Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

Monday, December 31, 2012

No New Year’s Resolution.


New Year’s Resolution?! Uso pa ba iyun?

Uso yan, kung ikaw ay estudyante ka pa lang sa elementarya, tulad namin noon. Kapag unang araw ng klase sa buwan ng enero nun, ang panuto ng adviser-slash-homeroom titser namin ay “get one whole sheet of paper, and write your new year’s resolution.”

Patay. Ako pa naman nun e speechless pagdating s mga new year’s resolution. E kung sa wala maisip e. besides, ano bang babaguhin ko sa sarili nun? Maliban pa sa matinong bata namana ko nung mga araw na iyun (pero average student nga lang)? Tsk.

Sunday, December 30, 2012

For Ligaw's Sake?


Panliligaw? Uso pa ba iyun?

Sa totoo lang, nagbago ang pananaw ko ukol sa bagay na ito. Ang pagkakaalam ko lang e para kang isang produkto at binebenta mo ang sarili mo para maakit siya at mahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ihinahakbang mo ang iyong best foot pa-forward, ika nga. Yung tipong palapit sa kanya. Kung kelangan mo na gumastos ng pera at panahon, mag-effort mula bahay mo papunta sa bahay niya, o ultimo magpapansin sa text at Facebook, basta para lang makuha ang atenmsyon niya, gagawin mo. Oo ganun nga. Gagawin mo.

Ganun? LECHE! Tigilan na natin ito.

Thursday, December 27, 2012

Inside the mind of a straight-forward guy.

Sa panahon na marami na ang abusadong nilalang sa kanilang mababait na kapwa, mga tulad ko na lang yata ang tanging makakatapat sa mga ito. Oo…

“’di bale nang masungit o suplado, kesa naman sa laging inaabuso o naaagrabyado.”

Parang mas okay pa ang maging prangkang nilalang, straightforward, maangas na kala mo ay isang siga kesa sa pagiging anghel palagi (yung tipong “hindi makabasag-pinggan” ba),  o kung sa mata ng mga romantiko e “gentleman,” at underdog ang effect. At by the way, hindi ito usapin ng pagkakaroon ng “pleasing personality,” ha? Iba yun.

Bakit kanyo? Simple lang.

Wednesday, December 26, 2012

Patutsada


Isang balik-tanaw sa ilang mga kaganapan ngayong taon ng 2012. Dito nasukat kung gaano katinidi ang isang salita na binitiwan sa live national television at kung gaano katalino at ka-insensitive ang mga taong nag-a la usisero sa mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter.

Sa kasagsagan ng kontrobersiya na kinabibilangan football team ng ating bansa na kung tawagin ay ang mga Philippine Azkals, isa sa maiinit na salitang umusbong at nagtrending ay ang patutsada ng brodkaster na si Arnold Clavio.

How POGI POINTS Changed My Life

12/25/2012 07:00 PM

(Alternate title: "Book Review: Stanley Chi's POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good")

DISCLAIMER: This blog is not directly promoting the book of Stanley Chi which is entitled POGI POINTS the not-so-gentleman’s guide to looking good. The write-up actually is just a way of expressing the author’s great (as in super great) impact infused and influenced by the said book, just as similar to those “testimonial” remarks on advertisements and commercials.

Aminado ako na lately lang ako nahilig sa pagbabasa ng libro, at ang kadalsang tema na trip ko ay ang mga may halong kwela at may kaatorya-toryang mga nilalaman (o kung tawagin ay ang “may sense”), mula sa mga maiinit na pahayg ni Lourd de Veyra hanggang sa mga pagsagot ni Ramon Bautista sa mga tanong sa kanyang Formspring.

Ni hindi ko nga alam kung sino ba itong si Stanley Chi na ito e hanggang sa minsan napa-akyat ako sa stage sa isang book launch ni Ramon Bautista para sa isang patimpalak nun na sad to say e nanalo ako (pero siyempre, joke lang yun),

Hanggang sa inanunsyo niya pagkatapos ng event nay un na may book launch siya, at ang kanyang pinakalatest na akda? Ay ang POGI POINTS.

Teka, ano nga ba itong POGI POINTS na ito?

Nakakabato.


Teka nga, teka nga… *handclap* Pusong bato ba o sadyang nakakabato lang ang kantang ito?

At teka ulit, bakit nga ba ulit nauso ang kantang ito? Ang daming matitinong musika sa lokal na kultura natin? Pero… pusong bato?

Ano ‘to? Maraming nagiging emotero sa panahon ngayon? Yan kasi dala ng panunood n’yo ng mga telenobela.

Manhid lang ba, o sadyang nakakabadtrip na lang nag paglipana ng ganyang kanta? Ay, ewan.

Monday, December 24, 2012

PAALALA SA MGA INAANAK.

12/24/2012, 05:34 p.m.

“Paalala sa mga inaanak, HINDI PO KAMI NAGTATAE NG PERA AT NG ANUMANG MATERYAL NA BAGAY. Mag-ipon kayo ng karunungan, mag-aral ng mabuti at tigil-tigilan ang pakikipaglandian at ultimo ang pagiging ambisyosa’t ambisyoso na maka-iskor ng mga bagay na tulad ng iPad at mamahaling cellphone mula sa amin. Ang hirap na nga mamuhay, magpapaka-sosyal pa kayo d’yan!”

Una ko itong ipinaskil bilang isa sa aking hindi mabilang na mga status sa Facebook. Pero itutuloy ko na ito bilang isa sa aking natatanging blog post ngayon Pasko.

Hindi sa pambabasag ng trip o sa pagiging “scrooge”, ha? (kasi malamang, kapos sa pag-unawa lang ang magsasabi ng mga yun) Alam ko, namuhay rin ako sa panahon na nakakatanggap ako ng magagarbong laruan noong bata pa ako. Ang pera, makukunsidera pa.

I Miss You LANG t’wing darating ang Christmas?


Warning: This may be an anti-romantic post. Strong Parental Guidance is advised for superficial and fool-minded readers. Read before you react.

Music, please!

(song playing) “Ang Disymebre ko ay malungkot…”

Ayun, hindi ko na alam kung ano ang kasunod ng kantang iyan. Pero kung hindi ako nagkakamali, ang pamagat ng kantang iyan ay “Miss Kita Kung Christmas.”

Does the world really need LOVE?


Sarap lang minsan makinig ng lumang kanta, lalo na papalapit na ang pasko, parang itong mga kataga mula sa Jackson 5 na “Give Love on Christmas Day.”

“But the world needs is love, yes the world needs your love…”

Isang tanong na napakadaling sagutin, pero mahirap ding patunayan (sa madaling salita, KUMPLIKADO pa rin). Kailangan ba talaga ng PAG-IBIG sa mundong ito?

Parang mas naiisip ko pa na ang pinakahiling ng karamihan sa mundo, maliban pa sa mga bonggang-bagong mga imbensyon, ay ang kapayapaan. Ika nga, What is my wish for Christmas… is world peace.

Pero… Pag-ibig? Kailangan ba talaga natin niyan?

Tuesday, December 18, 2012

The end? WEH.


Sinasabi na sa Disyembre 21, 2012 magkakaroon ng mala-apokaliptong kaganapan sa mundo. Kung iba ang tatanungin, magugunaw daw ang mundo.

Hmmm.... ano na namang kabalbalan ito?

Kabalbalan ba kamo? May mga patunay raw, na base sa siyensa at relihiyon.

Tuesday, December 11, 2012

Bentahan. (Everyone’s A Salesman)


Tama nga ang sabi sa akin ng trainor ko sa sales department ng isang kumpanya… na bawat isa sa atin ay involved sa kada transaksyon na may kinalaman sa slaes. Ke tayo man ang nagbebenta o tayo ang binebentahan.

E teka, ‘di ba laging may kalakip na halaga ng salapi ang usapang sales?

Just My Opinion: Mocks, Bashes, and Reactions - featuring Justin Bieber, Manny Pacquiao, and the Raging Netizens

12:03 p.m., 12/11/2012

I'm not surprised if some of the kids nowadays would disrespect people whom were known as "legends" at present time.

Take the case of Justin Bieber's bunch of memes for an example.

My pick #10 – Mash-up: Gangnam Style/2 Legit 2 Quit

Well, last month over at the American Music Awards, this was the hell of the moment. One Black American Hip-hop artist in the late 80s-slash-early90s and one rapper from the known Asian country named South Korea collaborated for an epic ending.

Monday, December 10, 2012

OLATS!

12/10/2012 10:54 AM

Si Manny Pacquiao ay ang tinaguriang “Fighter of the Decade,” pero sa pagkakataong ito, baka siya rin ang magmay-ari ng tinatawag na “shocking upset of 2012” sa larangan ng boxing.

Sa kauna-unahang pagkakaton sa nakalipas na isang dekada, nakatikim ng isang matinding knock out loss ang Pambansang Kamao sa kamay ng kanyang matinding karibal na si Juan Manuel Marquez.
At sa malamang shocking talaga ang upset na ito dahil sa... una, ang isa sa mga tinaguraing pound-for-pound fighter  sa kasaysayan ng boxing, ang minsan na may hawak ng 8 titulo ng kampeonato (bagay na siya lang ang nakapagtala), ang tinaguriang “Mexicutioner” nang dahil sa ilang boksingero mula sa bansang Mexico ang kanyang naipatumba na sa lona, isang lehitimong hall-of-famer na sa nasabing larangan... mana-knocked out na lang?

Saturday, December 08, 2012

Controversial the fourth time around?


Sa pang-apat na pagkakaton sa kasaysayan ng boxing, dalawang mama na naman ang makikipagtunggalian sa isa’t isa. Isang parte na naman ng epiko ito dahil sa, as usual na rivalry sa pagitan ng bansang Pilipinas at Mexico – ang labananang Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez 4.

At sa halos lahat ng mga karibal ni Pacman sa boxing rin, ito ang isa sa mga pinakamatimbang sa lahat – dahil ito ay laging nagiging parte ng maiinit na balita. Oo, kontorbersyal nga.

Pero bakit nga ba naging ganun?

Sunday, December 02, 2012

IGMG.


Hindi sa pagiging suplado at perfectionista ha?

Sa panahon ngayon na nag-uumapaw na ang mga bagay na nagbibigay kaalaman sa halos bawat tao, wala na yata tayong excuse na maging mangmang o ignorante pa. Halos accessible na kasi para sa sinuman ang internet, napadali na ang mga gawain natin sa buhay nang dahil dito lalo na sa panahon na kailangan mong pag-aralan ang iilang mga bagay-bagay, mula sa makalumang desktop hanggang sa mga magagarbong laptop, at ultimo sa isa sa mga paboritong hawakan ng tao – ang cellphone, pwede ka nang mag-internet.

Maliban sa mga nabanggit, andyan pa rin ang mga diksyunaryo, iba’t ibang klase ng libro, plaka (o CDs), Encarta kung uso pa ba iyan sa PC mo, at iba pa.

Kaya ano pa ang excuse mo para magtanong at magtanong ng mga… well, tanong? Lalo na kung…

Una, andun na yung sagot? (maliban na lang kung mahina ang kukote mo pagdating sa pag-intindi)

Pangalawa, kung ayaw mong maniwala sa mga sagot ng kausap mo?

At pangatlo, kung tamad ka na mag-search sa internet? Oo nga naman, ano. May Yahoo! na nga, Google, ASK.com, Wikipedia, at kung anu-ano pa ang mga website na pwedeng makasagot sa mga tanong na nakapaloob sa mga takdang-aralin mo. (Wag kasi atupagin ang social networking at pornography web sites kung dapat may mahalaga ka pang gagawin.)

Wednesday, November 28, 2012

Filipinos - The Very Emotional Ones?!


Kamakailanlang ay naglabas ang isang research study na Gallup, at lumabas na ang Pilipinas ay ang pinaka-emosyonal na lipunan sa buong mundo.

Una ko itong napansin noong pinaskil ng isang istasyon ng radio ang isang wall photo sa kanilang Facebook page na naglalarawan ng ganitong balita. Habang inulat na rin ito sa ilang mga palabas sa telebisyon.
Ayon sa panayam ng ANC’s Dateline Philippines sa isang psychologist na si Dr. Randy Dellosa, mayroon daw tinatwag na “teleserye mentality” ang mga Pinoy.
"Meron tayong teleserye mentality e na dapat palaging may drama, palaging may nangyayari, kasi nagiging boring yung show ng buhay natin." - Dr. Randy Dellosa
Base naman sa For Your Information segment ng November 27, 2012 episode ng Reaksyon kasama si Luchi Cruz-Valdes, may kasama rin itong posibong epekto, tulad ng naiulat sa website na upi.com.

Ayon sa naturang website, sinuri ang limang positibo at negatibong emosyon na kadalasan na nararamdaman ng tao noong nakaraang araw. Kung nakapagpahinga ba sila ng maayos, nakakangiti ba sila, naisestress sa trabaho, nag-aalala, nakakagawa ng mga bagay na nakakapgbigay ng interes sa kanila, at iba pa.

Sa kabilang banda, ang bansang Singapore ay tinaguiang most emotionless country dahil sa mababa nitong rating na 36% sa lahat ng 151 na bansa na sinuri ng natuerang US-based na kumpanya.

Bakit tayo ang pinakamataas? Nakakuha kasi tayo ng 60% rating e.

Tuesday, November 27, 2012

Inside The Pages: Ramon Bautista’s "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?"

11/27/2012 10:08 AM

balat14.blogspot.com
Isa sa mga bagong libro na panay magkahalong komikal at realidad ang tema ay ang isang babasahin na may kinalaman sa… well, payo sa buhay lalo na sa mga suliranin sa pag-ibig. Ang akda ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

Well, matanong talaga ang librong ito. As in maraming tanong at sagot ang tinalakay dito mula sa kung bakit hindi ka crush ng crush mo (oo, yung eksaktong pamagat mismo); kung paano mo sasabihin sa magulang mo na bagsak ka sa studies mo; bakit ayaw na ayaw ni Monra ang LDR o kung tawagin ay Long Distance Relationship; kung bakit ka dapat maging proud kahit NBSB (o No Boyfriend Since Birth) ka; paano magmumove on sa mga sitwasyon na may nahuli ka na may ka-kerngkeng siya na iba o kahit ultimo ang na-friendzone ka; at kung anu-ano pa.

Ang halos lahat ng nilalaman ng librong “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?” ay ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa formspring account ni Ramon Bautista mismo. Tanong ng kung sinu-sino, sinasagot niya sa paraan na alam niya, ke may natutunan ang sinumang magbabasa niyan o katuwaan lamang.

Dito mo rin makikita ang komprehensibong kahulugan ng mga terminong ginagamit ni RB sa kanyang palabas sa internet na “Tales From The Friend Zone.” Kung ano ang mga pananaw niya na nais ilahad sa sinumang magbabasa ng librong ito.

Maliban pa diyan ay may notebook pa ito na libre.

Saturday, November 24, 2012

Friendzone

11/24/2012 12:44 AM 

Friendzone. 


Isa sa mga nausong salita ngayong taon. Una itong lumabas sa palabas ng MTV, pero mas pumatok ito sa mga Pinoy noong ipinakilala ito sa lengwaheng local ni Ramon Bautista.

www.mtv.com
Teka, bakit nga ba naging minsan ay trending ito? At ano ba ang ibig sabihin nito?

Just My Opinion: Teen Pregnant Dolls on the loose?


Isang pasada lang sa isa sa mga naglabasang balita nitong mga nakaraang araw lang. Bagay na naka-agaw ng atensyon ko noong nakikinig ako sa isang programa sa isang istasyon ng radio nitong Biyernes ng umaga lamang.

Thursday, November 22, 2012

Thanksgiving day sa Pinas?!


Isang maikling patutsada lang po, ano?

Thanksgiving day. Isa sa mga pinakainaalalang mga holiday sa Estados Unidos. Ipinagdiriwang ito sa ika-apat na huwebes ng buwan ng Nobyembre. Sa kasalukuyang taon, ito ay tinakda sa a-22 ng Nobyembre.
Nagsimula ito sa panahon ni Henry VIII. Ito AT sa US naman, naging kaugalian na nila ang araw na ito mula pa noong 1621.

Kung paniniwalaan ang Wikipedia, ito ay ang araw ng pasasalamat sa kanilang mga relihiyosong aktibidades.

Una ko lang ito napapansin sa kada coverage ng NBA game sa cable namin. Sabagay, tradisyon nay an para sa kanila.

Pero... thanksgiving sa ‘Pinas? What?!

Wednesday, November 21, 2012

10 Signs of an EPAL-ITIKO (As Seen on T3’s ANLABO!)

11/21/2012 8:50 PM

 Ang blog na ito ay may halaw na mga konspeto at konteksto mula sa isang Anlabo segment na umere sa Nobyembre 5, 2012 na episode ng palabas na T3 sa TV5.

Nalalapit na ang eleksyon, dumarami na naman ang mga manliligaw sa bawat puso at isipan ng bawat botante. Pero, ang iilan naman sa mga ito ay tila walang delikadesa. Parang hindi yata nabasa ng mga ito ang tinatawag na Omnibus Election Code o hindi sila aware kung kelan ang campaigning period o ang panahon para pormal na magpakilala sa kanilang mga liligawan.

Kung si Mr. BITAG Ben Tulfo ang susundin, narito ang sampung bagong gimik ng mga epalitiko na nakunan ng palabas na T3.

Well, ano ang 10 tips na ito para maisapatan ang pulitko. As in ispatan lamang ang 10 bagay na... well, bagong gimik nila.

KKK (Kapabayaan, Kamangmangan, at Katangahan)

11/21/2012 01:20 AM 

Tama si dating Land Transportation Office (LTO) chief Alberto Suansing na 3 bagay ang kailangan ng tao para makaiwas sa mga sakuna sa kalye, lalo na yung mga sumasakay at nagmamaneho ng motorsiklo. Anu-ano ang mga ito? Disiplina, respeto at kurtesiya (o courtesy). 

Kung sa news item na binalita ni Shalala yan sa kanyang programa na Todo Bigay noong madaling araw ng Miyerkules, a-21 ng Nobyembre, taong 2012, ito ay pag-iwas sa Kapabayaan, Kamangmangan at Katangahan.

Tunog Katipunan a la “KKK” ba?

Monday, November 19, 2012

My PICK #8 - AMALAYER STYLE.

Here’s something that I spotted over the week, and… yes, at the height of that scandalous moment where a young lady was caught in the act by an allegedly a citizen journalist humiliating a lady guard.

More than a video that gave her 60 seconds of fame (or shame). Here’s a mash-up parody track made by a certain DJBrianCua of the music streaming website SoundCloud.

Silang mga KENKOY.

11/19/2012 09:57 AM
“Hoy, hoy, hoy! Mister Kenkoy, bakit ka nangangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy kenkoy!”
Ang nasabing linya ay halaw mula sa (circa) 1976 na kanta ni Mike Hanopol - ang “Mr. Kenkoy.” Lumabas ito sa kanyang iba’t ibang mga compilation of hits album.
Isang kanta na sumasalamin sa kabulukan ng isang tao sa kanyang lipunang ginagalawan. Halaw sa impluwensya ng isang komikal na tauhan sa pahayagan ang salitang “Kenkoy.”

Thursday, November 15, 2012

Lessons From The AMALAYER Shit.

11/15/2012 09:26 AM 

Hindi na bago ang mga ganitong klaseng insidente sa internet ngayon. Nagsilabasan ang mga tao na malalakas manghusga sa kani-kanilang kapwa na akala mo ay walang pinagkaiba sa kanilang pinaggagagawa.

And not to mention, isa na naman ito sa mga pauso ngayong taon na walang kaatorya-torya. Mga tipong nakakabobo ba.

Ito ang mga aral na dapat matutunan ng sinuman, hindi lang ng nakastigo ng mga netizens sa pangalan ni Paula Jamie Salvosa, ang lady security guard ng Light Rail Transit Line 2 Santolan Station na si Sharon Mae Casinas, ng video uploader na si Grgory Paulo Llamoso at ng lahat ng netizens na pumatol at pumanig sa kung saan-saan. Na…

Sunday, November 11, 2012

Ang Mga Kaso Kung Bakit Hindi Ko Nakuha Agad Ang Aking NBI Clearance

11/11/2012, 10:35 a.m.

Babala: ang lahat ng mga mababanggit sa blog na ito, ke korni man o hindi, ay pawang katatawananat kalokohan lamang. ‘Wag niyo po masyadong seryosohin ito dahil baka tumanda ka masyado niyan. Ika nga ni Jerry Olea ng Abante, Jokes lang po.

Halos patapos na ako sa aking mga transaksyon noong isang araw habang pumipila ako para makakuha ng sariling National Bureau of Investigation clearance. Hanggang sa nalaman ko ang isang kasuklam-suklam na bagay… may HIT na ako.

Nanlamig ang kalamnan ko dahil sa nangyari. Hala! Ano na naman ba ang kasalanan ko sa hukuman ng bansang ito? Ang tino-tino ko na ngang mamamayan e.

Paranoid ba? Mukha lang, kaya napaisip tuloy ako kung ano man ang nagawa kong pagkakasala, maliban pa sa mainitang komprontasyon sa kung sinu-sino lang sa internet, o minsan binabangga ko ang mga umaastang siga sa amin, lalo na sa kalye ng bahay na kinalulugaran ko, o ultimo ang paninindak sa mga mahihilig sumingit sa pila.

Pero dalawang linggo mula noong nalaman kong may HIT ako sa NBI, nalaman ko na no record on file na ako. Hay, salamat!

Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko ilalahad ang aking mga nagawang kalokohan. Siguro kung magiging batas at kaso ang mga ito, good bye to being blogger na ako, at malamang baliw na ang mundo kapag nangyari nga ito (Yikes! Kaya ipanalangin mo na lang na "huwag naman sana"):

Saturday, November 10, 2012

For “High-Quality Entertainment” Sakes?


Isang gabi habang bumibili ako ng tinapay sa kalapit na bakery, narinig ko ang isang DJ na nagsasalita sa kanyang palatuntunan sa radyo. At ang mga katagang iyun ay agad naka-agaw ng pansin as akin habang inaatay kong matusta ang pan de sal na inorder ko.

“…aba, malamang. Dapat lang na makinig ka sa akin no? Kami lang kasi dito ang nagbibigay ng “high-quality entertainment.” That’s why we’re here.” May matching pa na sound effect yan ng mga taong tumatawa, kaya lang hindi ko alam kung tawa ba talaga yun o napilitan lang.

Oops! Teka lang.  Tama ba narinig ko? Para magbigay ng “high-quality entertainment?”

Thursday, November 08, 2012

NU 107 After 2 Years…

11/08/2012, 12:27 PM



Hindi ako isang masugid na tagahanga ng istasyong ito. Minsan lang ako kung makinig sa kanila, pero maliban kasi sa mga website na tulad ng YouTube, ito ang pinakaprimerong source ng rock music para sa karamihan ng mga Pinoy eh. Of course, maliban pa ‘to sa pag-attend ng mga gig ng mga banda sa underground man, o opisyal na concert.

Pero ang bilis ng panahon, ‘no? Dalawang taon na pala ang nakalilipas mula noong pormal na nagpaalam na sa himpapawid ng FM radio ang tinawag nilang “Home of NU Rock” – ang NU 107. Naalala ko pa nga ang mga hindi mawaring pakiramdam noon, lalo na sa parte nila na likas ang pagiging rakista sa sariling karapatan, na ang isa sa mga pinakasandigan nila sa musika ay mawawala na lamang matapos ang 23 taon na pamamayagpag.

Ilang mga personalidad ang nagsalita, mula sa mga dating nakasama bilang mga DJs, mga kilala sa larangan ng pakikipagrakrakan, at kahit ultimo ang mga DJs mula sa ibang istasyon na nakikinig din pala sa kanila. Mga kasama sa hanapbuhay ba.

Tuesday, November 06, 2012

SPG Overload



Ang nilalalaman ng blog na ito ay ayon sa pagkakaintindi ng awtor lamang. Ito ay rated SPG Istriktong Pag-intindi at Gabay ng nakatatanda (kung talagang kailangan), ay kinakailangan, lalo na’t ito ay naglalaman ng mga tema at lengwahe na hindi angkop sa mga immature na mambabasa.

Minsan habang nagmamasid ako sa mga post na pwede kong makipag-interact sa aking news feed sa Facebook, ay naka-agaw ng pansin as akin ang status ng isa sa aking mga college friend. Aniya, ang mga nira-rant niya ay ang sobra-sobrang pagkakaroon ng mga programa na rated SPG sa programming ng isang istasyon ng telebisyon. Mula daw hapon hanggang gabi, panay ganitong mga klaseng programa na lang daw ang umeere sa nasabing TV station.

Hmm… ganun? Teka, ano nga ba ang ibig sabihin ng rated SPG na ito?

Monday, November 05, 2012

Sila-sila Na Lang!

11/05/2012, 10:50 AM

 “Sila sila na lang!” Yan ang litanya ng magulang ko, at pati na rin ng ilang mga mamamayan na maalam sa mga maiinit na balita ukol sa magaganap na Midterm Elections sa Mayo 13, 2013.

Ano ba yan? Parang sila na lang ang magkakalaban at magkakapartido sa darating na halalan ha?

Oo nga e. Sino o sinu-sino ba ang mag-aakala sa ganito? Ang tatakbong mayor ay anak ni congressman? Yung asawa ni mayor, kakalabanin naman ang kabilang partido na tatakbo naming congessman? O gobernador, city councilor? Palibhasa may pangalan at kamag-anak na sa nasabing larangan e.

Pero matagal na kaya ang isyu ng political dynasty sa bansa. Oo, since time in memorial, p’re’t mare. Usong-uso na mula sa mga lungsod, at mas talamak pa nga ito sa mga probinsya. May mga pagkakataon pa nga na minsan, kung sino pa ang magkakadugo, sila pa ang magkakatunggali. E alam mo naman ang kalakaran d’yan. Sa ngalan ng kapangyarihan, may mga tao talaga na hahamakin ang lahat, makuha ang puwestong hinahangad.

At teka, ang pagkakaalam ko ay may tinakdang alintuntunin sa ating saligang batas na nagbabawal sa ganyan ha? Ika nga…

Thursday, November 01, 2012

Hindi Porket Single Ay Mahilig Na Mag-GM.

10/21/2012 09:25 AM

Minsan, hindi ko na rin pinaniniwalaan ang bagay na naglalarawan sa mga tipo ng tao base sa kung gaano ito maglahad gamit ang kanyang mga cellphone. Ayon sa mga nababasa ko, mga single daw ay mahihilig mag-send ng group message, at ang pinakamadalang daw na magtext ay mga taong taken o in a relationship. Maliban diyan, mga walang load o sadyang anti-social lang ang trip.


Ah, ganun? Parang isang kaso na naman ito ng maling panghuhusga sa pangkalahatan.

Wednesday, October 31, 2012

Kung Mamamatay Ka Bukas, Bakit Hindi Pa Ngayon?

10/31/2012 03:07 PM

Aminin mo, tunog misleading ang linyang iyan sa iyo ‘no?

Oo nga naman kasi. Parang gusto mo naman yata mamatay ang taong masasabihan mo niyan. Ayos lang sana kung sa biruan mo gamitin yan. E paano kung, kaaway mo ang pinagsasabihan mo niyan. Baka makasuhan ka pa ng grave threat niyan sa sama ng dating ng mga saltiang iyan.

Una kong narinig ito sa isa sa mga bars ng rapper na si Shehyee sa isang laban niya sa rap battle league na FlipTop noong 2010.

“Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?”

You Only Live Once.


You only live once, ika nga ng acronym na YOLO, isa sa mga naging trending na salita sa taong ito. Pero hindi ito usapin ng isang pausong nakakabobo. Parang kahit papaano pa nga ang mga ganitong kataga kesa sa mga jeskeng PBB teens, epic fail, o kung ano pa man iyan. Pero minsan nga lang ay annoying ang approach. YOLO?!

As in literal.

Saturday, October 27, 2012

Snappy Answers to Stupid Love Life (and Pormahan) Questions.

10/27/2012 | 11:07 a.m.

Ang blog na ito ay naglalaman ng matitindi o maanghang na salita. Bawal sa mga sensitibong mambabasa.

Ang lovelife nga naman, oh. Isa sa mga pinakamabentang paksa sa usapan ng kada taong nakakasalamuha ko, ke barkada man sa eskwela o kapwa tambay sa kapitbahay. Kapag meron ka nun, tiyak na hahaba ang usapan. At kung wala naman, tiyak na puputaktehin ka ng mga sandamukal na pang-aasar.

Sa totoo lang kahit lately ay ilang beses na rin na naging laman ng mga akda ko ang usapin sa lovelife, ay yun din naman ang tahasan kong iniiwasan na pag-usapan. E paano? Hindi marunong makuntento ang mga ka-talakay ko sa ganyang paksa. Kaya minsan, ito at ang mga ito na lamang ang nabibira ko sa kanila. (P.S. Para sa mga bata at batang-isip diyan, huwag gagayahin ang mga ito, ha?)

Thursday, October 25, 2012

"I Want to Ask You Sana…" (Ang Istorya ng Katorpehan ni Jerry Maya)

10/25/2012 07:47 PM

Mukhang kakaiba naman ang ating tatalakayin ngayon, mga pare’t mare. Kung dati kasi, panay isyung pampulitika’t lipunan ang madalas laman ng tirada ko,  pagbibigyan ko muna ang aking tropa na laging nangungulit sa akin na (as in "please daw,") magtalakay naman ako ng usapin sa pag-ibig. Ang sarap lang kutusan ng mokong na ito. Hahaha!

‘De. Sige pagbigyan na natin, nakakaawa yung bata eh.

Tunghayan naman natin ang istorya ng isang tao na itatago ko sa pangalang Jerry M. Maya tungkol sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig kamakailanlang dahil sa kanyang katorperhan. Ay, yan kasi! At sa totoo lang, bakit ba hihingi pa ng payo sa akin ‘tong lokong ito, e ako nga mismo hindi ko naranasan ang ganyan, ‘no? lakas maka-demand ha? HAHAHA!  Anyway, ang kanyang pag-open up sa pinamagatang “I want to ask you sana.”

Aanhin Mo Pa Ang Rebulto Kung Tarpaulin Naman Na Ang Uso?

10/25/2012 02:31 PM

Usapang “arts” ba, as in classical versus digital? Patay versus buhay? From 3-dimensional to the simplest form made from Photoshop? History versus advertising? Ewan.

Noon, rebulto ang pinakamagandang bagay na magsisilbing larawan ng alaala ng isang tao na may naimambag sa lipunan. Ang istatwa na pinaghihirapan ng mga iskulptor sa pamamagitan ng pag-ukit. Madalas ay gawa ito sa mga matitigas na materyales tulad ng semento, marmol, graba, at tanso. Sa mga pampublikong lugar sila nakikita.

Pero kung sa tingin mo na ang isa nang ganap na perpektong halimbawa sa larangan ng sining ang mga tinatawag na monumento, diyan ka nagkakamali. Iyan din ang akala ko e. Dahil may mga pagkakataon na sa sobrang pagiging mitikuloso ng iilang mga tao ay nagkakaroon tuloy ng maling pagkakaintindihan.

Tuesday, October 23, 2012

The Problem With Over-Romantic Medium and The So-Called Commercial Value.

10/23/2012 | 08:01 PM

Babala: Ang mababasa sa akda na ito ay maaring naglalaman ng ideya o kaisipan na taliwas sa pananaw ng nakararami. Bago mag-react, magbasa muna. At kung may kontrapelong punto, gawin ito sa maayos na pamamaraan. Maraming salamat po.

Maraming bagay ang nagbago sa paglipas ng panahon. Mula sa binabasa hanggang sa napapakinggan at mapa-biswal na mga media. pero dati, may mga matinding distinksyon o genre ang mga ito, mula komedya, drama, horror, aksyon at iba pa. Pero ngayon? Ewan ko.

Anyare? (Isang Tanong Para Sa Mundo Ng Mga Sinungaling)


Minsan ko narinig ang tanong na ito sa isang palabas na tumatalakay sa isyung panlipunan sa legal na pamamaraan. Iku-quote ko lang ang wikang iyun ni Atty. Persida Rueda Acosta (pero hindi sa eksaktong paglalarawan ng salita): “Paano ka makakapamuhay ng tama kung namumuhay ka naman sa mundo ng kasinungalingan?”

Hmm… Paano nga ba? *sabay nakapangalumbaba*

Iyan kasi ang hirap sa panahon ngayon e. Que sa usaping panlipunan man o sa pinakapabortio ng ilan na tsismis sa lovelife, walang katiyakan ang mga pahayag. Parang iyung sinabi lang sa akin ng isa sa mga kaibigan ko na “Si *name of boy*? HMP! Hindi ko nga gusto iyan e!” Pero ‘wag ka, makalipas lang ang ilang oras ay… sila na! PBB teens ba ang peg? At isa pa, ang taong walang habas na umiiyak sa balikat ko dahil hiniwalayan siya ng boyfriend niya. Ang sabi daw sa kanya e “pangako ko, hindi kita iiwan.” Sinampal ko nga nang matauhan ang ale, “Ikaw kasi, nagpapaniwala ka sa damuhong iyun! Ilang beses ka na ngang ginago eh.”

Usapang Grammatika? Ang Labo!

10/23/2012 05:13 PM

(Ang blog na ito ay may halaw ng inspirasyon at konteksto mula sa “Ispokening Inglis” episode ng Word Of the Lourd na unang sumahimpapawid sa TV at YouTube noong Marso 2011)



Monday, October 22, 2012

SMP Na Naman? E Ano Ngayon?

10/21/2012 12:58 PM

ANG HIHILIG KASI MAKIUSO E!


Malapit na ang kapaskuhan. Sa kabila ng climate change, magkakaroon pa rin ng tag-lamig. At ku ng malaming man ang umaga, siyempre, may magpapainit niyan. Dalawang bagay: (1) kape (o pagkain) o (2) pagmamahal kahit akto man lang ng pag-akap mula sa kamag-anak, kaibigan pero preferebally, mula sa kasintahan. At kun g single ka at loveless… well, congratulations and good luck dahil baka pagkamalan kang klasapi niyan ng tinatawag na SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko.

Pero ano nga ba ‘tong SMP na ‘to? Bakit nagkaroon ng acronym na ganito sa modernong bokabularyo ng mga Pinoy?

Saturday, October 20, 2012

Alaala (ng Minsa’y Naging Isang Batang Gala sa Probinsya Kasama ang Mga Tiyahing Nagmamahal)

10/20/2012 01:33 PM


Matagal-tagal rin mula noong huling napadpad ako sa lugar na ito. Ang probinsayng kinalakihan ng erpat ko. Cuyapo, Nueva Ecija, sa may 172 kilometro hilaga mula sa pinakasentro ng buong malaking pulo ng Luzon. Dito ako madalas napapadpad pag pumupunta ako sa bandang Norte, maliban pa sa Isabela, Baguio at Manaoag.

Marami akong alaala bilang isa sa mga bata na laging sinasama ni tatay para asikasuhin ang lupang sinasaka nila ng kanyang mga kapatid. Maliban dun, tuwing piyesta lang ako pumupunta dito. Kapag fiesta sa bayan, o pista ng mga patay.

Friday, October 19, 2012

My pick # 7 – Hindi Mo Nadinig.


Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil at paghihiganti. Iyan ang nakalarawan sa isang kanta ni Aristotle Pollisco, mas kilala bilang si Gloc-9, sa kanyang “Hindi mo Nadinig.” Parte siya sa kasalukuyang album ng nsabing rapper na “Mga Kwneto Ng Makata,” under Universal Records, kasama si Jay Durias na isa sa mga bokalista ng bandang South Border bilang pagpartisipa sa chorus part ng nasabing kanta. Napakabigat lang ng nilalaman. Isipin mo na lang na ikaw yung nsasa sitwasyon na nanligaw ka, nakuha mo siya, naging tapat sa kanya, pero pinagtaksilan ka, at nung nahuli mo sila, bigla na lang sumabog ang anumang akto ng kasakiman at paghihiganti mula sa iyo. Inside the mind of an obsessed lover, ika nga. Round character ang dating.

Jaywalking at Pedestrian Lane.

10/19/2012 04:31 PM



Pedestrian lane. Isang lane sa kalye na nagsisilbing tawiran ng tao. Basic na ito sa klase ng tinatawag na road traffic. Dito ka lang pwedeng dumaan kung ikaw ay isang pedestrian. At kung motorista ka, alam mo na dapat igalang mo pa rin ang nasabing tawiran ng tao.

Pero parang isang masalimuot na usapin ito. Dalawang bagay lang kasi: una, marami rin kasi ang abusado na mahilig tumawid sa mga kalsada na hindi naman pwedeng tawirin, lalo na kung mayroon naming footbridge o overpass diyan. At pangalawa, sa panig naman ng mga drayber, hindi marunong gumalang sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane.

Ngayon, kung may jaywalker ka at sa kabilang banda naman ay meron kang mga humaharurot para lang mabansagang hari ng kalsada, aasahan mo ba na titino ang karamihan ng mga tao sa kung saang mga kalsada ng Metro Manila kung hindi naman marunong na magsiintindi ang mga ito sa mga tinatawag na batas ng lansangan? Ay, oo nga pala. Uso ba para sa kanila iyun, o ni alam ba nila na may mga ganun klaseng alintuntunin na dapat nilang sundin?

Sa isang lipunang malaya na tulad natin, ang batas ang isa sa mga pinakakalaban ng ating sistema. Ayaw ba ng disiplina, o sadyang matitigas lang ang ating ulo… ewan ko.

OVER-DEVELOPMENT KILLS?


Yan ang patunay sa isang kasabihan na “lahat ng sobra ay nakakasama na.” Oo, kahit sa lebel ng mga gusali’t iba pang imprastraktura ang usapan.

Ewan ko lang ha. Pero sa panahon na umuusbong ang kaliwa’t kanang mga proyekto sa Kamaynilaan, mapa-skyscraper man o flyover, parang luamala din ang epekto ng kalamidad ditto. As in, nag level-up din ba, baagy na talaga naming hindi maganda. Nagsulputan na parang kabute ang mga gusali na nilaan apra gawing mga unit ng condo, nagkaroon din ng mga magagandang alternatibong ruta para kahit papaano ay maibsan ang nakakabadtrip na heavy traffic. Pero dahil sa mga tulad ni Ondoy noong 2009 at noong Agosto, ang isang simpleng sama ng panahon na kung tawagin ay Habagat, tila na-negate nito ang mga pagusbong ng mukha sa Metro Manila. Saklap.

Kaya minsa, naisip ko, deklikado nga pala ang pagiging labis na developed ang isang lugar. Sabagay, sa nasabing termino nga naman na “labis,” e matik na masama na rin e, kahit gaano pa kaganda ang layunin.

No More "The Best Music on the Planet?" The Quest On The Next Brand Under The 99.5 FM dial.

I know, I know. I am not even at the middle level of being an avid listener of this station. I don’t even know what made me wrote this piece. But being a radio gaga kid for almost half of my life, it saddens to hear goodbye on the station that you patronized even at least once upon a time. And all I know is that 99.5 RT was one of the stations I have turned into when I lived once at province (Yes, I heard them clearly even if I’m 70 kilometers away up North-Northeast from Luneta)

I never saw it coming until a disc jockey named Inka posted something on her Facebook account, encouraging everyone in her network to listen on her show the RT 30 countdown for one last time this coming Friday, October 19, 2012— Something that drew the ire on side of her listeners that the station 99.5 RT will be leaving once again. And also, drawing questioned thoughts for the ones who patronize the station like “Where will they turn into next?” And “Where can we find the best music on the planet then,” aside from the bounds of YouTube, Soundcloud, internet radio sites and… anywhere else at the World Wide Web?

Many of us think of this one very usual resort question: Another cliché FM station going masa type? Something that is really… (I repeat) really disappointing for the side of the music lovers, radio listeners, and DJ’s fans. Something that Inka denied via her Facebook comment.

Playing on a Throwback Mode: ‘Wag Mo Na Sanang Isipin.

At alam ko, hindi ito pangkaraniwan sa mga tulad ko na ipinanganak sa dekada ’90, at lalong hindi sa mga kahenerasyon ko na umiikot ang plaka at tainga sa mga makabagong tugtugin. Pero anyway…

Balik-tanaw sa dekada ’80. Panahon pa ‘to ng mga matitinding pasabog at kontrobersiya sa pamahalaan, at kasikatan naman ng mga lokal na musika sa kabilang banda. Sa malamang, umusbong na ang kantang ito noong bata pa lang ang mga nakakatandang kapatid ko. Ni hindi ko nga natanong kung kelan nabili ng aking erpat ‘tong 2-part album ni “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano. Basta, ang alam ko lang po ay ito ang isa sa mga naunang paborito ko lalo na noong pinapatugtog to sa CD counterpart ng aming Panasonic Karaoke.

Thursday, October 18, 2012

Walang Masama Sa Pagiging SINGLE

10/18/2012 12:28 AM

Oo nga naman. Walang masama dun. And same goes sa iba pang mga relationship status basta wala kang ginugulong ibang tao. Single man, taken, it’s complicated, o kung ano pa man iyan.

At teka nga: 

Sino bang herodes na nagpauso ng isang maruming kaisipan na laging hilig tirahin ang mga taong pinili ang maging single?

Recovering the Pieces, But Not Anymore For the Dream… (Confessions of a long-time-but-no-more wannabe music disc jockey)

Ang musika ay isa sa mga naging pinakamalaking parte ng buhay ko. Hindi puwede na minsan ay hindi ko bubuksan ang radyo, cassette/cd player, o kahit ang iPod ko para lang makapakinig ng isang kanta sa kada araw na lumilipas. Kaya siguro, naging isa sa mga pinapangarap ko ang maging disc jockey sa radyo.

Kaya hindi puwede sa akin ang isang computer na wala ni headset man lang, o mas malala, hindi pa pala nakainstalled ang audio driver. Hindi rin puwede na wala akong naka-istak na CD o mp3 sa library ko. At minsan pag pinagkait mo sa akin iyan, baka magkamatayan pa tayo niyan (pero loko lang iyun).

Oo, naging pangarap ko nga ang maging DJ. Yun nga lang, mahirap paniwalaan dahil hindi naman ako ganun katalak noong mga panahon na iyun. Basta, ang alam ko, trip ko gawin ang magsalita ukol sa kantang pinapatugotog ko, introduce yun sa ere, and presto. Isama mo na ang ilang plug, spiel at commercial break. At tila pinapraktis ko yan sa harap ng salamin, o sa harap ng PC basta may mikropono at headset na nakasuot at may Windows Media Player, Winamp, Virtual DJ, o ang sinaunang bersyon ng iTunes na nakasalang.

Tuesday, October 16, 2012

TV Review: Public Atorni

10/16/2012 | 11:04 AM

“Asunto o Areglo?”

Ang pinakatanyag na linya pagdating sa mga hearing o mediation na napapanood ko sa isang palabas na tumatalakay sa mga nangyayaring sigalot sa legal na pamamaraan: ang Public Atorni.

Madalas ko mapanood ito dati tuwing Huwebes ng gabi sa isang TV network. Ang pinakauna ay noong estudyante pa ako at nakatambay sa bahay ng kaklase ko bago ako umuwi. Pero dahil nakita ko na isa ito sa mga tila magagandang kalidad na palatuntunan sa panahon ngayon, ayos ito para sa akin. Bagamat lately ay ilang episodes na lamang yata ang nirereplay nila at maraming binago sa mga portion ng pagsasalaysay ng mga kinabibilangan na partido.

Cybercrime Can’t Stop Blogging...


Bago pa man naisulat ng awtor na ito ang naturang blog, naglabas kamakailanlang ang Korte Suprema ng isang Temporary Restraining Order o T.R.O. na nagpapatigil sa pamahalaan sa pag-iimplementa ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 sa loob ng mahigit isangdaan at dalawampung (120) araw. Ang nasabing TRO ay naging epektibo noong Martes, a-9 ng Oktubre, taong 2012, at ang naging tanging pansamanatalang resolusyon base sa 15 petisyon sa SC ng iba’t ibang mga grupo na kumokondena sa cybercrime bill mula noong pinirmahan ito ng Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang Setyembre at tuluyang naimplementa naman noong Martes, Oktubre 2, 2012.

Maraming tao ang nagtatanong sa akin ukol sa isyu ng cybercrime law, lalo na noong nalaman nila na isa akong blogger na panay sa pulitika, opinion at lipunan ang mga madalas na tema ng aking sinusulat o nilalahad. Mula sa mga ka-clan ko sa text, Facebook friends, Twitter followers at kahit yung mga nakaksabay ko sa pag-aapply ng trabaho.

Paano na lang daw ang tulad ko na isang blogger? Dahil sertipikado daw na malalagay sa alangan ang mga tulad ko, amateur man (bagay na kinabibilangan ko) o isang pro.

Monday, October 15, 2012

Girls Versus Boys? Tigilan na natin ito.


Punyemas. Maraming bagay pa ang dapat na pagtalunan. Usapin sa mga nangyayari sa bansa, desisyon sa pamilya, pagresolba sa mga sigalot sa komunidad, utang ng kamag-anak… pero pagdating sa mga suliranin sa relasyon? Kung sino ang manloloko, kung lalake ba o babae? Kung sino ang maarte, madalas nagbibigay-daan? Nagpaparaya? Mang-aagaw? Aba, utang na loob naman. Magsiawat nga kayo, ano po?!

Since time in memorial pa yata ang isyung ito. Hindi na mamatay-matay, lalo na ang dami nang nagiging mapusok sa salitang “pag-ibig,” e hindi rin naman ganap na naiintindihan ang mga bagay-bagay sa isang relasyon. Dapat yata malaman ng mga putok sa buhong ito na sa malamang, maraming pagkakaiba ang lalake at babae, hitsura man o pag-uugali. May mga kanya-kanyang kakayahan sila Adan at Eba. Bagay na hindi kayang gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga lalake at may mga bagay na kayang gawin ng lalake ang mga ginagawa ng babae.

Plastic ban?!

Noong mga nagdaang buwan, inimplementa na ng ilang mga lokal na pamhalaan sa Metro Manila (pati na rin yata sa ibang mga lalawigan sa Pilipinas) ang pagbawal sa paggamit ng isang materyal na nakakasama sa ating kapaligiran. Ang plastik.

May kanya-kanyang gimik na rin ang bawat negosyante, lalo na sa mga supermarket. Hinihikayat nila na gumamit ang mga mamimili ng mga reusable na bag. At naniningil sila ng karagdagang halaga sa kada supot o plastic bag na magagamit. Aniya, gagamitin ang anumang makokolekta sa mga proyekto na may kinalaman sa pagtulong sa naghihingalong Inang Kalikasan.

Playback: MC Dash – "Return of the Phunky Juan"

10/13/2012 08:29 PM

If you think Phunky Juan is so 90s, think again.

Back to the time where the music has that refreshing funkier sound, accompanied by some break-dancing, not-so-vandal-looking graffiti art (yes, there are ones which can be considered appealing as long as it can be painted on a plain, blank, wall for good.), ghetto-looking people giving high-five to each other (and with cassette player on their shoulder?), and... presto!

“Dela Cruz, are you amused?” *screeching sound.*


Yes! Guess Who’s Back?

Wednesday, October 10, 2012

Walang Pera.


Minsan ko napakinggan ito habang namamalengke sa Cruz na Daan sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan. “Masakit tanggapin ang katotohanan: Kung wala kang pera, wala ka ring kaibigan.” Chorus ng kantang “Kanto” ng Siakol, isa sa mga banda na gumawa ng marka sa rock music noong dekada ‘90.

Sa totoo lang, matinding patama ang nasabing linya. Sa panahon kasi ngayon, halos kahit sino ay nagkukumahog na makadiskarte para lang magkaroon ng salapi. At ang ilan, dumarating sa punto na manlalamang sa kapwa.

Ito kasi ang hirap e. Parang wala kang kapangyarihan kung wala kang pera. Hindi ka kilala ng mga kaibigan mo kapag wala kang pera. Buti sana kung may mga ilan dyan na galante na kaya kang sustentuhan sa kada pagkakataon na magkasama kayo, mula sa paggawa ng thesis hanggang sa gimik at inuman (Pasalamat na lang ako at nagkaroon ako ng mga ganun). Parang hindi ka ganap na tao, lalo na sa panahon ngayon na ang suweldo ay bihira lang tumaas pero ang presyo ng mga bilihin ay kadalasang tumataas. Hindi masarap ang buhay kung wala kang datong. Kung wala ka nito, mas kawawa ka pa yata sa pulubi.

Tuesday, October 09, 2012

Ang lente, at silang mga saksi na hindi makaimik.

Ako nga pala si Lorraine, mas kilala sa pangalang Len. Matanda na ‘ko, ‘wag niyo na nga lang tatanungin kung ano ang edad ko. Basta, sa haba ng panahon na nabuhay ako, ilang mga pangyayari na sa buhay ng sinuman ang aking nasaksihan; mga kaganapan na naidokumento ng aking sarili at nag-iisang mata. Mga tunog na narinig gamit ang aking tainga, nai-tala ang mga ito gamit ng aking utak, at naisahimpapawid at ikinalat gamit ang aking bibig.

Sa hinaba-haba ng panahon na naging aktibo ako sa pagdodokumento ng mga bagay-bagay sa ating lipunan at kahit sa buhay ng master kong si Marie, marami na akong napatunayan sa buhay. Marami na akong nakita na hindi mahagip ng mata ng bawat isa sa atin. Mga hindi mailahad kahit sa pahayagan, kahit mapangahas pa sa mata ng kritiko ang manunulat. Mga natatagong lihim at naibaon na sa madilim na lugar na tinatawag na “limot.” Mga bagay na nagpapatotoo pa sa isipan ng ilang mga tsismoso’t tsismosa. Hindi sila naitatapon sa basura nang hindi man lang nasasaksihan ni Marie at nang sinumang malapit sa buhay niya kahit minsan.

Sunday, October 07, 2012

Text-text na lang.

Sa panahon na ang mga modernong pamamaraan ng komunikasyon ay nagsulputan, ito lang yata ang hindi mawawala sa uso. At totoo naman, hindi ito puwedeng mawala sa sirkulasyon. Ang pakikipagtext. Siyempre, mas madali, epektibo, matipid… ano pa ba ang hahanapin mo?

Lalo na sa panahon ngayon na usong-uso ang mga plan sa postpaid, at unlimited services naman sa prepaid. Ultimo ang mensahe sa text, pwede na gawing access sa mga online social networking accounts mo, tulad ng Facebook status messages, tweet sa Twitter, o ultimo chat message sa Yahoo! Messenger.

Anuman ang hindi mo naiintindihan sa tawag niya, maiintindihan sa text. Anuman ang nabibitin sa pakikipagchat sa internet, pwedeng ituloy sa pakikipagtext. At kapag meeting adjourned na ang barkada, “text-text” na lang ang bitaw ng karamihan bago magsipag-alisan.

Pero… “text-text na lang?”

Thursday, October 04, 2012

ALAMAT. (A Fan’s Tribute to Master Rapper)

10/04/2012 12:39 PM

(Photo credits: francismagalona.multiply.com)
Isang alamat na maituturing. Isa sa mga tao na nakapagpabago o humubog ng takbo ng musika sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kanyang mga kanta na nagsasalamin sa iba’t ibang mga tema at mensahe? Nakipagsabayan kila Andrew E at sa mga tulad ng bandang Rivermaya at Yano noong Dekada ’90? Ang nakasama nila Ely Buendia ng Eraserheads, ang bandang Greyhoundz, Si Chito Miranda at ang kanyang Parokya ni Edgar, ang grupong Death Threat na kinabibilangan ng isa sa kanyang mga nagging kaibigan at tagahanga at ngayon, ay sumusunod sa yapak niya na si Gloc-9?

Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Francis Magalona sa indistriya ng musika. Napakalupit lang.

Wednesday, October 03, 2012

MASISISI MO BA SILA?


Ang mga tao sa mga social networking sites, na ang lalakas ng pwersa kahit hindi nagsasalita. Sa isang post o comment lang, kaya na nila banggain ang sinuman. Mga nambubully man, na-caught in the act na kawatan, at kahit ang mga sikat na personalidad. Masisisi mo ba sila kung bakit gan’on na lang ang reaksyon nila sa batas na tila kikitil sa kalayaan nila na maglahad ng anumang naiisip at nararamdaman nila sa internet?

Oo at hindi lang ang posibleng sagot na nakikita ko.

Tuesday, October 02, 2012

The Libel-Prone World.


Hmmm… paano nga ba ang Pinoy kung maisakatuparan ang cyber crime law? Lalo na ang libel provisions nito? Marami man ang magiging palaban sa batas na ito, pero paano nga ba sila hindi aalburoto kung ultimo ang mga eksperto ay nagsasabing sumobra na sa pangil ito. At mantakin mo, ang ilang mga mambabatas ay umamin na parang may mali sa naisabatas na Republic Act 10175? Ke hindi raw na-review ng husto ang mga probisyon sa kasong libelo

Wala nang murahang magaganap. Baka ma-libel e. Mahirap na.

Wala nang ring asarang magaganap. Baka-libel na din maituturing.

Wala na ring mga meme’t wall photo na pagtitripan. Sabay, parang bullying na rin kasi ang dating e.

Ang hirap kasi ay hindi malinaw ang pamantayan kung kelan libelous ang salita o hindi. Magkakaiba tayo ng standard ng tolerance bilang tao. Kungbaga kung ang salitang tulad ng "Gago" at iba pa ay expression pa lamang para sa akin, baka sa iba o kahit sa inyo, hindi. Ganun kalabo. Sa print at broadcast media may matinding distinction sa mga salita kung libelous ba ang mga ito o hindi. Pero sa social media, iba na ang kahulugan nito. Yun lang ang problema.

Impluwensya

10/02/2012  11:15 AM


“Sa mata ng bata, ang maling halimbawa ay nagiging tama.” Yan ang isang makabuluhang kasabihan mula sa isang lumang kommersyal sa telebisyon. At hindi ito usapin ng moralidad, kung konserbatibo ba ang isang tao o malaya ang kaisipan.

Nagbabago na kasi ang panahon, kaya sa totoo lang hindi na rin kataka-taka kung bakit ibang-iba na ang mag kabataan ngayon sa mga nagdaaang henerasyon na sa ganyang kaedaaran pa lamang.

Monday, October 01, 2012

Deprivation to “Freedom of Speech” or “Freedom to Abuse?”


Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming umaalma ng “no more freedom of speech?!” sa mga Pinoy na laging naka-online pagdating sa usapin ng cybercrime act. Kahit po ang inyong lingkod ay tumutuligsa sa mga probisyon ng electronic libel. Oo nga naman, bakit parang pipigilan mo kami magsalita?

Sira ba ‘tong mga ‘to? Parang literal na sinungalngal o nilagyan mo ng busal ang mga bibig naming niyan. Pa’no ka aaksyon kung hindi mo alam ang mga hinaing ng mga kalipon mo. At… oo nga pala, akala ko ba kami ang boss mo, at hindi ka pwedeng makinig sa mg utos namin? Labo.

Pero, ang punto kasi, pagdating sa mga panukalang batas, kadalasan ay pumipirma lamang siya bilang punong ehekutibo ng bansang ito. At may veto process na sinusunod kung sakaling hindi aprubahan.

(Ayun ito sa usapan namin ng isa sa mga followers ko sa Twitter na itatago ko sa inisyal na I.M.A., ito ang mga posibleng pangyayari at pamamaraan  sa estado ng pagpirma at ng veto process)

e-Kopyahan

Minsan, naisip ko na lang na ang mundo ay parang isang malaking photocopy machine. Kung gusto mo branded, e ‘di Xerox.

Unless kung sadyang malikhain ka talaga, gawain na natin ang pagkopya ever since. Sa mga singing contest, madalas ay mga kanta ng mga tanyag na mga mang-aawit ang nagiging piyesa. Sa sayaw, may mga steps na halaw mula sa choreographer o sa mga napaglumaan na. Ang ilang mga konsepto ng palabas sa telebisyon ay minsan, may pagak-halaw din sa ibang mga programa. Minsan nga, pati mga promotional materials gaya ng poster o yung pattern ng mga plot ng kwento. Hmm… may mga franchise shows nga e.

Pero kahit papaano ay may pagkakahalintulad ang mga ilan sa nabanggit. Kikinikilala nila kung kanino galing ito. Binibigyan ng due credit. Oo nga naman, hindi mo magagawa iyan kung hindi dahil sa kanila. Hindi nila ipinagyayabang na sa kanila ito ng buong buo. Minsan, mas okay pa nga yung mga aminadong nangongopya kesa sa mga tao na “original” kuno. Sinong niloko mo?

Paano silang mga bata?


Magtatanong lang po, tutal uso naman pag-usapan ang batas na ito.

Teka, paano na nga lang ba ang mga kabataan kung ma-implementa ang Republic Act 10175 o ang Cybercrime Protection Act of 2012?

Karamihan kasi sa mga bata ngayon na napapansin ko ay sadayng mapusok. At hindi lang to usapin ng PBB Teens, ha? Sa mundong umiikot ang karamihan sa kanila sa mga aktibidades pagkatapos ng klase gaya ng DotA, walang kwentang relasyon, teenage sex, usapang “crush,” “face-off” sa wall photos ng Facebook, sa mga “frat,” mga pipitusging musika ng popular na kultura, ultimo mga tunog-dyip na hip-hop at iba pa… May mga… well, (err) ganyan, na mga kabatan. Nakikita ko pa ang mga yan base sa mga laman ng news feed ko sa Facebook pati na rin sa Twitter. Karamihan kasi sa mga iyun ay mga tao na mas bata pa sa akin.

OCTOBER 3, 2012


October 3, 2012. Ang petsa na kinatatakutan ng karamihan sa mga Filipino netizens.

October 3, 2012. Mas nakakasindak pa yata ‘to kesa sa doomsday kuno na December 21, 2012 para as mga adiks a social networking sites, fourms at ultimo ang mga bloggers at commenter nito.

October 3, 2012. Ang pang-40 sa 52 araw ng Miyerkules sa taong ito. Teka, malapit na pala ‘to e. Sa darating na Miyerkules na pala ito! Pero ano nga ba ang meron sa petsang October 3, 2012 na ito?

Sunday, September 30, 2012

TALES FROM THE CITY LIGHTS – NO MORE CURFEW NIGHTS.


Una kong narinig ang salitang curfew noong bata pa ako. Nasa basketball court ako nun nung napansin ko ang nakapaskil na “curfew.” Bawal daw kaming mga menor de edad ng lumabas sa oras na alas-onse ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw. Ito nga ang dahilan kung bakit takot ako na lumabas noong mga dis oras ng gabi. Kapag nagising na ako ng alas-4:30 nun, aantayin ko pa mag-5 para lang maglaro sa court. At kailangan bago mag-11 nasa bahay na ko kaya hinahapit ko ang pag-order ng pagkain nun. Masyadong masunurin, no?

Ito palang curfew na ‘to ay isa sa mga batas na ipinatupad ni Macoy noong Batas Militar. 12 midnight – 4 am naman yun. Sa ngayon, hindi ko mawari kung ipinapatupad pa rin ito. Sabagay, ang isa sa mga layon kung bakit sa kabataan lang ang tinatarget ng batas na ito ay dahil sa dumaraming mga tambay at nagiging adik. Minsan pa nga nagkakaroon ng mga away o gang war. Pero sa kabutihang palad, wala naman akong nabalitaan na ganun ditto sa lugar namin.

Kahit noong 16 anyos pa lang ako at inuutusang bumili ng mga pinsan at kapatid ko ng alak, parang andun pa rin ang takot ko e. Buti na lang ang pinagbibilhan ko nun ay yung tindahan ng mga pamangkin ko (at that time kasi, may tindahan pa sila at 24-hours a day silang bukas). Kaya lang medyo may guilt pa rin, minsan nga halos mangatog na ang katawan ko sa kada nakakakita ng mga baranggay tanod. Akala ko huhuliin ako, yun pala. Tatanungin lang. “iho, saan ka pupunta?” “Ah, bibili lang pos a tindahan, ser.” Ayun, ‘di naman nasisita. E hindi naman kasi talaga ako naglo-loiter. Yung utos lang talaga ang pakay ko.

Pero sa pagdaan ng taon, nasa legal na edad na ako, parang ewan na lang ang mga nangyayari. Bakit kanyo? Sa kada panahon na uuwi ako ng bahay o tatambay sa computer shop ng tropa ko sa hatinggabi e ang daming mga kabataan ang nakatambay lang. Though wala naman silang ginagawang masama (hindi ko na pwedeng himasukan ang pagyoyosi ng mga ‘to, tumatagay, o pakikipaglalandian), pero may curfew e. Naiisip ko na lang na “sabagay, ‘pag andayn na ang mga tanod e kakaripas ng takbo ang mga ‘to, maghihiwalay ng mga eskinita para lang makatakas.” Pero, may batas pa rin e. Parang hindi yata natatakot ang mga ‘to o ine-excuse lang ang pagiging ignorante. Pwede naman silang pumasok sa silong o barong ng mga bahay nila at doon gawin iyun. Ewan.

Sa burger stand nga lang na inoorderan ko ng buy 1 take 1 na mga pagkain e mararaming mga andun na mahahalata mo sa edad. Ayos sana, e kaso hindi naman umoorder. Pero dedma na lang, paki ko ba sa mga iyun? Buti sana kung pinagtitripan ako kaso ibang usapan na iyun.

Pero hindi ganun e. Ang ilan sa mga nakikita ko, andun lang sa bandang court nakapatrol. Sabagay, dun naman talaga ang destino ng karamihan sa ganung oras. Dahil doon, may malapit na kainan na bukas sad is oras ng gabi, isama mo na ang isa pang burger stand, tindahan ng isa sa mga kilala ko na kapitbahay, at isang open 24 horus daily na bakery.

Sa tingin ko, kahit tila wa curfew na e maayos pa naman ang nangyayari. At hindi na rin ako pwedeng huliin kung tatambay man ako (pero hindi ko naman gagawin ang mag-loiter anyway) dahil 22 na ako e. Saka sa totoo lang, ang mga nakikita ko pang mga umaakto ng pasaway kesa sa mga batas a ganung oras ay yung mga manong na tambay. Tumatagay pa ng kanyang hawak na 1 malaking bote ng isang brand ng brandy sa bandang tabi e. Yung iba pa dyan na nasa edad 30 lang nakikipag-away na sa kapwa niya na lashing. Yun lang ang mga eskandalong nagaganap.

Samanatalang yung mga mas bata pa sa akin na napapansin ko kahit alam ko na mga may grang o frat ‘tong mga ‘to? Chill lang. Nakatambay nga pero ang titino naman, hindi ganun kalakasan ang boses para maka-istorbo sa mga natutulog na kapitbahay at kung nasa shop naman, tahimik din. Tama yan, nang hindi mapahamak yung mga may-ari ng tinatambayan niyo. At hindi lang sa lugar ko mismo napapansin ito, kundi pati na rin sa ilang mga lugar na nadadaanan ko sad is oras ng gabi, commute man o naglalakad.

Isang bagay lang ang sigurado. Kung epektibo man ang curfew o hindi, ‘pag disiplinado ang tao, maayos at matiwasay ang komunidad sa gabi.

Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 12:13 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions.

WHERE’S THE MESSAGE?


Lumaki ako na ang musikang madalas pakinggan ay ang mga may makabuluhan na nauuso pa kahit papaano noon. Iyan ay sa kabila ng mga naglalabasang mga mahahangin sa mainstream. Ngayon, napapatanong na lang ako. Nassan na kaya ang mga ganitong musika? Ito dapat ang mas pinapakinggang ng karamihan kesa sa mga halatang pasikat kahit hindi pa ganun kahasa e. Sensible music, ika nga. Ang art noon, hindi lang may commercial value, may moral value din. Kaya astig talaga kung maituturing. Iyun nga lang, mas madalas ito makita sa mga larangan na hindi na saklaw ng mga nauuso.

Pero alam ko na mayroon pa naman sa pop culture na may ganitong tema e. Yung mga may dating alaga. Hindi dahil sa mababaw na aspeto tulad ng astig na rhythm o beat, o ‘di naman kaya’y yung mga madaling kabisaduhin yung mga salita ng lyrics. Kundi dahil sa mga may mga magagandang kwento sa likod nito. Yung tipong may mapupulot ako na may kaututran at matututunan, kahit sa kabila ng mga katarantaduhang mga binibigkas ng mang-aawit. Yung talagang masasabi na may replay value.

Alam ko, meron pang mga ganitong klaseng bagay sa panahon ngayon. Though ang isa sa mga pinakapatok noon ay ang kanta ng Black Eyed Peas na “Where is the Love?” Akala ko nga nung una e, panay romantisismo na naman ito e (love e). Pero ‘tol, ‘wag ka.

Saturday, September 29, 2012

TV, Y U NO MO GOOD?

09/28/2012 03:05 PM

Kung sakaling hindi o nagets ang naturang pamagat, TV Why You're No More Good?

Nag-iiba na ang panahon, pati na rin ang programming ng telebisyon. Kung dati ang titino ng mga palatuntunan, ang tanong: meron pa ba kayang mga ganito ngayon?

Sa Likod Ng Mga Umaatikabong Eksena Ng Mga Krimeng Naganap (The Closed Circuit TeleVision Camera Story)


Moderno na ang mundo ngayon, at hindi nagpapahuli sa mga dorobong mala-high-tech na rin ang istilo ng pananamantala nila sa kapwa. Anuman ang kalokohan nila, nahuhulog na sa patibong nga mga pwersa ng mamamayan at alagad ng batas gamit ang isang camera na kung tawagin ay CCTV.

Dati lang ito nakikita sa mga pampublikong lugar para tulungan mandohan ang mga seguridad ng mga naturang gusali o establisyamento, lalo na sa mga opisina ng mga matataas na kumpanya. Kung sakaling may security lapses na naganap sa panig ng mga gwardya, ito ang isa sa mga natitirang sandigan sa mga pangyayari.

Ngayon, sa mga ilang bahay at ultimo mga kalye, meron na ring nakakabit na CCTV camera. At iba’t ibang klase na rin ang mga ito. Bagay na malaki ang naidudulot at naiaambag sa panig ng otoridad kontra krimen.

Sa mga closed circuit television camera kasi naidodokumento ang mga pang-araw-araw na pangyayari sa isang spesipikong lugar na abot nito. Abot ang mga sitwasyong nagaganap. Kung may sablay na transaksyon, may nakaligtaang tao na dumalaw, at iba pa. Pero kapag sa mga bagay na akto ng krimen ang usapan, nahuhuli din nito ang mga suspek at biktima. Madalas sa mga news items na police beat ang tema, naisasama na bilang paret ng mga ulat ang mga kuha ng CCTV. At ultimo ang trapiko sa lansangan, hagip na gamit nito na pinapahiram pa sa mga ahensya ng pamamahayag para sa kanilang mga traffic report.

Sa mga laman ng balita na hindi na nahagip ng mga lente ng media, CCTV ang isa sa mga tanging makakapagresolba. Kung ang isang prominenteng nakatakas na kawatan ba ay pumasok sa isang casino, kung may nag-check-in sa isang kwarto pero yun pala ay nire-rape na ng isang diplomat at kanyang dine-date na dalaga, kung nakunan ba ang dorobo ng hindi masawatan na budol-budol gang, nangholdap sa isang tindahan, niratrat ng bala ang isang dumadaan lang na tambay, ang ultimo pagsasgasa ng isang sasakyan sa center island na ikinasawi ng isang bata, kung may tumalon sa riles at nagpasagasa sa dumaraang tren, at iba pa.

Malaki ang naitutulong nito kahit sabihin pa na ang ilan sa mga ito ay hindi lubusang malinaw ang kuha, ang iba ay nahalata ang nasabing device, pero nakagawa pa rin ng krimen. Ang hindi maisalaysay ng tao, nakikita sa mga camera na tulad nito. Kaya malaking bagay na rin pag gumawa sila ng imebstigasyon at mas matindi pa kung mahuli ng mga kapulisan ang suspek sa isang naturang krimen gamit nito.

Isang bagay ang siguradong pinapatunayan ng CCTV camera. Ika nga ng isang palabas, “Hindi nagsisinungaling ang ebidensya.”

Author: slickmaster | Date: 09/28/2012 | Time: 01:32 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Friday, September 28, 2012

ANG MAPAGHUSGANG LIPUNAN.


Sa panahon ngayon, hindi natatalab ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Bagama’t may mga matitinong kritiko naman sa mundong ito, e marami naman ang mga superficial, yung skin-deep lang ang pag-unawa. Ano ang ibig kong sabihin? Pansinin mo ang mga bagay-bagay sa lipunan, sa mga news feed mo sa Facebook, at diyan mo makikita ang mga sagot, tulag ng mga ito:

Itsura o pananamit ng tao. Sa mata ng iba, diyan mo makikita ang personalidad ng isa. Kung anong klaseng tao ka.
  • Kapag magandang lalake ka, dalawang bagay: sa matitino at sa mga babae, gwapo; at sa mata naman ng mga insecure, bakla, lalo na kung may pagkabanidoso ang mga ito.
  • Kapag hindi kaaya-aya ang panlabas na anyo, ineechepwera ng karamihan. Wala na silang pakialam kung mabait naman ang kalooban nila sa kabila ng kanilang itsura.
  • Kapag naka-make-up masyado si ate, dalawang bagay: sobrang kaartehan, o isa sa mga prosti. Yun lang ang panlaban niya kahit laspag na talaga pag nahubaran e.
  • Kapag corporate ang attire, mataas na ang katungkulan ang tingin nila sa kanya. Teka, hindi ba pwedeng uniform nila ang ganyan?
  • At kapag kulot ang buhok, parang yung usong kasabihan… salot.

Sa pagsasalita naman nalalaman din ang ugali ng isa.
  • Kung matiwasay, mahinhin ka.
  • Pero kapag balahura ang dating, e parang ganun nga.
  • Kapag may slang, sosyalera na daw o maarte.
  • Kung loudmouth masyado, parang nagger.

Kapag may kasama ka sa isang lugar, pampubliko man o bahay, may masasabi din sila depende nga lang sa mga kasama mo.
  • Kapag ang dalawang babae ay magkasama, ayos lang yan bagamat may iba diyan bumibira na “ay, sa malamang ang isa diyan ay tibo o lesbian.”
  • Kapag ang isang babae at isang lalake naman lalo na kapag magkaedad lang sila sa itsura, ang unang impresyon ng ilan? “ay, mag-syota ‘to” kahit sa totoo lang, puwedeng mag-utol o magkatropa lamang sila o kahit wala naming akto ng PDA na nagaganap.
  • Kapag dalawang lalake ang magkasama, dalawang bagay: magtropa o yung isa diyan, bakla.
  • Kapag may kasamang bata, “ay, may anak na” ang sambit nila, kahit sa totoo lang e inaanak mo lang o pamangkin o kung ano pa iyan.
  • Kapag ang isang pangit at maganda ang nagsama, “ginayuma” daw ni pangit. Ngek! Grabe naman iyan.

Sa isang simpleng post ng Facebook natutukoy din ang personalidad ng tao. At sa mga kumento ng ilan mo mahahalata kung nakakintidi ito sa binasa nilang post o hindi. Ilang bese na ko nagmamasid at ito ang mga nakita ko… kasarap lang bigwasan ang iilan.
  • Pag nagpost ang user ng isang mala-ampalayang mga salita at may babala ito, may magkukumento pa rin ng “Ang bitter mo, gago!” Ay, ang tanga lang.
  • Kapag nagpost ng isang tirada o nagaalab na saloobin ang isa, may nagkukumento ng “hoy, sino na naman ang kaaway mo?” o ‘di naman kaya ay “U MAD?” Ay, hindi! Proud ako, tanga!
  • Kapag nag-post ang isa ng isang mala-kesong linya, dalawang bagay: sweet o in love, o corny/ gasgas na. kapag maraming sinasabi, ano ka? Ernie Baron? Ang dami mong alam, dre. Sorry ha? Inggit kasi ang mangmang na tulad mo e.
  • Kapag may nilalamang maselan na salita, malibog na kaagad. Weh?
Ang mga nabanggit ko ay iilan lang sa mga bagay-bagay na naka-agaw ng pansin sa akin. Ayun pa pala, kapag napuna mo, masasabihan ka pa na “pakealamero.” Sabagay, kung may mga kapuna-punang mga bagay ba naman e. At may pagkadepende ang pagiging pakialamero at tsismoso ng isa. Siyempre, nilulugar din iyan. May mga bagay na pwedeng pansinin at may mga bagay din na off-limits na.

Sa wall photos nga lang e pag may napansin lang kukunan na kaagad ng litrato e regardless kung worth it ba ng attensyon ang bagay na iyun o hindi. At mahahalata mo din kung gaano kababaw ang panghuhusga ng ilang mga tao. Pustahan, kapag ito ay nabiktima ng ibang tao sa ganyang gawain din na tulad nila e diyan lang sila matatauhan. Nakakahiya kaya ang pagtripan ka sa social media.

Sa balita, pag nahagip ka lang ng lent eng kamera e akala ng iba laman ka na rin ng balita mismo. Yung iba nga pag nadyaryo e, akala nila masamang balita na ang kinasangkutan.

Pag na-typo ka nga lang sa ilang mga post, may mga aaribang mga “Nazi” diyan. Lalo na siguro kung palyado pa ang pag-i-Ingles mo. Grammar Nazi ang aatake sa iyo.

Sa sobrang marami ring mga perpeksyonista sa mundo, nakalimutan yata ng mga ‘to na hindi sila angat kahit ilang beses sila mamuna at makisawsaw. Yan, ang hihilig kasi makiuso e.

Marami pang mga tanong. Parang mga ito:
  • Pag may litratong magkasama, magka-date na kagad?
  • Kapag siya ang last touch, siya na kaagad ang nagnakaw?
  • Kuapag nakashoot a la Kobe moves, superstar na kagad?
  • Kapag mabilis mag-rap si Loonie na kagad?
  • Kapag mga ganitong linya, si Vice na kaagad? (Sabagay, siya ang nagpauso niyan e.)

O ewan… ang dami.

Isang bagay lang ang sigurado. Mapanghusga tayo sa sariling karapatan at pamamaraan sa ayaw o sa gusto natin. Pero pustahan ang iba, magdedeny, at yung iba na maghuhugas-kamay, mabibira pa ng “ipokrito” ng iba. ay, naku. Ayos lang maging kritiko, pero sana laliman naman natin. Hindi yung “may masabi lang.”

Author: slickmaster | Date: 08/03/2012 | Time: 09:39 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

The Thin Line #3: News and Commentary

09/27/2012  09: 46 PM

newsonnews.com
Sang-ayon ako sa sinabi ng isang batikang mamahayag at propesor na si Crispin C. Maslog. “Opinion should be separated from news.” Pero sa nagbabagong trend kasi ng pagbabalita sa broadcast media, ‘tila na wala masyado ang makakapagbigay ng distinction sa kung ano ang binabalita sa mga isyung pinupuna. Wala bang boundary? Hmm…

Rumorondang Kawatan

09/27/2012  09:27 PM

Baguio Herald Express
Isa sa mga bagay kung bakit tila nababalot na sa takot ang ilang mga kababayan sa ilag ng mga lugar ditto sa Kamaynilaan ay ang mga taong mapagsamantala sa kapwa. Yung mga tao na kayang tumakas ng basta-basta ang mga modus na kanilang pinagagagawa. Sila ay kilala sa terminong “riding in tandem.”

Thursday, September 27, 2012

PlayBack: 187 Mobstaz - We Don’t Die We Multiply

09/25/2012 11:43 PM

One of the large famous groups in the underground rap scene, 187 Mobstaz unleashed its music video.

Martial law in the cyberspace? (The Online Libel Story)

Noong Sabado, a-15 ng Setyembre, 2012 ay nilagdaan ng Pangulo ng bansa na si benigno Aquino III ang batas na susupil sa mga krimeng nagaganap sa internet. Ang Cybercrime Protection Act of 2012 ay may saklawa sa ilang mga kaso ukol sa child pornography, cyber-bullying, identity theft, fraud at online defamation o online libel, at ang mga parusa sa sinumang lalabag ay 6 hanggang 12 taon na pagkakabilanggo at may multa na hindi bababa sa P20,000 pero hindi lalagpas sa P10 Milyon.

Bagamat may mga ulat na irerepaso ang ilang mga probisyon sa part eng online libel. Marami naman ang umaalma. Maari daw kasi nito masupil ang karapatan ng isang tao na maglahad o magsalita.

Parang ang dating ba ay pag nagsalita ang mga pulitko, wala nang karapatan ang mga mamayan na magreact. Sabagay may punto nga din naman, lalo na kung mga “epal” ang mga ito at ang sagot ng mga netizens sa kanila ay ang pamamraan ng pangba-bash.

Hmmm… masasagasaan nga. Kasi isa sa pinakaprimarong karapatan natin ayon sa mata ng batas ay ang maglahad. OO nga naman, bakit mo ko tatanggalan ng karapatan na maglahad. Marami ang maapektuhan nito, lalo na ang inyong lingkod na umiikot sa mga usapin sa lipunan madalas umikot ang mundo ng pagba-blog ko. Parang binigyan mo kami ng piring sa aming bunganga at maging piping saksi sa lahat ng kaganapan. Literally, it’s a big SHUT UP on me.

Pero sa kabilang banda tingin ko, may dahilan kasi kung bakit kailangan maghigpit ang batas lalo na sa ngayon. Pero duda ako na a la Martial Law ang dating nito, unless kung sobrang higpit talaga. At mahihirapan sila na supilin ito, hindi dahil a kung anu-anong mga teknikalaidad at terminolohiyang may kinalaman sa Information Technology ang kinakailangan, kundi dahil sa walang malinaw na level of tolerance. May mga bagay kasi na masasabi na libel ng isa pero hindi naman sa panig ng iba. At bilang tao, magkakaiba tayo ng pamantayan kung ano ang nakakatawa sa nakakaasar sa ating mga kanya-kanyang pananaw, lalo na sa mga social networking sites na ginagawang libangan ng karamihan, o panakas mula sa mga masasamang kaganapan sa realidad ng buhay. Ditto na lang nila nagagawang tawanan ang problema.

Pero… may rerepasuhin man o hindi, kailangan na rin kasi ng batas na ito e, kahit sa totoo lang ay mahirap sugpuin ang mga cyber crime, dahil sa sobrang daming mga terminolohiya at teknikalidad ang kinakailangan para maresolba ang krimen. Dumarami pa ang mga abusado, ke trip lang man yan o sadyang may layunin.

Matanong ko lang, yung totoo… labag ba talaga ito sa freedom of expression ng tao o dahil hindi lang ito matanggap ng mga asal-gago sa internet? Yung mga taong mapang-abuso. Mga siraulo kasi kung makapagkumento sa mga web sites, ke discussion forum man o sa isang simpleng Facebook post. Hindi pa ganap na nagpapakilala, madali lang kasi ang magpanggap sa harap ng computer e.

Isip-isip muna.

At isa pa, may manipis kasi na linya na naghihiwalay sa pagitan ng pagsasabi ng totoo at sa tahasang pangungutya. Halos wala itong pinagkaiba sa aktwal na libel o defamation.

Alalahanin natin na sa kada salitang binibitawan natin, maliban pa sa ito ang maglalarawan kung anong klase tayo, ay may responsibilidad tayo na pinanghahawakan sa mga ito. Kaya mag-ingat palagi sa mga sasabihin at ipopost.

Huling bara: hati ang opinyon ko. Pabor ako, maliban lang sa mga probisyon sa libel. Kung kailangan man ito repasuhain, aba e dapat lang siguro. Dahil pare-pareho lang tayo talo dito. At nilalahad ko pala ito ng nasa ayos.

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time 12:04 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions