Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Sunday, October 08, 2023

Alaala Ni Bray Wyatt

10/07/2023 03:43:31 PM

Photo credit: WWE

Oo. Alam ko, lagpas isang buwan na mula nung pumutok ang balitang ito. Pero maliban sa wala akong pakialam sa timing, ay hindi makakaila, bilang isa sa mga taong sumubaybay sa WWE isang dekada na ang lumipas, masakit 'to. 

Di pa nakatulong na nangyari ang biglaang pagkamatay ni Bray Wyatt pagkatapos maibalita ang pagpanaw ng isa batikang hardcore wrestler na si Terry Funk. Ouch. Ang bigat nun para sa komunidad yung linggo na yun ng Agosto 2023. Dalawang mga mala-alamat ba naman ang mawala eh. Napakalungkot.

Para sa mga hindi pa rin nakakaalam, si Bray Wyatt – o Windham Rotunda sa tunay na buhay at minsan pang nakilala bilang miyembro ng Nexus na si Husky Harris – ay isa sa mga tanyag na mga superstar ng World Wrestling Entertainment mula pa noong early 2010s. Nag-debut siya at ang kanyang grupo na The Wyatt Family noong 2013 sa main roster at sila'y naging isa sa mga naging popular na faction, lalo na sa panahong mas umuusbong ang 6-man tag team wrestling matches sa naturang promotion.

At ilang beses din siyang nawala sa WWE. Mas matindi noong naging part siya ng mass releases noong 2021. Imagine a former two-time champion at isa sa mga may pinaka-creative na personalidad sa industriya, pinakawalan mo? Gago, ang sakit nun sa mga tagahanga. Masama pa dyan ay halos ilang kalahating taon din yun mula noong namatay yung dati niyang kasama sa Wyatt Family – si Luke Harper, o mas kilala naman na sa huling stint niya na Brodie Lee sa All Elite Wrestling.

Maliban sa pakikipagdigma sa kalusugang mentalidad, masaklap pa na sa kalagitnaan ng pagbalik niya muli sa WWE nitong taon ay natrigger ng COVID ang kundisyon ng kanyang puso. At noong naghahanda na siya sa kanyang pagbabalik matapos maibalita na bumuti ang kanyang lagay, bigla naman siyang inatake sa puso. 

Siguro, ang pinakamaihahambing sa mga pangyayari na 'to ay gaya nung biglaang pagkamatay ni eddie Guerrero noong 2007. As in napaka-emosyonal, so sudden talaga. Although isa lang 'to sa mga nakalulungkot na balita ng kamatayan na naganap sa isang buwan matapos ang pandemya. 

Grabe lang. Definitely, maraming mga alaala at makakamiss dito, mula sa unang match nya sa pay-per-view sa ganong character – as in ring of fire yun kalaban si Kane, tapos ang rivalry niya with John Cena, Dean Ambrose, Daniel Bryan, Roman Reigns at ultimo Seth Rollins. Tapos yung grupo niya noong 2014, tangina ang tindi ng rivalry na yun with The Shield kahit panandalian lang.

Not to mention, yung ibang antas ng kung anuman ang kapabilidad niya. Napaka eh, as in daming inspirasyon mula sa pagiging lider ng kilto hanggang sa mala-Mr. Rogers na talk show host at pagiging malademonyong payaso at the same time. Mula sa Eater of Worlds hanggang sa New Face of Fear hanggang sa Fiend. Not to mention, yung program nila ni Matt Hardy na mula rivals na naging tag team. Ang lupit nun, sa sobrang lupit, di kinaya ng WWE kaya inisplit sila kalaunan at nasaktuhan pa sa panahon na injured pa. Yung entrance music nga niya naging paborito ko rin for a time nun (sabagay, sa wrestling din ako nakakakuha ng ibang choice ko sa music). Matindi ang effort niya sa character at gimmick. Sayang nga lang ay hindi siya nagkaroon ng mas matindi pang long-term impact dahil sa jeskeng booking ng WWE.

Oh well. Rest in Power.


Author: slickmaster | © 2023 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!