, April 14, 2016

"Sa tingin ba nila gagawa pa kami ng ganun?"

04/14/2016 09:09:37 AM

No to CCTV camera ang mga empleyado ng Bureau of Customs. Pinoportesta nila ang naturang kilos kay commissioner Alberto Lina.

Sinasabi raw kasi na isa sa mga pinakatiwaling ahensya ang Customs. Sabagay, ilang taon na rin pinupuntirya yan. At sa isang ekslusibong ulat ng GMA News, na tila umabot sa -55 ang trust rating nito, hindi na rin kataka-taka.

At pati yung mga kaliwa't kanang alingawngaw ng mga tao sa social media ukol sa pagpataw ng nakakabuwisit na buwis? Hindi na rin nakapagtatataka. Sino ba naman ang hindi mauurat kung malaman mo na mas mahal pa yata sa tunay na halaga ng binili mong imported goods ang buwis na ipapataw sa 'yo?

Aniya, paglabag sa karapatang-pantao raw ang hakbang na ito, ayon sa pangulo ng employees union nito na si Rommel Francisco.


Ayos sana e. May pinupunto ang kuya mo. Bagamat obviously, kaya nga nasa opisina ka para magtrabaho eh. Gagawa ka ba ng kahina-hinala in the first place dun? Siguro kung sobrang higpit na ultimo ang paglagok ng tubig, baka maintindihan pa kita.

Tama si Atty. Burce Rivera dito: public office is a public trust that you should be living modest lives.

At nakakalimot yata kayo na kami mga boss niyo kaya wala kang karapatan na gumawa ng panlalamang. Oo, kahit patapos na ang termino ng kuya PNoy mo, pero dahil isa rin kayong public servant gaya niya, sumunod kayo sa naayon. Sa totoo lang, maseswerte ang mga ahensyang gaya ng nasa Customs eh. Pareho sila ng salary grade sa ahensya gaya ng DSWD, pero ang pinagkaiba, way of life. Ilan sa inyo nakakotse na nga, may baril pa para may ganang manindak kapag may nagmamadali sa highway.

Tama si Kume Lina sa sainabi niyang “Bakit sila natatakot kung wala naman silang ginagawang di karapat-dapat?” Sa tipikal na lohika kasi, matatakot ka kung may kalokohan kang ginawa, which is tama rin nga naman.

Ito pa siguro ang nagpapatunay sa teorya na yan: “Subukan kaya nila itaas ang sahod namin. Ibigay sa aming ang tamang benepisyo. Sa tingin ba nila gagawa pa kami ng ganun?”

Naku po. Hindi ko tuloy alam kung nagkamali lang talaga siya ng salitang ginamit, o sadyang nadulas lang talaga siya? Hindi ko alam kung nataranta lang siya sa harap ng media o sadyang tanga lang talaga siya. Siguro dahil na rin sa mababang trust rating ng SWS, tapos pinuputakte pa sila sa Facebook at Twitter, pati na rin sa mga editoryal ng mainstream media.

Ayos sana ang pinaglalaban mo, hijo. Pero... “sa tingin nila, gagawa PA kami ng ganun?” Baka ang ibig mong sabihin ay “sa tingin ba nila ay gumagawa ba talaga kami ng ganun?” May pagkakaiba, di ba? Ayos sana ang pagtatanggol mo sa mga empleyado kontra sa CCTV movement na yan eh; kaso sumablay sa pahayag mo.

“Gagawa pa kami ng ganun?” So para mo na ring sinabi na may gumagawa talaga ng katiwalian dyan at proud pa kayo na ipangalandakan yun, ano po?

Hindi ka tatanggap ng suhol pag may tamang benepisyo kayong nakukuha at pag tinaasan ang sahod? May punto ka nga naman... kaso tatanggap ka ng suhol porket wala kayong nakukuhang benepisyo?

Aba'y gago pala 'to eh.  Asaan na ang prinispyo ng isang tapat na manggagagawa? Nasaan, aber? At baka naman kahit i-grant yan sa inyo ng management ng BOC, ay gagawa lang kayo lalo ng katarantaduhan? Hindi basta-basta pa naman masasawatan ang isang nakagawian sa opisina, kung tutuusin. Idagdag mo pa dyan ang likas na pagiging abusado ng mga Pinoy.

Hoy, sir, kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Ayos naman, 'oy! Pare-pareho lang tayong nagtratrabaho, tapos manlalamang pa kayo sa kapwa niyo?

Aba'y nakakagago naman yata yan, tsong. 
Matanong ko nga (pahiram, PNoy): "Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?"

REFERNCES:

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!